21 - Ang Bagong Hinaharap

658 19 2
                                    

CARMENCITA
Kabanata 21 - Ang Bagong Hinaharap

SA PAGBABALIK ni Carmencita sa siyudad, kasama na niya si Lucid at Kulaw. Silang tatlo ay nagdesisyon ng makisalamuha sa mga tao. Dahil sa naganap na paghaharap nila ng kanyang Ama, nalaman na lahat ni Carmencita at Lucid ang tunay na pangayayari at kung ano ang halaga ng espada at bulaklak. Tanggap na ni Carmencita ang buo niyang pagkatao.

Tulad ng sabi ni Taos sa kanya, tanggapin niya ang pag-ibig ni Lucid nang walang pag-aalinlangan at pagdududa nang sa gayun ang bulaklak ay tuluyan ng maging kulay puti. At sa mga oras na sila ay nasa kaharian ni Taos, nangako si Carmencita kay Lucid na siya lamang at wala ng iba pa ang kanyang iibigin. Dalisay ang puso ni Carmencita kahit ano ang kahirapan ang nagdaan sa kanyang buhay.

Kaya ang bulaklak na kulay itim ay naramdaman niya ang busilak na puso ni Carmencita. Ito ang tunay na kahulugan ng itim na bulaklak— kailangan niya ng TUNAY NA PAG-IBIG. Kaya naman hindi nabigo ang dalaga sa pag-ibig na nararamdaman niya sa prinsipe ng kadiliman. Tuluyang naging puti ang kulay ng bulaklak at naging malaya na ang puso ni Lucid.

Tinanggap din ni Lucid nang buong puso ang kanyang obligasyon at responsibilidad na protektahan at mahalin si Carmencita. Nangako siya kay Taos at hinayaan niyang maghari ang liwanag sa kanyang buong katawan at pagkatao. Tiniis lahat ni Lucid ang paghihirap kahit kapalit pa nito ay ang kanyang buhay. Hindi biro ang pinagdaan ni Lucid bago pa niya tuluyang nakamtam ang ginintuang espada. Ang kadiliman at liwanag na nasa kanyang kaloob-looban ay naglaban.

Nagsisigaw. Tumutulo ang kanyang sariling laway. Napupunit ang kanyang balat. Nagdurugo ang kanyang bibig, mga mata, mga tainga. Lahat ng paghihirap ay kanyang nalampasan. Hanggang sa kusang kumawala ang kanyang itim na pakpak sa likuran. Ang dating kulay na itim na pakpak ay naging kulay abo.

At doon, biglang lumitaw sa kanyang harapan ang espada. Kahit hindi na niya magalaw ang kanyang katawan, pinilit niya ang kanyang mga kamay para mahawakan ito. Dahil walang ibang laman ang kanyang puso't isipan kung hindi ang kaligtasan ni Carmencita at ang pagtulong niya sa mundo. Nagawa ni Lucid ang hamon ng liwanag sa kanya. Dahil ang tunay na halaga ng espada ay LAKAS, DETERMINASYON, PAGLILIGTAS. Kaya naman nagalak si Taos sa nasaksihan niyang pangyayari.

Oras na para siya ay lumisan. Hindi nakalimutan ni Taos ang naging usapan nila ng liwanag. Mortal man o imortal ay mayroong takdang oras para sila ay lumisan. Magkaiba lang ang batas na sinusunod ng mga ito pagdating sa kamatayan.

Nalungkot si Carmencita sa pagpapaalam ng kanyang tunay na Ama. Hindi man makatarungan sa mga mata ni Carmencita ang pagkawala ni Taos, subalit masayang malaman ng dalaga ang naging pagbabago ng kanyang Ama mula sa nakaraan at kasalukuyan. Naging kumpleto ang kanyang puso nang malaman niya ang lahat ng katotohanan. Kung ano ang naging istorya ng kanyang buhay bago sasapit ang kanyang ikalabing-walong taong gulang. At higit sa lahat, kasama niya ang nilalang na pinakamahalaga at pinakamamahal niya ang prinsipe ng kadiliman. Dapat pa rin ba siyang tawagin na prinsipe ng kadiliman? 'Yan ang iniwang katanungan ni Taos sa kanila dahil, kahit ano ang kanilang gawin anak pa rin siya ng Hari ng Kadiliman.

Nariyan pa ang kanyang nag-iisang kapatid na si Serpentino. Ang kapatid niyang laging sumusubaybay sa kanya. Kung sina Carmencita, Lucid, at Kulaw ay nakisalamuha na sa mga tao. Ganun din ang ginawa ni Serpentino kasama si Romuel. Hindi titigil si Serpentino hanggat hindi niya nakukuha si Carmencita. Dahil nais nitong makuha ang lahat ng dugo ng dalaga.

Subalit, ang hindi alam ni Serpentino. Hindi lamang siya ang may hangad kay Carmencita. Marami pang masasamang nilalang ang nag-aabang kay Carmencita.

"Handa ka na ba sa bagong yugto ng buhay mo kasama ako, Carmencita?" Sabay hawak ni Lucid sa kamay ng dalaga habang natatanaw nila ang buong siyudad mula sa isang mataas na gusali. Humarap si Carmencita kay Lucid at tumango ito na may kasamang ngiti sa kanyang labi. Hinaplos ni Lucid ang pisngi ng dalaga at nagkatitigan ang kanilang mga mata.

"Nangyari na ang ikalabing- walong taong gulang mo, asahan mo ng maraming masasamang nilalang ang lalapit sa 'yo dahil maamoy na nila ang halimuyak mo." Patuloy hinahaplos ni Lucid ang pisngi ni Carmencita. Hindi naman nawala ang ngiti sa labi ni Carmencita.

"Hindi ako natatakot dahil alam kong hindi mo ako pababayaan, Lucid. Buong puso kitang minamahal at pinagkakatiwalaan. Alam kong kailanman kaya mong ibuwis ang buhay mo para lamang sa akin."

"Carmencita..." unti-unting nagkakalapit ang kanilang mga labi nang biglang sumulpot si Kulaw. Nawala sa pisngi ni Carmencita ang palad ni Lucid at nakatutok ito kay Kulaw.

"T—teka... wala naman akong ginagawa sa 'yo bakit gusto mi akong paliparin?" Gigil na hinarap ni Lucid si Kulaw. Dilat na dilat ang mga mata ng binata. Biglang tumakbo si Kulaw sa likuran ni Carmencita.

"Carmencita o! Ang mahal niyong prinsipe sinusumpong na naman," sumbong ni Kulaw. Lalong nangigil si Lucid. Napahalakhak si Carmencita.

ITUTULOY...

NO PLAGIARISM
All rights reserved - Copyright
Isinulat ni: MC27 (MysteriousCharm27)

No proofread and edit. Photos credit to the owner.

*****
Hello po sa inyong lahat, mayroon din po akong FB Page kung saan nagpo-post din ako ng aking mga istorya: MysteriousCharm27 - Stories :Search niyo lang po baka magustuhan niyo din mga story ko doon. Salamat nang marami.

Immortals - CARMENCITA (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon