Chapter 17 ~

121 3 1
                                    

Nina's POV

Nakasakay kami ngayon sa rented bus dahil pabalik na kami sa school. I really enjoyed our stay at the resort. Kung pwede lang iextend kaso may pasok na kami bukas. Start na rin kasi ng 2nd Quarter bukas. Nakaupo ako sa may window seat and katabi ko si Amber na mahimbing na natutulog.

Mukhang napagod siya kasi simula nung bumaba kami ni Jarell mula dun sa may rooftop ay nagswimming na rin kami at nagbonding. Nakakapagod pero masaya naman.

Napatingin ako sa may bintana tapos naalala ko na naman yung mga nangyare sa rooftop. Bakit ko nga ba sinabi sa kanya yun? Maybe because he's one of the few persons I trust the most. Reliable naman kasi si Jarell eh. Yung hug niya, it was really really conforting na para bang bigla na lang naglaho yung sakit sa puso ko. Sa ganoong paraan lang pala ako kakalma.  Parang tulad lang nung dati.

Tanghali na nung dumating ako sa bahay. Wala si Tita Haru. Malamang nasa cafe yun at busy. Since wala ako sa mood para magluto pa ng lunch pumunta na lang ako sa Spring Cafe. Nakapangalan kay Tita Haru yung cafe, kasi Haru means Spring. It is a cafe shop pero nag-ooffer pa rin 'to ng ng meals pero syempre yung specialty ay yung drinks, cupcakes, and cakes.

Umupo ako sa pinaka-secluded na area nung cafe. May lumapit naman agad na waitress sa akin.

"Hi Baby! Long time no see."

Masiglang bati sa akin ni Ate Skylee. Part time worker dito sa cafe. Ang alam ko, graduating na siya. May kaya naman ang family niya but she chose to help here since she loves the aroma of coffee.

"Hi Ate Skylee."

"Ang tagal mo nang hindi nagpapakita dito."

"Sorry Ate, medyo busy sa school eh."

"So anong order mo baby? Or bibisitahin mo lang si Miss Haru?"

"Carbonara and Caramel Frappe."

"Okay, comming up."

And with that, Ate Skylee headed to the counter.

"Hi Nina."

"Kuya Cyan? Hello po."

"Are you alone? Mind if I join you?"

"Okay lang po."

Blue Moon {ON HOLD}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon