Jarell's POV
Tumambay muna kami ni Jy sa isang coffee shop. Sinundo na rin kasi si Amber tapos nagpasundo na rin sa driver niya si Irish at sinama na niya si Yve. Living under the same roof with my sister helped a lot para magkaayos naman sila. I was really glad that Irish extended her arms to finally embrace Yvette as a partof the family. Too bad this doesn't change the fact that our parents were filing their divorce papers. Kahit naman nagkahiwalay na for a long time yung parents namin, Rish and I were kind of hoping na magkaroon ng miracle at mabuo ulit ang family namin but I guess it's too much to ask from them. Maybe it's for us to accept and understand their decisions even if they should be the ones understanding us, their children. Hindi ba nila alam na ipinagkakait nila samin yung buhay na dapat naming maranasan. Sometimes I envy Jy. Kahit na sobrang busy ng parents niya dahil sa work at least naglalaan sila ng oras para sa mga anak nila. He have it all, what more could he ask for?. Kaya siguro he's a very cheerful guy. Pero saan nga ba nagsimula 'tong pagdra drama na 'to?. Siguro dahil sa matagal bago dumating yung orders namin. Busy kasing makipag usap sa telepono yung isa dyan.
"Sorry about that Rell."
"Ako 'tong kasama mo dito tapos pinagpalit mo pa ako dyan sa kausap mo."
"Wala pre eh, girlfriend ko yun. Mas mahal ko kesa sa'yo."
"Ang corny mo pre. In love na in love."
"Bitter ka lang kasi wala kang lovelife! Ligawan mo na kasi si Nina eh. Kalalaki mo kasing tao pakipot ka eh."
"Bwisit! Parang dati mas malala ka pa sa babae sa kadramahan mo. Umayos ka, sira ulo."
Tinawanan lang ako nang isang 'to.
"Eto naman oh. Nag-aadvice lang."
"Porket may lovelife ka, marami ka nang sinasabi."
"Gusto mo siya diba? So pormahan mo na baka maagaw pa ng iba. Bakuran mo na kasi."
"Possesive ka. May tamang panahon para dyan Jy. Step by step at dadating din dyan."
"Ang sabihin mo nag-iipon ka lang ng lakas ng loob para maamin mo yang feelings mo. Obvious naman kasi na gusto mo siya eh."
"Pero hindi ko siya dapat magustuhan eh, kasi may gusto na akong iba."
"Pre, ang tagal na nun ah. Mahal mo pa rin yung babaeng tinulungan mo pero di mo naman alam ang pangalan."
"Umaasa pa rin kasi ako na magkikita kami. Kung alam mo lang yung feelings ko nun Jy. Something ignited a spark within me. A feeling that I should protect her and save her from her misery."
"Ang lalim nun dude ah. Pero bahala ka. Buhay mo yan eh. Nga pala, anong plano niyo ni Nina sa susunod na araw? Kayo lang maiiwan sa barkada dahil dun sa pesteng auction na yun."
"Ewan ko."
"Chance mo na yan dude. Diba may kailangan kang puntahan? Isama mo na lang siya. Dali text mo na!"
Ako naman itong si uto-uto, tinext nga siya.
To: Nina Abellana
May plans ka ba sa susunod na araw? Since tayong dalawa lang ang maiiwan kasi nakaschedule yung "date" nila from the auction, Can I ask you out? Hoping for a positive response.
There I sent it. Tapos inagaw ni Jyrus yung phone ko.
"Sira ulo! Bakit ganto text mo? Hahahaha! Muntanga."
"Problema mo? Sinunod ko naman payo mo ah."
"Tanga. Mukha ka kasing kinakabahan na ewan dun sa text mo. It's too formal. May nalalaman ka pang 'hoping for a positive response. It's like you are asking her out for a date."
BINABASA MO ANG
Blue Moon {ON HOLD}
Fiksi RemajaNina Abellana, the new student who was stuck with her seatmate, Jarell na Class Representative rin pala nila. He was having fun annoying and teasing her 'cause he finds her interesting. On the other hand, she kept on avoiding him pero hindi niya mag...