Chapter 3 ~

154 6 1
                                    

Nina's POV

Umalis na lahat ng classmates namin sa room. Pati si Jarell umalis na rin. Sabi niya maghintay ako dito pero wala, iniwan lang din niya ako dito. Iniwan na naman ako. 

Lagi namang ganito eh. Sanay na ako. Inayos ko na lang yung gamit ko. Maalala niya kaya tapos babalikan niya ako dito. Dream on Nina. Nakalimutan niya na yun kasi madaming ginawa after ng class  tapos pinatawag pa siya sa faculty.

May nagbukas ng pinto, Akala ko siya na... Ibang tao pala.

"Oh Nina. Bakit andito ka pa?"

Tanong sakin ni Amber. Seatmate ni Jyrus na nakaupo sa likod namin ni Jarell.

"Tinatamad pa ako umuwi. Bakit bumalik ka?"

Mga palusot mo talaga Nina. Tinatamad umuwi? WATDAHECK?! Marami pa kayang gagawin sa dorm tapos eto ako naghihintay naman sa wala.

"May naiwan lang, Sige una na ako ah!"

Kinuha na niya yung naiwan niya tapos nagbye na kami sa isa't isa at nauna na siyang lumabas.

Lalabas na nga rin ako, mamaya malock pa ako dito... Tss. Bubuksan ko na dapat yung pinto kaso biglang bumukas at tinamaan ako kaya napaupo na lang ako sa sahig. Sinusulit ko ata ang kamalasan ngayon.

"Tss, Lampa"

Problema nitong sira ulo na 'to? Makapagsabi naman ng lampa dyan eh siya naman yung may kasalanan. 

"Bakit nandito ka?"

"Kasi namiss mo ako kaya binalikan kita. Kilig ka na?"

"Bwisit ka. Ano ba kasing problema mo at pinag-aantay mo ako dito?"

"Magresearch tayo ngayon sa library sa bahay."

Wow rich kid may library sa bahay. Well technically halos lahat naman ng classmate ko dito ay mayayaman eh ako lang ata ang hindi kasi scholar ako. 

"Tutunganga ka na lang dyan sa sahig? Earth to Nina."

Tumayo na ako kasi nakakahiya naman sakanya na di man lang ako tinulungan.

"Ang bagal mo naman."

Grabe naman 'to di marunong maghintay.

This is awkward. He grabbed my arm and dragged me out of our classroom. Seriously? Ang igsi naman ng patience nito at kailangan niya pa akong hilahin. Buti na lang halos wala ng students kasi pagkakaguluhan na naman kami.

Blue Moon {ON HOLD}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon