Nakatambay lang kami ni Nina sa may park where I first saw her cry. Pagkatapos kasi nung “drama” sa kung saan dating nakatira yung pamilya niya, dito na kami pumunta since she finds it relaxing here. Gabing gabi na rin, konti na lang yung mga tao tapos malamig yung simoy ng hangin.
Tahimik lang kaming nakaupo sa may swing while watching the night sky. Maraming stars and the moon was glowing with all its might kaya hindi rin masyadong madilim.
"Wala ka pa bang balak umuwi?"
Tanong ko sa kanya.
"Ayoko pa eh, Ikaw ba? Kung gusto mo na umuwi, okay lang. Kaya ko naman na yung sarili ko."
Asa naman siyang iiwanan ko siya dito. Baka kung mapano pa siya, makunsensya pa ako.
"Ayos lang naman sakin ang mag-stay pa."
"Nagtext si Tita Haru sakin kanina, Hindi daw siya uuwi kasi may mga tatapusin pa daw siyang paper works. Sa totoo lang, natatakot akong mag-isa ngayon. Nagtri-trigger kasi lahat ng emotions, feeling ko parang bumabalik ako sa nakaraan."
Hindi ko na talaga alam ang sasabihin ko. I wanted to comfort her but I don't know how. Kung pwede ko lang saluhin yung kalahati sa bigat ng nararamdaman niya, siguro ginawa ko na. She's been hurt for so long. Naging matatag siya para harapin ang bukas kahit mag-isa lang niyang dinadala yung sakit. I sighed.
"Hindi ko na talaga alam kung anong sasabihin ko para i-comfort ka."
"Wala ka naman dapat sabihin eh. Yung pakikinig mo sa drama ng buhay ko, sapat na yun. Tapos etong pagsama mo sa akin, sobrang naaappreciate ko na kaya huwag ka na masyadong mag-alala."
She looked at me and smiled. Korni man 'tong sunod kong sasabihin but it feels like my world stopped, my heart beats faster than ever, and somehow it made me happy.
Dapat ako yung magpapasaya sa kanya dahil siya yung malungkot but it was the other way around. Bigla akong kinabahan. The feeling was foreign. Do I really like her this much? I was lost in my thoughts when she suddenly held my arm and ask if I was okay. I just nodded and looked away. Shet. Nakakahiya.
"Jarell, parang blue yung moon."
Sabay turo niya sa taas. Oo nga medyo blue-ish lang yung color niya.
"Sabi ng lola ko sa akin dati, that true love is like the blue moon. Minsan lang daw sa buhay natin na magmamahal tayo ng totoo. Siguro kaya mo pa magmahal ng iba kaso hindi na katulad nung nauna."
BINABASA MO ANG
Blue Moon {ON HOLD}
JugendliteraturNina Abellana, the new student who was stuck with her seatmate, Jarell na Class Representative rin pala nila. He was having fun annoying and teasing her 'cause he finds her interesting. On the other hand, she kept on avoiding him pero hindi niya mag...
