Swallowed By Darkness
#6: First Day of School
☆
-Kacy Hart's Point of View-
Maaga akong gumising, syempre excited to the highest level! Pumunta ako kaagad sa banyo dala-dala ang aking bath towel atsaka bath stuffs.
"Tok!"
"Sandali lang." sigaw ng babae na nasa loob ng bathroom.
Nalanghap ko ang napakabangong amoy nang bumukas ang pintuan at bungad saakin si Selena na tinatakpan ng towel ang kaniyang katawan hanggang dibdib, maputi ang kaniyang katawan at may kasexihan.
Sumabay din sa kaniyang paghakbang ang mabangong amoy na nalalanghap ko pa kanina, humarap siya sa akin at agad kong binigyan ng isang ngiti.
"Goodmorning Kacy!" bati nito saakin habang hinigpitan ang pagkalock ng kaniyang towel.
"Goodmorning din, ang aga mo naman yata gumising!" sabay titig sa hawak niyang lotion. Mukang imported pa yata!
"Napaaga lang kasi ang pagka-set ko ng alarm." sabay kaming tumawa.
"Sige, magbibihis muna ako. See you later!" kinawayan niya ako habang lumalakad papalayo.
Ibinaling ko ang tingin ko sa bathroom na hanggang ngayon ay umiiwan parin ang bango, binuksan ko ito ng dahan dahan at--- grabee! Ang laki ng loob at punong puno ng tiles ang sahig, may shower pa at bath tub na may cold, warm at hot. Pang timpla ng kape siguro yung hot o hot girls lang ang pwede gumamit ng ganiyan. Sheyt! Gusto ko ng tumira dito!
Agad akong nagshower at nilaro ko pa yung mga kagamitan, ginamit ko rin ang bath tub at pinili ko yung hot button.
"Waah! Ang init!" napasigaw ako dahil sa biglaang paglusong ng aking paa pero unti-unti rin namang nasanay ang aking katawan sa ganong temperatura.
I feel like im innocent. Ugh!
"Kacy bilisan mo naman diyan!" naririnig kong may sumigaw sa labas.
Hala! Hindi pa nga ako nakapag shampoo at nakapag sabon may susunod na kaagad?
Dali-dali ako sa aking pagliligo at nagpunas ng aking basang katawan na agad kong tinakpan ng towel kagaya ni Selena at lumabas sa bathroom. "Sayang! Nabitin ako dun ah."
"Ang tagal mo namang lumigo Kacy!" wika ng babae na kanina pa nakasandal sa pader habang nakatalikod.
"Uy! Steph kanina ka pa?" tanong ko sa kaniya.
"Obvious ba!" nagmadali siyang pumasok at narinig ko pa ang kaniyang hiyaw habang nilolock ang pinto.
Nahahagilap ko si Amanda na dumarating din papunta sa bathroom at may hawak na tuwalya. Let's call it a replay! Si Stephanie na naman ang mabibitin. "Ha-ha-ha!" evil laughs!
Nginitian ko nalang si Amanda dahil sa sobrang bilis niya maglakad, siguro late yung alarm niya! Pumasok na ako sa kwarto at nagbihis, simple lang naman ako mag ayos eh! Pulbo, suklay at konting liptint with matching cologne okay na.
Humarap ako sa salamin at napanganga nalang ako sa aking sarili, ang cute kasi ng school uniform at AKO!
Hinanap ko yung schedule of classes na ibinigay sa akin ni Beatrice kahapon. Nasa ilalim lang pala ng unan ko nakatago, hinanap ko ang first class at nakalagay ang subject na "English!" unang klase ko patutulugin nila ako? No way, hindi ako matutulog! Pinangako ko na magbabago na ako.
BINABASA MO ANG
Swallowed By Darkness (Completed)
Mystery / ThrillerComplete Standalone Novel -:- Gusto niyo bang malaman ang mga bagay na hindi gustong malaman ng iba? Everyone has their own personality but others hide it with a reasons! Ang natatanging mapagkakatiwalaan mo lang ay ang iyong sarili. How could you o...