Jarell’s POV
Saturday morning, Andito ako sa bahay nila Amber. Amber gathered us here to prepare for Nina’s birthday one week from now. So we have a week to prepare. Kaming tatlo lang naman yung nagpla-plano or should I say silang dalawa lang ni Jyrus yung naglalambingan.
“Uwi na lang kaya ako? Mukhang istorbo ako sa inyo eh.”
“Jyrus kasi umayos ka nga dyan.”
Saway naman ni Amber sa kanya pero ngumiti lang ang loko. Nakakainis yung mukha niya. Halatang in love na in love ang loko.
“Selos lang yan pre. Pormahan mo na kasi si Nina para hindi ka na bitter dyan.”
“Sira ulo, nagsalita ka dyan eh halos umiyak ka na nga noon dahil kay Amber.”
“Eto naman si Jarell, kung anu-ano pa yang sinasabi mo baka maniwala si Amber.”
Sabi niya sabay pinandilatan ako ng mata. Hay, siya kaya ‘tong tumakas sa kanila at umakyat lang sa puno dahil sa pagmumukmok niya. Dinamay pa niya ako sa kalokohan niya. Peste.
Alam na pala ng buong pamilya ni Amber ang tungkol sa kanilang dalawa ni Jyrus. Mukhang okay naman si Jyrus sa kanila kaya lang parang ayaw sa kanya nung isa pang kapatid ni Amber na si Kuya Cyan, or imagination ko lang yun?
Umalis muna saglit si Amber dahil may kukunin daw siya kaya kaming dalawa lang ni Jyrus yung naiwan. Speaking of Kuya Cyan, papunta na siya sa amin at umupo dun sa upuan ni Amber kanina.
“I didn’t know na karamihan ng kaibigan ni Amber ay lalaki.”
Ngumiti lang kaming dalawa ni Jyrus.
“Wag niyo pababayaan yung baby sister ko ah at mas lalong wag niyong paiiyakin dahil dalawa kami ni Red ang makakaharap niyo. Princess namin siya kaya ingatan niyo rin.”
Makahulugang sabi ni Kuya Cyan. Mukhang kay Jyrus lang naman niya gustong sabihin yan eh. Nadamay pa tuloy ako.
“Wag ka pong mag-alala Kuya Cyan. Hindi po naming pababayaan si Amber. DIba Jarell?”
Nakaka-out of place na talaga. Bakit ba kasi ako andito? Andito ka para kay Nina.
Tumango na lang ako.
“Dapat lang. Maiba lang, close rin ba kayo kay Kyle?”
BOOM. Parang pinasabugan ang itsura ni Jyrus. Marinig lang yung pangalan ni Kyle. Di ko naman kasi siya masisisi dahil matagal din niyang pinagselosan si Kyle.
“Hindi po. SI Amber at si Nina lang po yung close sa kanya.”
BINABASA MO ANG
Blue Moon {ON HOLD}
Teen FictionNina Abellana, the new student who was stuck with her seatmate, Jarell na Class Representative rin pala nila. He was having fun annoying and teasing her 'cause he finds her interesting. On the other hand, she kept on avoiding him pero hindi niya mag...