Chapter 16 ~

92 4 1
                                    

Jarell's POV

What the hell did I just said? Para akong nagconfess na hindi. What if she finally figured out na siya yung tinutukoy ko?. I was really caught by that moment. Paano ko na lang siya haharapin nito. This is so embarassing.

Bumili ako ng maiinom since it was really hot and it made me thirsty. Lalo pa at kung ano-ano pa yung mga pinagsasasabi ko sa kanya. I do hope that she won't remember a thing though it was really impossible.

Nakita ko si Amber kasama si Jyrus na papunta dito sa may cafeteria. Parang mas naging close sila ah. I wonder what happened. Maybe he finally confessed his feelings and it turned out to be good. Ako kaya? Puro paramdam lang naman kasi yung ginagawa ko. Well, I recently admitted this feelings to myself. I kept on denying na yung bata from my past pa rin yung tinitibok nung puso ko, iba na pala.

"Hi Jarell."

Bati ni Amber sakin sabay upo sa tapat ko samantalang si Jyrus naman ay umupo sa tabi niya. Dati rati sa tabi ko umuupo 'tong si loko ngayon lumalove life. Edi ako na third wheel.

Mga leche, dito pa nagawang tumambay. Eh kung di ka ba naman kasi sira ulo na iniwanan si Nina sa may pool edi sana may progress ka na. Sige na konsensya, panalo ka na.

"Mag-isa ka yata pre?"

Patanong na sabi ni Jyrus. Sira ulo talaga 'to. Nakita na ngang mag-isa itatanong pa. Common sense talaga nito, laging naiiwan sa mansion nila.

"Ikaw eh, pinagpalit mo na ako sa iba."

"Wow ah, Sorry naman at nakakaistorbo ako sa bromance niyo."

Natawa na lang ako.

"Hindi, okay nga yung minsan di ko kasama si Jyrus. Nakakabangag yan kausap eh."

Sabi ko sa kanya na ikinatawa rin niya. Si Jyrus naman mukhang nainis na hindi. Sanay naman na kasi siya sa akin. Nag-order na si Jyrus nang apat na club house sandwiches at milk shakes. Merienda daw tapos treat niya.

"Jarell, pakitawagan naman si Nina. Papuntahin mo dito."

"Ikaw na kaya."

"Lowbatt ako eh."

Sabi niya sabay pakita sa phone niya na 8% na lang ang battery. Tinawagan ko si Nina kaso cannot be reached. Baka lowbatt rin o di kaya walang signal.

Blue Moon {ON HOLD}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon