#20: Count Down

295 18 0
                                    

Swallowed By Darkness

#20: Count Down

-Marcus Point of View-

Pagkabalik namin sa gym ay may nagkakaguluhan, agad naming hinanap ang barkada pero mahirap na silang mahagilap dahil sa magulong sitwasyon.

"Tingnan natin sila sa labas?" Suhestiyon ni Macky habang nakalagay ang kamay sa noo at palingon lingon sa paligid.

Tumango na lamang ako at dali daling lumabas, agad naman namin silang nakita na nakatambay sa labas at medyo natataranta. Lumapit ako kay Amanda para alamin ang nangyari.

Lalapit palang sana ako sa kaniya nang bigla siyang yumakap saakin ng sobrang higpit, nagpaubaya nalang ako at tumugon sa kaniyang yakap.

Napatingin naman ang ibang estudyante na mukang matutulis ang mga titig saamin.

"Ano ba ang nangyari?" Nababahala kong tanong.

"Akala kasi namin sumali kayo sa gulo!" Ani Kacy habang nakapamewang.

"Mas mabuti na bumalik muna tayo sa kaniya kaniya nating dorm at magpahinga," suhestiyon ni Harry habang nakasandal sa gilid ng pader.

"Sige, dapat ay maghanda pa tayo para bukas!" Dagdag pa ni Stephanie at naunang lumakad.

Sumunod naman kami kaagad at pagkarating namin sa crossing ng hallway ay nagpaalam saamin sina Macky at ang dalawang barkada nito. Nagpatuloy lang kami sa paglakad sa madilim na daan at ang ilaw ng mga dorm lang ang nagbibigay liwanag pati narin ang sinag ng buwan.

Malapit na sana kami sa dorm ng may tumambang saamin na mga estudyante at may hawak na kutsilyo, mga sampu silang lahat, limang lalaki at limang babae na suot ang mga party suits nila.

"Ano na naman to!" Inis na wika ni Kacy na pumulot ng matigas na sanga ng puno.

Dalawa lang kami ni Harry ang lalaking nandito kaya mapapasabak talaga ang barkada sa bakbakan na magaganap.

"Anong kailangan niyo saamin!" Sigaw ni Amanda.

"Kayo!" Sabay tawa ng mga kalaban.

Agad silang lumusob saamin habang hawak hawak parin ang matutulis nilang kutsilyo. Humanda rin kami para sa paparating nilang atake, lahat ng babae namin ay may hawak narin ng mga sanga ng puno na handang lumaban.

Gamit ang kamao ko ay sinangga ko ang mga atake nila na ganun din ang ginawa ni Harry pero hindi talaga namin sila kaya, habang lahat ay busy sa pakikipaglaban ay nahalata kong may paparating na grupo na may dalang mga baril.

Nabaling ang aking tingin sa likuran dahil ramdam ko na may papalapit saakin, muntik na sana akong masaksak sa likod ng matulis na kutsilyo ng kalaban ng makarinig ako ng sunod sunod na putok ng baril.

Napapikit nalang ako at nagtakip ng tenga dahil sa nakakabinging tunog nito. Umulit pa ang putok ng ilang beses bago humupa ang tensiyon.

Unti unti kong idinilat ang aking mata at kitang kita ko ang mga walang buhay na bangkay ng mga aming kalaban na may mga tama ng baril sa ibat ibang parte ng kanilang katawan, agad kong hinagilap ang barkada at nakita kong may kasama silang kalalakihan kaya hinila ko si Harry na lumapit sa kanila.

"Dahan dahan lang bro!" Napasinghal naman saakin si Harry dahil sa aking inasta.

Nakatutok parin ang aking mga tingin sa mga kalalakihan at sa lalaking kumakausap kay Amanda. Sila siguro ang nakita ko na may hawak ng baril at pumatay sa mga kalaban namin.

Swallowed By Darkness (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon