Chapter 8 ~

131 3 4
                                    

Nina's POV

"You're such a lucky girl. Don't waste it."

What does that supposed to mean?. Sobrang pang gulo sa utak yung sinabi ni Jyrus na tipong hangang sa bago matulog naiisip ko pa rin yun.

At dahil sa kakaisip ko sa bagay na yun, late akong nakatulog kaya late ako nagising kaya ngayon, eto ako at tumatakbo para lang makarating sa classroom on time.

Binuksan ko yung pinto at buti na lang wala pa si Ms. Lianne para mag-check ng attendance. Hingal na hingal akong umupo sa upuan at nagpunas ng pawis. Grabe! Umagang umaga pa lang haggard na ako. Kasalan kasi niyang Jyrus na yan eh. Katulad din nung bestfriend niya, parehas silang bwisit. Siguro 50% kasalanan ko rin since nagpa-apekto ako sa mga pinagsasasabi niya. May naglapag ng water bottle sa lamesa ko, tinignan ko kung sino yun. Himala! Mabait ata si Jarell ngayon at nag-offer siya ng tubig.

"Oh tubig. Uminom ka muna. Mukha kang galing sa empyerno."

"Wow ah, salamat sa concern mo pero may tubig kasi ako so I don't need that."

"Sige, sabi mo eh."

Kinuha na niya ulit yung water bottle at nilabas ko naman yung akin at uminom na ng tubig. Halos maubos ko na nga. Feeling ko isang buwan akong di nakainom ng tubig. Pero syempre exagerated na yun. Inayos ko na lang yung sarili ko para di naman ako mukhang galing sa "empyerno".

"Oh andito ka na pala Nina. In fairness medyo late ang dating mo."

Pang-aasar ni Jyrus sakin. Psh, kasalanan mo kung bakit di ako nakatulog ng maayos dahil kung ano ano pinagsasasabi mo. Lychee talagang nagpapa-apekto ako... Whew nakakabadvibes.

"Kasalanan mo eh."

Sabi ko sa kanya. Totoo naman eh diba?

"Hala!! Ano ginawa ko?"

"Hoy lalaki! Anong ginawa mo sa best friend ko?!"

Sabat ni Amber na halos kararating lang sa upuan niya.

"Wala akong alam dyan sa sinasabi ng best friend mo."

Blue Moon {ON HOLD}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon