Swallowed By Darkness
#30: End Is Near
☆
-Cooper's Point of View-
Kanina pa kami naghihintay rito sa groundfloor ng hide-out at gabi na siguro sa labas, si Miss Shamiel ay ginagamot ngayon sa Clinic ng mga medic ng Guardians at si Zed naman ay pumasok sa kwarto ng kanilang pinuno. We are waiting here since nakababa kami sa elevator at nakakaramdam na kami ng pagkainis dahil sa paghihintay.
Paikot-ikot lang ako rito sa malapad na silid na punong puno ng libro at antigong kagamitan, vintage paintings and also the orange light of crystalize chandeliers makes the sorrounding visible habang ang iba naman ay nagpapahinga sa malapad na pulang sofa. Nakakapikon man isipin pero ginusto naming lahat ito, sumang-ayon kami rito. Sana ay nasa loob na kami ngayon ng campus ngunit sa huli na ang pagsisisi.
"Ilang oras na tayo rito ah! Wala manlang miryenda?! Huh?!" Napakamot nalang ng ulo si Selena habang nakatingin kay Harry na pabalik-balik na lumalakad.
Binuksan ni Alfred ang kaniyang backpack kaya nagsi-tinginan naman kaming lahat sa kaniya, umiling lamang ito at mabilis na isinara ang zipper. Isang malalim na buntong hininga na lamang ang pinakawalan naming lahat habang nakakunot ang noo.
Napapagod na kami, wala na nga kaming ganang magsalita. Si Amanda ay nakasandal sa balikat ni Marcus habang mahimbing ang tulog at sina Harry at Trixie naman ay nagkukwentuhan ng may mahinang boses.
Nakarinig nalang kami bigla ng nakakapanindig balahibong tunog ng pintuan habang dahan dahan itong bumubukas. Iniluwal nito ang dalawang Ninja ng Guardians kaya mabilis naman kaming kumilos at naghanda. It means we trust no one here!
"Guys kalma lang, magkakampi tayo rito," sunod na nagpakita si Zed habang sa likod nito ang isang may edad na lalaki.
"Kanina pa kami naghihintay rito, walang manlang miryen---" hindi na natapos ni Selena ang sasabihin ng tinakpan ni Trixie ang kaniyang bibig.
"Ba't ba kasi ang tagal niyong lumabas?" Si Trixie na ang nagsalita habang nakatakip parin ang kamay niya sa bibig ni Selena.
"Mabuti nalang at nakatulog ako," pagsingit ni Amanda na naglilinis pa ng mukha at inaayos ang buhok.
"May importante lang kaming inasikaso, paumanhin sa ginawa naming paghihintay sainyo," humingi naman kaagad ng tawad si Zed.
"Cooper okay ka lang jan pre?" Nakatingin pala saakin si Marcus, creepy mo bro!
"Yup!"
Umalis na ako sa sinasandalan kong bookshelf at dahan-dahang lumakad papalapit kina Zed, hawak ko ngayon ang isang libro tungkol sa Witchcrafty, Supernatural and Illussions.
"So, ano na ang plano niyo ngayon?" Tanong ko ngunit ang mata ko ay nakatingin lamang sa may edad na lalaki. Alam kong siya ang tinatawag nilang Pinuno dahil halata sa pananamit at galaw nito.
"Let me introduce myself, I'm Herbert Acustos the Supreme Leader and the Founder of the Guardians Group," inilahad niya ang kaniyang kamay saakin kaya nakipagkamayan nalang ako sa kaniya. Ang lakas ng hawak niya at sobrang tigas pa, I can't hold it much longer kaya binitawan ko na agad.
Grabe! Ang lakas niya! Napatingin kaagad ako sa kamay kong namumula. A monster old man with a monster strength, sana pati rin sa pag-iisip halimaw ang matandang to!
"Herbert Acustos?" Bigla namang napatanong si Stephanie na nakasandal din sa kabilang corner. "Kaano ano mo si Principal Herald Acustos? Huh?"
BINABASA MO ANG
Swallowed By Darkness (Completed)
Mystery / ThrillerComplete Standalone Novel -:- Gusto niyo bang malaman ang mga bagay na hindi gustong malaman ng iba? Everyone has their own personality but others hide it with a reasons! Ang natatanging mapagkakatiwalaan mo lang ay ang iyong sarili. How could you o...