2: Ang Pagtakas

1.2K 59 6
                                    

CARMENCITA
KABANATA 2 : ANG PAGTAKAS

NAGMULAT ang mga mata ni Carmencita, dahil sa sikat ng araw. Nakakasilaw. Napapikit siyang muli dahil ang maliwanag na kalangitan ang bumungad sa kanya. Siya ay nagmadaling umupo at nasalat ng kanyang mga palad ang basang damuhan.

Lumibot ang kanyang mga mata sa paligid. Sinapo niya ang kanyang noo dahil nakaramdam ito ng matinding sakit. Atsaka rumehistiro sa kanyang isipan ang malagim na nangyari sa kanilang dalawa ni Romuel.

"R--romuel..." nasambit niya. Siya ay napatayo mula sa damuhan. Palingon-lingon siya sa paligid at hindi niya alam kung paano siya nakapunta sa lugar.

"Ano ang nangyayari? Nasaan ako? Si Romuel..." bigkas ng kanyang bibig habang siya ay natataranta. Tatakbo na sana siya, ngunit may isang boses ang pumigil sa kanya.

"Saan ka pupunta, Carmencita? Hindi mo ba nagustuhan ang lugar na alay ko sa iyo? Isang lugar na malayo sa kapahamakan. Isang lugar na walang kalungkutan at pighati."

"Sino ka? Magpakita ka," lakas loob na sabi ni Carmencita kahit pa ang kaba sa kanyang dibdib ay lumalago na.

"Iyong pagmasdan ang kapaligiran, hindi ba maganda at payapa."

Sumunod ang mga mata ni Carmencita sa naririnig niyang tinig. Gumalaw ang kanyang katawan, umikot-ikot para suriin ang lugar. Totoong napakaganda ng paligid. Para itong isang paraiso. Buhay na buhay ang mga halaman. Sari-saring nagagandahan na bulaklak. Kahit tirik ang araw, malamig na hangin pa rin ang dumadampi sa kanyang balat. Ngunit hindi nagpadala si Carmencita sa kagandahan na kanyang nakikita.

"Sino ka? Bakit mo ako kilala? Ikaw ba ang nagdala sa akin sa lugar na ito?" mga katanungang binitawan ni Carmencita.

"Kanina ka pa nagmamasid sa kapaligiran hindi mo pa rin ba ako nakikita?"

Nagtaka si Carmencita dahil wala namang nakikita ang kanyang mga mata na ibang tao. Siya muli ay nagpalingon-lingon sa paligid hanggang sa nakita niya ang isang anyo ng lalaking nakasandal sa ilalim ng lilim ng puno. Umurong ang kanyang mga paa.

"Pumunta ka sa liwanag," utos ni Carmencita. Gumalaw ang anyo ng lalaki at lumapit sa liwanag.

Ang kaba sa dibdib ni Carmencita ay biglang huminahon, nang makita niya ang lalaki. Ito ay isang makisig na lalaki. Napakaganda ng mukha ng lalaki na pwedeng ihambing sa mukha ng babae. Hanggang balikat ang buhok nito. Wala itong suot na damit pang-itaas. Patuloy naglakad ang lalaki patungo kay Carmencita.

Para naman napako ang mga paa ni Carmencita sa kanyang kinatatayuan dahil namangha siya sa itsura ng lalaki. Hinintay niyang makalapit ang binata sa kanya. Walang-alinlangan na hinaplos ng nilalang ang kanyang pisngi. Napapikit ang mga mata ni Carmencita dahil sa haplos na dumampi sa kanyang mukha. Pakiramdam niya siya ay ligtas. Malayo sa kapahamakan.

"Ako si Lucid, nagkita na rin tayo, Carmencita."

PAGKATAPOS marinig ni Carmencita ang mga huling salitang tumatak sa kanyang tainga. Malakas na sigaw ang sumunod. Habang pikit ang kanyang mga mata siya ay napakunot.

"Layuan niyo siya! Walang kasalanan si Carmen sa trahedyang nangyari sa mga lalaking iyon!" sumisigaw si Romuel. Kahit hindi pa hilom ang mga tahi sa kanyang mga naging sugat mula sa saksak na kanyang natamo, ipinaglalaban pa rin niya ang dalagang kanyang iniibig.

Dahil sa boses ni Romuel. Muling binuksan ni Carmencita ang kanyang mga mata. Unang nakita niya ay ang kisame sa isang silid.

"Huwag niyong hahawakan si Carmencita kahit maski hibla ng buhok niya!" patuloy sumisigaw si Romuel habang buong pwersa siyang pinipigilan ng mga tanod.

Immortals - CARMENCITA (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon