Immortals [Season 2 - Chapter 2]

342 10 6
                                    

Immortals [Season 2 - Chapter 2]

MAINGAY ang kalsadang dinaraanan nina Lucid at Kulaw, mula sa iba't ibang uri ng sasakyan. Magkakaiba ang kanilang laki. Kanya-kanya rin ang tunog ng kanilang mga busina at tambutso. Ang iba ay mausok at ang iba naman ay katamtaman lamang. Marami ring naglalakad na tao. Bata. Matanda. Binata. Dalaga. Ang nakakasalubong nina Lucid at Kulaw.

"Grabe ang mga tao, mahal na prinsipe. 'Yung makapal na usok lang na lumalabas sa sasakyan, nakakasira na ng kalikasan." Bulong ni Kulaw kay Lucid. Hindi umimik ang prinsipe.

"Hindi talaga ako nagkamali sa desisyon kong kumampi sa 'yo at sundan ang mga yapak mo—- ang pumanig sa kabutihan. Hinahangan talaga kita," sabay sumabit ang kanang kamay ni Kulaw sa kaliwang balikat ni Lucid. Huminto sa paglalakad ang prinsipe. Huminga lang siya nang malalim at kuha kaagad ni Kulaw kung ano ang nais nitong ipahiwatig sa kanya. Kaagad namang tinanggal ni Kulaw ang kanyang kamay sa balikat ni Lucid.

"Pa—patawad, aking mahal na prinsipe!" Yumuko ang ulo ni Kulaw.

"Hindi 'yan ang nais kong sabihin sa 'yo. Hindi rin 'yan ang nais kong marinig sa 'yo. Gawin mo ang iyong tungkulin ang magmatiyag sa paligid at maghanap ng taong grasa. Hindi 'yung daldal ka nang daldal." Mabilis tumango ang ulo ni Kulaw at nagpatuloy na sila sa kanilang paglalakad.

Mabilis lumipas ang oras. Bagama't mayroon silang nakikitang mga taong grasa sa daan na kanilang binabaybay, hindi maramdaman ni Lucid ang aura o presensiya ng imortal na kanilang hinahanap. Bagkus, iba ang kapangyarihan na kanyang naramdaman. Isang kapangyarihan na nagmumula sa kadiliman. Tumigil ang kanyang mga paa sa paglalakad. Nanliit ang kanyang mga mata sa kanyang nakita.

"Bakit ka tumigil?" Kaagad namang nakapagsalita ang madaldal na bibig ni Kulaw.

"Simula ba nang nagpalit ka ng anyo, humina rin ba ang pang-amoy mo sa mga aura o kapangyarihan, Kulaw?"

"H—hindi kita maintindihan, ano ang ibig mong sabihin?"

"Tumingin ka sa harapan mo, sino ang nakikita mo sa lalaking nakangiting nakatingin sa atin?" Hindi inaalis ni Lucid ang kanyang paningin sa lalaking nasa harapan nila na nasa kabilang kalsada. Sumunod naman si Kulaw sa utos ni Lucid. Matagal rin tinitigan ni Kulaw ang binata at nang nakilala niya ang mukha nito, gustong kumawala ng tunay na anyo ni Kulaw.

"Gggrrrr..." rinig na rinig ni Lucid ang mga ngipin ni Kulaw. Para mapigilan ang paglabas ng mga pangil ni Kulaw, sinakmal ni Lucid ang kanang balikat nito.

"Huminahon ka lang, Kulaw. Hindi ito ang kagubatan o ang mundo natin sa kabila. Maraming taong mapapahamak at maraming matatakot. At ang isa pa, ginagamit lang niya ang katawan ni Romuel."

Subalit, mas lalong lumago ang kanilanf tensyon nang tatawid si Romuel papunta sa kanila. Nagtago pa ang haring araw sa ulap. Lumalakas ang hangin. Hanggang sa magkaharap sina Lucid, Kulaw, at Romuel.

"Kumusta ka na, mahal kong taksil na kapatid? Mukhang hindi ka masayang makita ako sa mundo ng mga tao." Sumilay ang demonyong ngiti ni Serpentino sa mga labi ni Romuel.

"Ano'ng ginagawa mo dito? Umalis ka na sa katawan ng binatang 'yan!"

"Hindi mo ba alam, na ang binatang ito ay pinagkalulong na niya ang kanyang kaluluwa sa akin. Sisihin mo ang babaeng iniligtas mo—"

"Tumigil ka! Huwag kang magkakamaling gumawa ng kasamaan sa mundo ng mga tao dahil—-"

"Dahil, ano? Ako'y iyong kakalabanin muli, mahal kong kapatid?" Mabilis nakalapit si Serpentino kay Lucid gamit ang katawan ni Romuel. Tinulak niya si Kulaw at tumilapon ito. Lumapit ang bibig ni Romuel sa tainga ni Lucid.

"Huwag kang mag-aalala. Bago ako magpalaganap ng kasamaan, bubuo muna ako ng isang malakas na hukbo. At kapag nagawa ko na ang lahat, kukunin ko sa 'yo ang babaeng 'yun at ikaw.... sisiguraduhin kong magiging abo ka!"

Gustong-gustong maging halimaw ni Kulaw, ngunit hindi niya magawa ito dahil may tatlong taong magkakaibigan ang lumapit sa kanya at tinulungan siyang makatayo.

"Ano bang problema ng lalaking 'yan? Bakit siya nanakit?" Nagsalita ang isang binata.

"Ayos ka lang ba, ha?" Tanong naman ng isang binata kay Kulaw. Tumango lang si Kulaw sa kanila habang ang kanyang mga mata ay pinagmamasdan si Lucid at Romuel.

"May araw ka rin, Serpentino!" Bulong ng isipan ni Kulaw.

"Unahan na lang tayong lumikom ng mga malalakas na nilalang, mahal kong kapatid. Sa ngayon, paalam na muna sa 'yo." Lumayo ang bibig ni Romuel mula sa tainga ni Lucid at humalakhak siya habang papalayo. Gigil na gigil si Kulaw.

SAMANTALA, abala naman si Carmencita sa hardin na kanilang binuo nina Lucid at Kulaw. Masaya siyang nagdidilig sa mga halaman na sila mismo ang nagtanim, lalo't na ay namumukadkad na rin ang mga rosas. Hindi alam ng dalaga na nasa siyudad na rin si Serpentino at buhay pa rin si Romuel— ang lalaking kanyang unang inibig dahil noong sila'y magkasama, hindi siya pinabayaan ng binata.

Nang biglang marinig niya ang tunog ng doorbell. Hindi makikita kaagad ni Carmencita ang nasa labas dahil, mataas ang bakod— sampung metro ang taas nito. Ang dahilan, para maging masinop ang kanilang pamumuhay.

Iniwan muna ni Carmencita ang kanyang ginagawa. Lumapit siya sa gate at tiningnan ang isang maliit na monitor na parang screen ng telebisyon na nakadikit sa dingding ng gate. Isang matipunong lalaki ang nakatayo sa labas ng kanilang gate.

"Huwag mong bubuksan ang gate kapag wala kami ni Kulaw," biglang naalala ni Carmencita ang habilin ni Lucid sa kanya.

Tinalikuran niya ang gate. Sa pangatlong hakbang ng kanyang mga paa, tumunog muli ang doorbell. Bumalik si Carmencita at ang lalaki pa rin ang binata pa rin ang nasa maliit na monitor. Parang nalukot na papel ang mukha ni Carmencita. Tumalikod siyang muli.

Ngunit, hindi pa niya nahahakbang ang kanyang paa, nag-doorbell muli ang binata. Mabilis umikot ang katawan ni Carmencita. Tinuturo ng binata ang hawak niyang folder. Dahil hindi makita ni Carmencita kung ano ang laman nito, nagdesisyon siyang buksan ang gate. Nagkaharap silang dalawa.

Matangkad at maganda ang pangagatawan ng binata. Kulay brown at mapupungay ang kanyang mga mata. Medyo makapal ang kanyang kilay. Matangos ang ilong at parang labi ng babae ang kanyang mga labi. Moreno ang kanyang kulay. Itim ang kanyang buhok.

"Inutusan ako ng aking Ama na dalhin sa inyo ang kontrata na kailangan ninyo para inyong lagdaan at tuluyan na tayong maging korporasyon." Atsaka naisip ni Carmencita na kailangang lumago ng kanilang negosyo. Pinapasok niya ang binata sa kanilang bakuran at sinara ang gate. Inanyayahan niya rin ito sa loob ng bahay para sa pormal na pag-uusap.

MAY lumabas namang usok sa palad ni Lucid. Pinagmasdan niya ito at lumabas ang tatak na guhit pakpak. Ibig sabihin lamang nasa panganib si Carmencita. Kahit sila'y magkalayo, may nag-uugnay sa kanilang dalawa. Tumakbo si Lucid sa isang eskinita at sumunod si Kulaw. Nang wala ng tao, sa isang iglap silang dalawa ay nawala at nakatapak na ang kanilang mga paa sa bakuran ng kanilang lupain.

Itutuloy....

Written by: MysteriousCharm27
All rights reserved - Copyright
Photos credit to the owner.
No edit. No proofread. Read at your own risk.

Thank you!

Immortals - CARMENCITA (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon