18: Ang Alaala ng Digmaan sa Isla ng mga Mangkukulam

722 30 2
                                    

CARMENCITA
KABANATA 18: Ang Alaala ng Digmaan sa Isla ng mga Mangkukulam

DUMAPO ang mga paa ni Lucid at Carmencita sa lupang walang kabuhay-buhay. Iba ang handog ng hangin sa kanilang balat. Kilabot ay gumapang sa katawan ni Carmencita. Iba ang dala nitong takot sa kanyang puso. Ngunit, kailangan niyang makita ang pinanggalingan ng kanyang Ina at Lola.

Sa sobrang tahimik ng paligid, halos hindi sila makagalaw sa kanilang kinatatayuan. Nang biglang may narinig silang kaluskos bandang likuran nila. Nagkatinginan si Lucid at Carmencita. Hinawakan kaagad ni Lucid ang kamay ni Carmencita, dahil maski siya hindi niya alam kung ano ang nag-aabang sa kanila sa lugar.

"Ako lang ang haharap sa likuran," bulong ni Lucid kay Carmencita. Hindi kumibo ang dalaga. Lumalago ang kaba sa kanyang dibdib. Nang lilingon si Lucid, sinakmal ni Carmencita ang palad nito.

"Huwag kang mag-alala, walang mangyayaring masama. Hindi kita pababayaan sa lugar na ito." Walang alinlangan na lumingon si Lucid sa kanilang likuran.

"Kulaw?" Banggit ni Lucid. Lumingon na rin si Carmencita. Seryoso ang mukha ni Kulaw. At ang mga mata nito ay nagbibigay ng sensyales kay Lucid na mayroong nakasunod sa kanila. Nakuha kaagad ni Lucid ang nais ipahiwatig ni Kulaw sa kanya. Naramdaman niya kaagad ang kapangyarihan ng kanyang kapatid na si Serpentino.

"Nandito siya," bulong ni Lucid.

"S—sino?" Natakot si Carmencita.

"Ang aking kapatid na si Serpentino. Huwag kang magpahalata na alam nating narito siya at sinusundan tayo. Halika na," paliwanag at anyaya ni Lucid kay Carmencita.

"Sumunod ka sa amin Kulaw. Alam mo na ang gagawin mo."

"Masusunod, mahal na Prinisipe."

Samantala, nakatago lamang si Serpentino sa isang malaking puno na walang dahon. Putol-putol na rin ang mga sanga nito.

"Ano'ng lugat ito? Ano'ng ginagawa nila dito? Napaka-interesado nito para sa akin. Saan sila pupunta?" Dumadaloy sa isipan ni Serpentino habang pinagmamasdan niyang palayo si Lucid, Carmencita, at Kulaw.

"Buhay pa pala ang alagad niyang si Kulaw. Paano nangyaring nabuhay pa ang nilalang na 'yan, pagkatapos niyang isakripisyo ang kanyang buhay?"

Dire-diretso lamang naglakad sina Lucid, Carmencita, at Kulaw. Hindi nila napapansin ang pagbabago ng kapaligirang kanilang dinadaanan. Hanggang sa nababalutan ng itim na usok ang isla. Huminto sila sa pagbaybay sa lupa.

"Iba ang nararamdaman ko, Mahal na Prinsipe." Bigkas ni Kulaw. Mas lalong humawak si Carmencita sa braso ni Lucid.

Iba na ang nararamdaman niyang takot, na tila ba pakiramdam niya siya ay babaon sa lupa. Hanggang sa marinig nila ang ingay ng mga espadang naglalaban. Mga sigaw. Halimuyak ng dugo. 'Saka naisip ni Carmencita ang paalala ni Lucid sa kanya. Ngunit, mayroong iba sa mga sinabi ni Lucid.

"Hindi ko inaasahan 'to." Biglang niyakap ni Lucid si Carmencita. Nasubsob ang mukha ng dalaga sa dibdib ni Lucid. Nagulat din si Kulaw sa kanyang nakikita nang unti-unting nawawala ang itim na usok na bumabalot sa paligid. Magpapalit sana ng anyo si Kulaw.

"Huwag! Huwag mong gawin 'yan, Kulaw. Hindi nila tayo nakikita. Wala tayong magagawa kung hindi panoorin ang nakaraan. Totoo pa lang bago mamatay ang Reyna ng mangkukulam, nag-iwan siyang isang sumpa sa lugar na ito na kahit kailan walang sino mang nilalang ang pwedeng manirahan dito. At heto pala 'yun, ang makikita at mararanasan ng kung sino mang nilalang na aapak sa kanilang lupain ang naganap na digmaan noon. Naiintinidhan ko na ngayon."

"G—gusto kong makita," tumingin si Carmencita sa mukha ni Lucid. Gustong makita ng dalaga kung ano ang nagyari sa kanyang Ina at Lola. Kung paano sila nawalan ng buhay.

Immortals - CARMENCITA (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon