#22: Unmercy Death

286 16 0
                                    

Swallowed By Darkness

#22: Unmercy Death

-Kailron's Point of View-

Bumagal ang oras habang nakatingin ako sa mga shuriken na patungo kay Zed, bumibilis ang tibok ng aking puso pero hindi ko maigalaw ang aking katawan para makatulong pero si Zed ay kalmado lamang habang seryosong hinahawakan ang kaniyang samurai.

What the!

Mabilis nitong sinangga ang mga dumarating na shuriken at sabay din niyang naiiwasan ang mga iba, sobrang bilis talaga ng pagkumpas niya ng samurai at pati narin ng galaw. Hindi ko talaga inakala ito!

Palagi kong nakikita si Zed na seryoso pero iba ito, may nakakatakot na aura ang pumapalibot sa kaniya katawan.

"Sugod Guardians!" Utos ni pinuno kaagad saamin ng masangga lahat ni Zed ang mga shuriken.

Uminit kaagad ang katawan ko at mukang sasabog ako sa galit, hindi ako pumapatol sa babae pero mas hindi puwedeng masaktan ang aking grupo lalo na si Zed!

Wala na ako sa tamang huwisyo, mabilis kong inihakbang ang aking mga paa at mabilis na lumusob sa kanila, I wave my sword as strong as I can.

Tumatakbo ako at pinapatay sila na parang wala sa sarili, ramdam kong ganun din ang ginagawa ng iba naming kasamahan habang si Shamiel ay kumakatunggali sa Captain ng magkabilang grupo.

Maraming dugo ang umaagos sa lupa at damuhan, mga babaeng walang buhay dahil sa sobrang pagkasaksak at yung iba ay naputulan pa ng ulo.

Akma na naming tutulungan si Shamiel ng pinigilan niya kami!

"Laban ko to! Wag na kayong sumali!" Kumindat saamin si Captain Shamiel habang nakikipag espadahan sa natitirang kalaban.

Metal spear laban sa dalawang dagger ni Shamiel, nakakapangilabot na mga galaw ang aming nasasaksihan ngunit malaki ang tiwala ko kay Captain Shamiel Creole.

Tinusok na sana ng kalaban ang spear kay Shamiel pero mabilis naman nitong nailagan sabay hawak sa dulo ng matalim na spear at hinila niya ito papunta sa kaniya, inilibing kaagad ni Captain ang isa niyang dagger sa puso ng kalaban at yung isa naman ay hiniwa niya sa leeg. Brutality!

Napanganga na lamang ang kalaban habang umaagos ang dugo sa parte ng mga kaniyang saksak at diretsong nakatingin kay Shamiel na parang hindi inaasahan ang kaniyang pagkatalo. Hinablot naman kaagad ni Shamiel ang dagger nito sa katawan ng kalaban sabay tadyak sa tiyan.

Napatumba kaagad ito habang basang basa sa kaniyang sariling dugo at dilat dilat ang mata.

-Kacy Hart's Point of View-

Nagising ako habang nakasandal sa malaking bato sa loob ng kuweba, hala! Nakatulog nga kami!

"Guys gising!" Natataranta kong sigaw sa kanila.

Medyo wala pa silang ganang magsitayo at umalis kaya kinuha ko yung bottled water sa bag ni Alfred at binuhusan sila isa isa.

"Bilisan niyo na! Mauunahan na tayo ng iba!" Parang sasabog na ang ulo sa sobrang galit.

Nauna na akong lumakad papalabas nang napansin ko na may kulang, titingnan ko ulit ang mga barkada na dali daling naghahanda ng mga gamit.

No! Hindi pwede to! Sila na naman!

"Nakita niyo ba sina Amanda at Marcus?!" Umiba na naman ang kilos ko na nagsisimulang magseryoso.

Umiling lang silang lahat habang nagtitinginan, wala na dapat kaming sasayangin na oras! Dagdag problema na naman pero barkada ko sila, dapat ay maililigtas ko sila sa kapahamakan. "Lakad na! Ano pang hinihintay niyo?!"

Nagsimula na kaming umalis sa kuweba pero iniisip ko parin sina Amanda at Marcus. Napahinto ako at binigay ang mapa kay Stephanie.

"Ano na namang pinaplano mo Kacy?" Nababahalang tanong ni Stephanie habang nakatitig ng diretso sa aking mata.

"Kayo na ang bahala sa Chestbox, I trust in you guys! May uunahin lang ako, di ko kayang may masamang mangyayari kina Amanda at Marcus!" Wika ko habang nakatingin sa malayo.

"Edi sasama kaming lahat!" Pagpipigil ni Selena.

"Hindi niyo ba naiintindihan, kapag ma dedelay tayo sa pagkuha ng Chestbox ay hindi na tayo makakaalis sa lugar na to! Ng buhay!" Madiin kong pagpapaliwanag.

"This pendant would not help you but it is a sign of trust, Kacy." sabay abot ni Stephanie ng isang puting pendant.

"Keep safe, madami ka ng nagawa para mailigtas ang barkada, magkikita pa tayo diba? Promise me?!" Sumeryoso narin siya at nagpapapinky swear pa.

"Promise!" Tumugon ako sa kaniyang pinky swear at pagkatapos nun ay mabilis ko silang iniwan at tumakbo papalayo.

Ramdam ko ang luha na umaagos, ang sakit sa dibdib na parang ngayon ko lang nararamdaman, hindi ko alam kung saan pupunta pero pinatuloy ko parin ang pagtakbo.

Hawak ko parin ang mahabang punyal ngunit hindi ito sapat para mapatay ang mga kalaban, saan na kasi si Amanda at Marcus!

Napahinto ako sa kakatakbo dahil nasa dead end ako nakarating, isang malalim na bangin lang ang mahahagilap ko at mabilis na agos ng ilog, walang tulay ang dumudugtong sa kabilang dako at mas masukal pa.

Napagisipan kong bumalik at humanap ng ibang daan, pagkatalikod ko ay may sumalubong kaagad na suntok saakin pero mabilis ko naman itong nailagan sabay tulak sa kaniya.

Rinig ko parin ang kaniyang sigaw habang nahuhulog sa malalim na bangin, napatingin naman ako kaagad sa kaniyang kasamahan na mukhang galit habang taimtim na hinahawakan ang kanilang mga pamalo na gawa sa kahoy at may mga pako pa sa dulo.

Mabuti nalang at wala silang baril.

Pero galit din ako, I have this long dagger pero hindi ko alam kung makakaya ko silang lahat pero dahil sa galit na kanina ko pa iniipon ay sumabog na talaga at alam kong sila ang mabibiktima ko, nauna na ako sa paglusob na parang hinahamon ang kamatayan.

Nag iinit ang mata ko habang papalapit sa kanila, medyo ramdam ko ang pagkagulat nila sa inasta ko kaya dumagdag ang  tiwala ko sa aking sarili.

Sumugod rin ang isang lalaki upang magkaharap kami sa isa't isa, huminto ako at yumuko ng hinampas niya ang pamalo saakin, isang hiwa sa kaniyang tagiliran ang aking ginanti at pinatuloy ang pagsugod sa ibang kalaban.

Humarang ang dalawa pang kalaban na payat ang pangangatawan, hindi ko na sila binigyan ng pagkakataon, inihagis ko ang aking punyal at mabilis namang tumama sa sentro ng ulo ng kalaban sabay talon at tadyak. Nakita ko kaagad ang paparating na ganti ng isa pang kalaban kaya umiwas ako at ang tinamaan nito ay ang isa pa pala niyang kasamahan na tutulong sana.

Dumikit lahat ng pako sa mukha nito, isang pagkakamali ang nagawa niya pero kalaban parin ang turing ko sa kanilang lahat at walang magbabago. Hinablot ko ang punyal sa ulo ng isang kalaban at itinusok sa dibdib ng nakatulalang lalaki na hindi parin siguro maalis sa kaniyang isipan ang nagawang pagkakamali.

Napamura nalang ako ng may tumalon sa aking likuran, dalawa sila at hinawakan ako sa magkabilang braso. Nagpumiglas ako pero hindi ko kayang makaalis, may lumapit saaking isang lalaki na kulay pula ang buhok at inagaw ang hawak kong punyal.

"Your so unbelievable pero hanggang dito ka nalang!" Humalakhak pa ito sabay suntok sa aking tiyan ng sobrang lakas.

"Aargh!" Napasigaw ako sa sakit subalit dinagdagan niya pa ito ng hampas sa aking batok.

Unti unting nanlalabo ang aking paningin at naramdaman ko nalang na bumagsak ang aking katawan sa lupa.

"Goodbye to your cruel world baby girl!" Huli kong narinig bago ako tuluyang mawalan ng malay.

-LordsNnelo-

Swallowed By Darkness (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon