7: Ang Nakaraan

820 39 0
                                    

CARMENCITA
KABANATA 7: ANG NAKARAAN

"MAAYOS na ba ang pakiramdam mo, ineng?" buka ng bibig ng matandang lalaki.

"S--sino po kayo?"

"Dapat ako ang magtanong sa 'yo niyan. Sino ka at paano ka napadpad sa lugar na ito? Bakit may mga sugat at pasa ang iyong katawan? Natagpuan kita malapit sa may talon," paliwanag ng matandang lalaki. Biglang naging sariwa ang pangyayari sa isipan ni Carmencita. Hindi siya makapagsalita dahil sa kanyang mga iniisip.

"Ano ang pangalan mo, ineng?" tanong muli ng matandang lalaki at napatingin si Carmencita sa kinauupuan nito.

"C--carmencita, po!"

Parang binuhusan ng malamig na malamig na tubig ang katawan ng matandang lalaki sa narinig niyang pangalan. Hindi siya makagalaw. Pinagmasdan niya ang kabuuan ni Carmencita. Hindi niya malaman ang kanyang nararamdaman. Halo-halo.

Takot at pagdududa kung talagang si Carmencita ang kanyang nawawalang anak. Nagagalak at natutuwa dahil sa wakas natagpuan na niya si Carmencita. Subalit hindi maiwasan ng matandang lalaki na mag-alinlangan dahil labing pitong taon na ang nakaraan simula nang mawalay siya sa kanya ang anak.

"Kayo po, ano ang pangalan niyo?" basag ni Carmencita sa katahimikan ng lalaki.

"A--ah... Renato," matipid na sagot ni Renato habang pinipigilan niya ang kanyang luha sa mata.

Ngayong nalaman niya ang pangalan ni Carmencita, nabigyan na ng kasagutan ang kanyang mga tanong nang unang makita niya ang mukha ng dalaga. Nakikita niya si Mina ang kanyang namayapang asawa.

"Mang Renato, buong puso po akong nagpapasalamat sa iyong kabutihan sa akin. Kung hindi dahil po sa inyo ako ay maaring walang buhay na sa mga oras na ito," pasasalamat ni Carmencita kay Renato.

"Ilang taon ka na ngayon, ineng?" hindi pansin ni Renato ang sinabi ni Carmencita.

"Labing pitong gulang na po," sagot agad ng dalaga. Parang isang granada ang puso ni Renato na kahit sa anumang oras ay sasabog ito. Ngunit sadyang pinigilan niya ang kanyang sarili. Nagdalawang isip pa siyang sabihin na anak niya ang dalaga.

"Ayos lang po ba kayo? Parang malalim po ang iniisip niyo," pansin na ni Carmencita ang pagiging tahimik ni Renato.

"Naalala ko lang ang nag-iisa kong anak na babae. Katulad mo siya, labing pitong taong gulang na rin siya ngayon."

"Nasaan po siya? Hindi niyo po ba kasama dito?" patuloy na pagtatanong ni Carmencita. Kinuyom ni Renato ang kanyang mga kamao para hindi niya mayakap ang anak.

"Gusto mo bang marinig ang kuwento tungkol sa aking anak at sa kanyang ina?" tinitigan ni Renato sa mata si Carmencita. Umayos ng upo ang dalaga at nagpapahiwatig itong handa siyang makinig.

"May asawa at anak ako. Ngunit nang isilang ng aking asawa ang aming anak isang malagim na trahedya ang nangyari sa aming buhay," nagsimulang mag-kuwento si Renato. Nakaramdam ng kirot si Carmencita sa kanyang puso.

"Hindi ko makakalimutan ang una naming pagkikita ng asawa ko. Nakita ko rin siya sa kabundukan na ito, katulad mo. Siya ay sugatan, namumutla, takot na takot. Hindi ko siya malapitan dahil nakikita kong parang takot siya sa mga tao," huminto panandalian si Renato at huminga.

Bakas naman sa mukha ni Carmencita ang pag-aabang sa susunod na sasabihin ni Renato. Tumayo si Renato at nagsalin ng mirindal na gawa sa halamang gamot sa baso na yari sa lata. Inabot niya kay Carmencita.

"Mainam na inumin mo ito para mas mapabuti ang iyong kalagayan, anak."

"A--anak?"

"Ganyan talaga ang tawag ko sa mga kabataan na katulad mo," paliwanag na lang ni Renato. Tumango na lang si Carmencita at ininom niya ang mainit na tsaa.

"Saan ka nagmula, Carmencita?" biglang tanong ni Renato.

"Sa maynila po," mahinang sagot ni Carmencita.

"Paano ka nagpunta dito? Malayo sa maynila ang lugar na ito? Ang kagubatan na ito ay nasa isang malayong probinsiya. Malayo sa mga bayan."

Nagulat si Carmencita sa sinabi ni Renato. Ang huling lugar na napuntahan niya ay ang mental ospital. Nang tumakas siya may nakita siyang lugar na gubat sa mental ospital. Siya ay napa-isip. Atsaka lang niya napagtanto na walang gubat sa siyudad. Napakahiwaga.

"Hindi kaya si Lucid ang may gawa?" bigkas ng bibig ni Carmencita. Lalo namang naging matibay ang ebidensiya ni Renato na anak niyang talaga si Carmencita dahil sa pangalan ni Lucid.

"L--lucid?" tanong agad ni Renato kay Carmencita. Nagulat si Carmencita dahil nawala sa kanyang isipan na nasa harapan niya si Renato.

"A--ah, isang kaibigan lang po na laging tumutulong sa akin. Huwag niyo na po siyang kilalanin. Ano na po ang kasunod na nangyari sa asawa niyo?"

Niliko ni Carmencita ang pinag-uusapan nila tungkol kay Lucid. Dahil maski siya hindi niya kilala ang katauhan ni Lucid. Ngunit hinayaan na lang din ni Renato ang tungkol kay Lucid dahil kilala niya ang binata.

"Iyon ba? Pinakita at pinadama ko sa asawa ko na pwede niya akong lapitan, hingan ng tulong at pagkatiwalaan. Hindi naman ako nabigo at sumama siya sa akin. Una, gusto ko lang siyang tulungan. Ngunit sa mga dumadaan na araw ako ay umibig sa kanya. Kahit pa nalaman kong tumakas siya sa kanilang bayan."

"Tumakas po?"

"Lahi nila ang mangkukulam. Pinatay ang kanyang ina sa kanilang bayan. Nakatakas siya dahil kahit mangkukulam ang kanyang ina, hindi niya gawain iyon," patuloy na paliwanag ni Renato. Napayuko si Carmencita sa kanyang nalaman tungkol sa asawa ni Renato na kanyang ina.

"Huwag kang mag-alala, simula nang nagkasama kami naging maligaya kaming dalawa sa aming lugar. Nawala lang ang lahat nang isilang niya ang aming anak sa ilalim ng madilim na buwan. Namatay ang asawa ko sa panganganak," patuloy ni Renato. Hindi alam ni Carmencita kung bakit nasasaktan siya ng lubos. Ngunit nilakasan pa ni Carmencita ang kanyang loob. Gusto niya pa rin niyang tanungin si Renato na kanyang ama tungkol sa trahedyang nabanggit nito sa kanya.

"Iyon po ba ang trahedyang sinasabi niyo sa akin kanina?"

"Hindi," naging malungkot ang mga mata ni Renato. Hindi rin niya alam kung sasabihin niya kay Carmencita ang sinapit nila sa nakaraan.

"H--hindi po iyon?" tanong agad ng dalaga. Walang nagawa si Renato kung hindi sabihin kay Carmencita ang nangyari.

"Nang namatay ang aking asawa. Pinaniniwalaan nilang lahat na isang malas ang aking anak at may kasama itong sumpa na kamatayan dahil ipinanganak siya sa ilalim ng itim na buwan. Nang sinunog ko ang katawan ng aking asawa, hindi ko akalain na ang isang tabak mula sa aking likuran ay tatagos sa aking katawan. Gusto nilang patayin ang aking anak, ngunit nawala ito na parang bula. Sinama siya ng isang malamig at mabilis na hangin," paliwanag ni Renato.

Nagulat si Carmencita at natakpan niya ang kanyang bibig. Sumagi sa kanyang isipan ang nakaraan niyang panaginip kung saan ang inilalahad na kuwento ni Renato ay hawig ang pangyayari.

"Bakit?" napansin ni Renato ang naging reaksyon ni Carmencita.

"Kilalanin mo ang taong tumulong sa iyo," naalala ng kanyang isipan ang sinabi ni Lucid sa kanya. Tinanggal ni Carmencita ang takip sa kanyang bibig.

"A--ano po ang pangalan ng iyong anak?"

Napapitlag si Renato sa naging katanungan ni Carmencita. Naintindihan din ni Carmencita ang nais ipahiwatig ni Lucid, na maaaring may koneksiyon sa kanyang buhay si Renato. Hindi naman alam ni Renato kung sasabihin niya ang pangalan ng kanyang anak na si Carmencita mismo. Hindi kasi alam ni Renato kung ano ang magiging reaksiyon ng dalaga.

"C--c--ca..." hindi maituloy ni Renato ang kanyang sasabihin. Hirap na hirap siyang ibuka ang kanyang bibig.

"C--ca?"

ITUTULOY...

*****

NO PLAGIARISM
All rights reserved - Copyright 2018
Isinulat ni: MC27 (MysteriousCharm27)

Immortals - CARMENCITA (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon