Chapter 7 ~

138 3 0
                                    

Jarell's POV

"Sige, mag-usap muna kayo."

Sabi ni Nina tapos lumabas na ng room ko. Tinignan ko naman si Jyrus na mukhang kanina pa siya may gustong sabihin.



"Jarell."


"Oh bakit?"


"Bakit masakit masaktan?"

Nakakaloko yung tanong niya. Sakit sa ulo.


"Ayusin mo nga yang tanong mo. Baka masapak kita."


"Feeling ko wala na akong pag-asa kay Amber eh."


"Pre, wag kasi puro feeling. Try mo naman gumawa ng ibang paraan."


"Natatakot ako eh. Alam mo na, close kami as friends tapos baka mawala yun kapag sinabi ko sa kanya na gusto ko siya."


"Wag ka kasi muna mag-aassume kung ano yung iisipin niya. Wag mo pangunahan yung magiging decision ni Amber."


"Pero, natatakot ako eh."


"Sige, mahalin mo na lang siya sa malayo kung takot ka rin naman pala."


"Bwisit ka Jarell!"


"Subukan mo kasi. Kesa yung magmukmok ka dyan at isipin kung ano ang mga mangyayare."


"Jareeeeell."


"At least sinubukan mo diba? Kesa maunahan ka na ng tuluyan ni Kyle. Or kung takot ka, edi lihim ka na lang magmahal at maingit kay Kyle na pinopormahan rin si Amber."


"Leche, daming alam."


"Nasa sa'yo na yan brad."


"Pwede bang ikaw na lang ang mahalin ko?"


"Kilabutan ka nga sa mga sinasabi mo Jyrus. So gay."


"Nga pala Jarell, May itatanong ako sayo."




Nina's POV

Nasa loob ako ngayon ng room ni Yvette at pinaupo niya ako sa bed niya. May inabot siya sakin na sulat galing sa school niya. May family day sila next Saturday.


"Ate, pwede bang sumama ka samin ni Kuya Rell next Saturday?. Pretty pleaaaase?"


"Di pa sigurado si Ate Nina kung makakapunta siya eh."

Nalungkot bigla si Yve, kanina kasi sobrang saya niyang niyaya akong pumunta sa family day niya. Sa totoo lang nagdadalawang isip ako. Gusto ko naman siya pasayahin in this kind of little things kaya lang family day yun eh, she's supposed to enjoy it with her family. I am not part of her family. Classmate lang ako ng kapatid niya.



"Pleaase ate. I'll do whatever you want, sumama ka lang. Gusto ko lang ma-experience na may kasamang family eh. Last year kasi inasar ako ng classmates ko kasi yung teacher lang namin yung kasama ko samantalang sila, kasama yung family."

Malungkot na pagku-kwento niya. I've also experienced that nung family day ko nung elementary days. Sobrang naiingit ako sa mga classmates ko na kasama yung buong family nila samantalang ako, wala na yung parents ko tapos nagkahiwalay pa kami ng sister ko. But somehow, I didn't felt alone since sinasamahan naman ako nila Sister Faye. Hope Orphanage was my second family. Ganun din siguro yung gusto ni Yve, magkaroon ng parang second family since hindi niya makasama yung parents nila.


"Hindi ka ba sinamahan ni Jarell?"


"Hindi siya nakapunta kasi that was the time na dumating si Ate Rish at ang mommy nila."

Wait what? Tama ba yung rinig ko? Mommy nila? Eh diba kapatid ni Jarell 'tong si Yve.



"Mommy nila?"

I asked. Sobrang naguguluhan kasi ako.



"Ang alam ko lang kasi iba yung mommy ni Kuya Rell at Ate Rish. I haven't seen their mom though. Yung mommy ko pala nasa heaven na. They told me that she died on the same day I was born. I don't understand those stuffs. Masyado po magulo."

Something pricked my heart when she's saying those stuffs. Masyado pa siyang bata pero sobrang complicated ng buhay niya. She hugged me and I hugged her back. Di ko alam pero naiiyak na ako.



"Ate, pleaaase. Sama ka ah."

Napa-oo na lang ako at ngumiti na ulit siya.



"Promise yan Ate Nina ah!"


"Opo."

At tuwang tuwa na siya. Mababaw lang pala kaligayahan ni Yve. Napangiti na lang ako.


Lumabas na kami sa room niya at tinulungan si Lola Lina na magprepare ng snacks. We are setting the table ng lumabas si Jyrus at si Jarell sa room at bumaba na papunta sa kanilang dining. Tinawag siguro ni Yve para makapag-merienda na kami.

Magkatabi sa upuan yung dalawang magbest friend kaya katabi ko si Yve ngayon. Kumakain na kami ng snacks pero sobrang tahimik. Ano kaya pinag-usapan nung dalawa kaninang iniwan ko sila.


"Kuya Rell, okay ka na ba?"


"Okay na Kuya Rell mo. Okay na okay na yan."

Sabi ni Jyrus na kain lang ng kain.


"Papasok na ako bukas kaya wag ka na mag-worry baby Yve."

Pang-aassure ni Jarell kay Yve kaya napasmile na lang si Yve at ipinagpatuloy ang pag kain.


Kahit pala magkaiba sila ng mom, itinuturing pa rin nila ang isa't isa na magkapatid. May iba kasi na nag-iiba ang trato sa mga kapatid lalo na kapag iba yung mommy or daddy nila.

Natapos na kaming kumain at ako na rin ang naghugas ng mga pinagkainan para kahit papano makatulong ako kay Lola Lina na siguro kanina pa busy sa pag-aasikaso kay Jarell at Yve.


"Pre, alis na kami ni Nina."


"Sige, ingat kayo at salamat sa pagdalaw."


"Don't worry pre, ihahatid ko si Nina para di ka mag-alala sa kanya."

Sabay kindat kay Jarell. I think there's something wrong between them.


"Sira ulo."

Inakbayan ako ni Jyrus at nakita kong parang nainis si Jarell tapos biglang tumawa si Jyrus. Ewan, ang weirdo lang nitong dalawang 'to. Bahala na nga sila. Lumabas na kami at sumakay dun sa kotse niya.

Hinatid nga ako ni Jyrus hangang sa bahay namin tapos bago siya umalis, may sinabi siya sakin at bigla na lang akong naguluhan.




"You're such a lucky girl. Don't waste it. Sige alis na ako."

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Short update lang po :) May plates na ako eh, Sinisingit ko lang 'to kapag break time namin or kapag ayoko na magplate :) HIHI :3

July 26, 2014

Blue Moon {ON HOLD}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon