Chapter 14 ~

127 3 0
                                    

Nina's POV

Hindi ko na hinintay na sumagot pa si Jarell dahil tinakbuhan ko na siya. Pwede naman kasi kaming mag- usap mamaya eh pero ang concern ko lang talaga ngayon is makausap si Kuya Kyle.

Hinanap hanap ko siya and natagpuan ko lang naman siya na nakaupo sa may swing sa playground. Wala masyadong tao kasi kung wala sila sa book fair, nasa kung anu-anong booths na related sa english ang inaatupag nila.

"Kuya Kyle."

"Nina? Bakit ka andito?"

"I just want to ask kung okay ka lang ba. You looked problematic when you left the auditorium."

"Can I trust you?"

Ha? Ano daw? Paki-ulit. Parang nadivert yung usapan pero nag-nod lang ako as a reply.

"To be honest, gusto ko siya, matagal na. Sinarili ko kasi akala ko mawawala rin, hindi pala. Kasi sa tuwing nakikita ko siyang nakangiti, bumibilis ang tibok ng puso ko. Sa tuwing tumatawa siya, natutunaw ang puso kong patay na patay sa kanya. Oo korni pero sa tingin ko mahal ko talaga siya. Kaso yung mga ngiti at tawang iyon ay hindi dahil sakin kundi sa taong alam kong mas espesyal sa kanya."

Haba naman ng hair ni Amber, Una si Jyrus pangalawa si Kuya Kyle naman. Pero si Amber kaya, sino ang gusto niya? Feel na feel ko yung sakit na nararamdaman niya. Parehas sila ni Jyrus, parehas silang nasasaktan.

Ganun ba mahalin si Amber? Masakit? Hindi niya alam na dalawang tao na yung sobrang nasasaktan niya. Parehas nilang sinasarili yung pagmamahal nila sa kanya. Eh pano niya malalaman na may nagmamahal sa kanya kung hindi naman nila gustong umamin.

"Anong plano mo?"

"Hindi ko alam. Sinasabi ko lang kasi masyado nang masakit."

"Would you give up on her?"

"Sabi ng utak ko tama na, pero sabi ng puso ko wag muna."

"Ang complicated niyo naman."

"It's a natural thing Nina."

"Wala ka bang balak sabihin kay Amber yung nararamdaman mo?"

"Wala akong balak kasi simula pa lang, alam kong ibang tao na yung gusto niya. Na kahit parati ako sa tabi niya, I will never be that person who can make her really happy."

Blue Moon {ON HOLD}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon