Swallowed By Darkness
#13: Catching Clues
☆
-Kailron's Point of View-
Lumakad na kaming tatlo na parang walang kaalam-alam at hindi nagpapahalata sa aming gagawin upang mabitag namin ito sa aming plano. Pumunta kami malapit sa kaniya at nasulyapan ko na nagtago siya ng maigi habang nagmamatyag sa kapaligiran.
Mabilis kaming humakbang at tumakbo papunta sa kaniya pero nahalata niya kami kaya't nagpasabog ito ng isang neon red na smoke grenade.
"Wag kayong pumasok sa usok!" utos ni Cooper. "Baka trap lang yan."
Maya't maya ay nawala ang makapal na usok kasabay sa pagtakas rin ng isang miyembro ng Dark Elite Gang na sinusundan namin.
"Ayun siya!" sigaw ni Marcus na tinuturo ang lalaking tumatakbo papalayo at papunta ito sa lumang gusali ng paaralan malapit sa school gymnasium.
Tumakbo kami ulit na parang aso habang lumalabas ang dila dahil sa kapaguran pero hindi kami huminto sa paghahabol. Nahagilap namin ito na pumasok sa loob at isinara ang pintuan.
"Bilisan natin! Wala na siyang kawala pa," sigaw ko at binilisan pa ang takbo.
Pagkarating ko sa pintuan ay pinilit kong buksan ngunit nakalock ito sa loob, kumuha si Marcus ng malaking bato at inihampas sa doorknob dahilan ng pagkasira nito. Tinadyakan ko ng may kalakasan ang pintuan at agad naman itong bumukas!
"Maiwan kana muna dito, kaya na namin to ni Kai at saka pa! Baka makatakas ulit ang nag-iisang susi natin sa mysteryo kaya't mas mabuti na nandito ka upang magbantay," Hiling ni Cooper kay Marcus sabay abot ng isang rectangular device na inimbento siguro niya.
Humakbang na kami papalayo kay Marcus na naka sandal sa pintuan habang nakasunod ang tingin sa amin. "Ingat!" pahabol na sigaw nito.
Apat na palapag itong gusali at walang elevator ang ginagamit dito kundi hagdan lamang paakyat at pababa, bawat sulok ng first at second floor ay inusisa na namin pero wala kaming nakita kahit bakas at anino ng DEG kundi mga lumang papeles at gamit pang opisina ang napaaloob rito.
Umakyat naman kami sa third floor para doon siya hanapin, medyo malaki yata ang third floor at ito rin ang pinaka maalikabok. Madami ding sapot ng gagamba sa bawat sulok ng kwarto at mga gamit dito.
"Hey Kai," mahinang bulong saakin ni Cooper.
"Bakit?"
"I think wala ditong dumaan." mahina ulit niyang bulong saakin. "At wag kag magsalita ng malakas. Okay?!"
"Nakakasigurado ka bang wala dito?" mahina kong tugon na mas sobra pa sa kay Cooper.
"Sure na sure ako dahil walang footsteps dito, tingnan mo yung sahig." sabay tinuro nito sa mga bakas ng aming paa.
Edi ikaw na ang henyo, mas gwapo naman ako kesa sayo!
"Sige na nga, tara!" mariin kong sabi at naunang umalis sa maalikabok at lumang kwarto. Sumunod lamang si Cooper saakin habang papaakyat ako sa fourth and last floor. Kinuha ko na kaagad ang aking kutsilyo at ballpen sa bulsa para maging handa.
Medyo madilim sa parteng ito kayat hinanap ko kaagad ang switch.
"Saan ka pupunta," tanong ni Cooper pero hindi ko nalang ito pinansin.
Pagkarating ko sa kalagitnaan ay may nakita akong gumagalaw sa bandang kanan namin na malapit sa pader.
"Flashlight Cooper dali!" malakas kong sigaw dahil sa pagkataranta.
BINABASA MO ANG
Swallowed By Darkness (Completed)
Mystery / ThrillerComplete Standalone Novel -:- Gusto niyo bang malaman ang mga bagay na hindi gustong malaman ng iba? Everyone has their own personality but others hide it with a reasons! Ang natatanging mapagkakatiwalaan mo lang ay ang iyong sarili. How could you o...