Chapter 1 ~

255 6 0
                                    

Nina's POV

"Nina nina ninananana..."

Kanina pa talaga 'to nangungulit sa akin eh. Sarap sapakin para manahimik pero di ko na lang siya papansinin. Bahala siya dyan.

"Uy!!! Nina!!"

Wala talaga akong naririnig! LALALA~

"Psssst psssst!!"

Lechugas naman oh. Bakit ba kasi ang tagal dumating ng teacher namin? Bakit ngayon pa kung kelan mukhang nakasinghot ng katol 'tong annoying seatmate ko na may pangalan na Jarell. Oo nga pala siya kasi yung class representative namin pero siya 'tong pasimuno ng kaguluhan.

Tumayo na lang ako, sa totoo lang naiinis na talaga ako sa kanya eh. 

"Nina! San ka pupunta?"

"Sa pupuntahan!"

"Samahan na kita, baka maligaw ka pa."

At dahil dun sa sinabi niya napunta na samin ang attention ng class 2-A. How nice.

"Ang sweet talaga nung dalawa no?"

"Oo nga ang cute cute nila."

"Psh, kala mo kung sinong maganda eh new student lang naman yan"

Sa totoo lang mas marami naiinis sa sakin dahil kay Jarell tapos ako eto naiinis kay Jarell... Does that even make sense? He's a famous guy every girl likes him except for me of course. Sobrang annoying kaya niya tapos minsan ang yabang pa... Di lang pala minsan, LAGI!!

"Bakit ba ang sungit mo?"

"Bakit ba ang kulit mo?"

"I'm doing you a favor here. Di lahat ng tao pinapansin ng isang tulad ko. You're that lucky enough kasi si Ms. Lianne (our adviser) yung nagsabi na samahan kita cause you're a new student."

"Wow, thank you ah!"

I said sarcastically then pumunta na sa girl's restroom. Siguro naman dito di na niya ako susundan diba?

I stared at my reflection on the mirror then suddenly someone banged the door.

"So you're Nina Abellana, Jarell's new target."

I curiously looked at her. She's pretty kaso nasobrahan sa arte.

"Excuse me, who are you?"

Aba!!! nag-eenglish siya dapat lang na sabayan ko no? Nakakahiya naman sa maarte niyang accent.

Blue Moon {ON HOLD}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon