Chapter 13 ~

144 3 0
                                    

Jarell's POV

Inaayos na namin ni Calvin yung script. Bakit ba kasi Romeo and Juliet pa yung nabunot ko? Dami tuloy kailangan ayusin at baguhin dahil hindi naman pwedeng ilagay yung matured contents. Buti na lang talaga tinulungan kami nung English teacher namin.

Since finalized na ang script, magsisimula na ang practice namin. Mukhang okay naman yung acting skills ni Jyrus nagkakaproblema lang sa tuwing scene na nila ni Amber. Tulad na lang ngayon na prina-practice namin yung scene kung saan sila unang nagkita.

"CUT! Jyrus and Amber, masyado kayong stiff. Gawin niyong natural na mukha kayong na love at first sight."

Sumama ang tingin ni Jyrus sa akin. Alam kong paulit ulit na niya akong pinapatay sa isip niya pero wala siyang magagawa. Nabunot niya yan eh, magtiis muna siya sa torture.

"Calvin explain mo nga sa dalawa kung paano nila dapat iexpress yung role nila."

Pinapasa ko sa kanya yung ibang trabaho dahil naiistress na ako tapos dinadagdagan pa nung dalawa.

"Jyrus, dapat kasi maglalakad ka ng dahan dahan papunta kay Amber pero nakatingin kayo sa isa't isa. Alam niyo yun? Yung parang may spell na bumabalot sa inyo na wala na kayong napapansin sa paligid niyo. Ikaw Amber dapat mukha kang in love kay Jyrus. Kapag nakalapit ka na Jyrus yayayain mo siyang magsayaw. Ibibigay ni Amber sa'yo yung kamay niya tapos halikan mo yung kamay. Tapos magsasayaw na kayo."

"Dali na! Gawin niyo na."

Awkward na awkward nilang ginawa yun. Lumapit ako sa kanila.

"Ilagay mo yung kamay mo sa waist niya. Ikaw naman Amber dun sa balikat. Teka, masyado kayong malayo sa isa't isa. Lapit pa."

Sa totoo lang di naman talaga malayo. Nang-aasar lang ako. Perks of being a director. Kailangan nila gawin kung ano ang gusto ko. Pero ang awkward talaga nila eh, I will be needing Nina's help.

~

"Mukhang pinagtri-tripan mo yung dalawa."

"Dalawa kasi ang purpose nun. Magkabati ulit sila at para mas mukhang natural yung acting nila."

"Dami mong alam Jarell."

"I'll be needing your help. This saturday, invite mo naman si Amber na pumunta sa Bean's Cafe. Sabihin mo mag-hang out kayo."

"Alam kong may plano ka, sabihin mo muna sakin bago ko gagawin."

Blue Moon {ON HOLD}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon