Chapter 2 ~

157 5 0
                                    

Nina's POV

Bat ayaw magbukas? Akala ko sa movie lang yung may mga nalolock. Second day ko pa lang dito sa school tapos ganito agad yung mga nangyayari. Masama talagang makasama yung Jarell Vergara na yun. Kagagawan siguro 'to nung magaling niyang fiancee. Grabe naman kasi, patay na patay lang si nightingale kay Jarell to the point na kailangan niya ithreaten yung mga nagiging close sa fiance niya. POSSESIVE tapos SELOSA. Goodluck na lang kay Jarell... Mwahahahaha (Evil laugh)

Ang tagal naman!! Late na ako sa klase ko. Nakakafrustrate! Umupo na lang ako sa may lavatory since nangangalay na akong tumayo. Matutulog na lang muna ako, siguro naman may magbubukas ng door since marami naman gumagamit ng restroom.

"Hala! Sarado pala 'tong cr. Dun na lang tayo sa iba."

Nagising na lang ako sa mga narinig ko. Sinubukan ko humingi ng tulong pero wala. Iniwan lang nila ako dun. Ano bang meron sakin at lagi na lang iniiwan. Spell BITTER... N-I-N-A!! Magmove on ka na kasi Nina, matagal ng nangyare yun. Okay nababaliw na ako dito.

"Kala ko umiiyak ka na dito."

Wow! Siya pa talaga makakakita sakin dito.

"Ang kapal mo talaga!"

Tumalon na ako pababa at lumabas na sa restroom. Di ko na siya hinintay. Late na kami sa class tapos ang sarap pa ng sandal niya sa pader. Bahala siya dun. Badtrip na ako.

"You're welcome!"

Shoot!! Nakalimutan ko na mag-thank you dahil nababadtrip ako. Nakakahiya!

Lumingon ako sa kanya tapos mahinang sinabi yung words na... 

"Thank you"

Tinignan ko sa glass door kung may teacher sa loob, buti na lang wala kaya pumasok na ako sa loob at umupo sa upuan ko. Nakasunod naman si Jarell.

"Yieeeeeeeeeeeeeeeeeeee"

Nagkakagulo na naman sila.

"Sabi na eh, hahanapin mo."

Narinig kong bulong ni Jyrus sa best friend niya. Bumulong pa siya eh rinig naman ng lahat. Parang loko lang talaga eh.

"Manahimik ka nga."

Ayan nasungitan tuloy ni Jarell. Bahala nga sila... Pero totoo kayang hinanap niya ako? ASA naman. As if pagtutuunan niya pa ng pansin ang paghahanap sakin.

"Bat ka nakangiti pre? Kinikilig lang"

"Sira ulo."

Ang ingay talaga nila. Lalo na si Jyrus na walang ginawa kundi asarin si Jarell. Buti pa siya may best friend kahit ang sungit na ang yabang niya.

History time....

May research agad tapos reporting pa at kung mas minamalas nga naman by partner pa at kapartner ko si Jarell. Sino pa ba? eh siya lang naman seatmate ko dito. 

"Nina nina nina!"

Eto na naman tayo sa round two.

Tinignan ko lang siya, he looked serious tapos may ibinato siyang crumpled paper sa akin na sakto namang tumama sa mukha ko. Konti na lang talaga sasapakin ko na 'to. Tinignan ko yung crumpled paper dahil may nakasulat.

Wag ka muna aalis mamaya. Anatayin mong umuwi lahat ng classmates natin, may sasabihin ako. Don't worry di ako magco-confess kaya wag ka kabahan dyan. About sa research natin yun. :P

Walang hiya talaga 'to. Di naman niya kailangang isama pa sa sulat niya yun eh. Ang kapal naman talaga ng pagmumukha nito. Tinignan ko sya and he's smirking at me and he mouthed... "namumula ka"

Yeah right... Namumula na ako sa sobrang inis!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Blue Moon {ON HOLD}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon