Jarell's POV
Pinuntahan ko na ang lahat ng mga pwedeng puntahan ni Jyrus. Buti na lang at nandito yung family driver namin. Nawawalan na ako ng pag-asa na mahanap siya. 10:00 na, it's been two hours since I called Nina pero wala pa rin akong napapala. Speaking of Nina, kakatext niya lang kung nahanap ko na daw si Jyrus.
ME: Di ko pa siya nahahanap. I'm losing hope na mahanap pa siya ngayon.
NINA: Don't loose hope! Mahahanap mo rin siya.
ME: Baka naman ayaw niya lang talaga magpahanap. Alam mo na, mahirap hanapin ang taong ayaw magpahanap.
NINA: Gusto mo tulungan na kita maghanap?.
ME: Wag na, baka ikaw pa yung mawala.
NINA: Sige, sabi mo eh. Sa tingin mo, saan pupunta si Jyrus kapag problemado siya?. There's always that one place where people go when they wanted to be alone.
ME: Wait, I think alam ko na kung saan siya pumunta. Thanks Nina. I'll just check kung andun siya.
NINA: Ingat!
Tama si Nina, There's always that one place and I think I know where that is. Pumunta ako sa mini park ng subdivision nila. Baka andun ang adik kong kaibigan.
"I think I like you. No! I already like you. Will you give me a chance? I know it's just too sudden but every second and every moment that we're together, I can't stop myself from liking you. I am risking everything just to be with you so please give me a chance."
Naririnig ko yung boses niya pero di ko siya makita. Natural madilim na eh. Yung lamp post lang yung nag-iilluminate nung place. Tsaka nagco-confess siya kanino?. Andito ba si Amber.
"I think I like you too. But that's just a fairytale. This is reality pre. Will you please get down on that tree. Are you a freaking monkey? Muntanga pre. Mukha pang desperado."
"Paano mo nalaman na nandito ako?"
"I'm your best friend. Simple as that."
"Best friend mo pala ako? Eh kanina nga lang parang ipinagtatabuyan mo ako eh."
"Dapat kasi umuwi ka na lang at sa bahay niyo nagmumukmok. Nagpanic si Tita, tinakasan mo pa daw yung bodyguard mo. Akala ko nga magpapakamatay ka na."
"Sira ulo. Papakamatay agad? Hindi ba pwedeng paunti-unti pa lang namamatay ang puso ko sa tuwing nakikita ko sila."
BINABASA MO ANG
Blue Moon {ON HOLD}
Roman pour AdolescentsNina Abellana, the new student who was stuck with her seatmate, Jarell na Class Representative rin pala nila. He was having fun annoying and teasing her 'cause he finds her interesting. On the other hand, she kept on avoiding him pero hindi niya mag...