Chapter 11 ~

112 3 2
                                    

Nina's POV

To: BWISIT

Dito na ako sa labas.

Message sent.

Ilang minuto pa lang ang nakalipas simula nang tinext ko si Jarell pero narinig ko na bukas yung main door nila at heto na siya ngayon binubuksan ang gate. 7:00 pa lang ng umaga, too early for a Saturday schedule.

"Good Morning. Sige pasok ka na."

Pumasok na kami sa loob at dumiretso kami sa may dining area nila.

"Kumain ka na ba ng breakfast?"

Tanong niya sa akin.

"Tapos na. Kumain na ako bago pa ako pumunta dito."

"Ah sige. Kain ka na lang ulit."

Naglabas siya ng bread, hotdog, bacon, and egg. Typical na agahan.

"Bago umalis si Lola Lina kanina ay nagluto na siya ng breakfast. Kain ka na lang ulit."

Nakakahiya naman na hindi kumain since nilagyan niya na ako ng pagkain sa plato.

"Gusto mo ba ng chocolate drink or coffee or milk or tea?."

Wow daming choices. Iba talaga ang breakfast ng mayaman.

"Okay na ako sa water."

"Wala sa choices yung water."

Pangbabara niya sa akin. Kahit kailan hindi talaga mawawala yang pangbu-bwisit niya sa akin.

"Chocolate na lang."

Pumunta siya sa may kusina which is sa tapat lang ng dining area nila. Nagprepare siya ng dalawang chocolate drink tapos kumain na kami ng breakfast. Matapos namin kumain, ako na ang naghugas kahit na pinipilit niya na siya na lang.

"So ano ang mga ingredients na meron ka ngayon?"

"I don't know. Tignan mo na lang yung pantry at yung fridge."

Blue Moon {ON HOLD}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon