Immortals (Season 2 - Chapter 1)
SA BIGLANG pagkawala ni Taos— ang ama ni Carmencita. Akala nilang lahat ito ay tuluyang nagpaalam na dahil natupad na nito ang kanyang misyong maituwid ang kanyang pagkakamali at makilala siya ni Carmencita. Ang hindi alam ni Lucid at Carmencita, hindi na pinapayagan pa si Taos na makisalamuha pa sa mga mortal na nilalang.
Subalit, siya ay may karapatan pa ring magbigay ng mensahe sa kanyang anak. At ang unang mensahe niya— ang hanapin ang isang immortal na nilalang na nagpapanggap na tao sa mundo ng mga mortal. Ito ang kauna-unahang misyon ni Lucid upang ipagpatuloy ang kanyang mga mabubuting gawain. Upang tuluyan na siyang makawala sa mundo ng kadiliman.
"Saan natin hahanapin ang immortal na 'yun?" Unang tanong mula kay Kulaw— ang matapat na alagad ni Lucid na nasa ibang anyo na rin. Hindi na siya isang halimaw, ang kanyang imahe ay isang tao na rin. Kailangan niyang gawin ito para makasama kay Lucid at Carmencita. At para na rin hindi siya katakutan ng mga tao.
"Mararamdaman mo ba siya, Lucid?" Sumunod na tanong mula kay Carmencita.
"Bakit hindi ka sumasagot?" Sabat kaagad ni Kulaw. Tahimik lang si Lucid.
"Hay, makapanood na nga lang ng telebisyon!" Lumundag si Kulaw sa sofa na nasa sala. Binuksan niya ang TV at nanood. Sumunod si Carmencita, umupo ang dalaga sa tabi nito at sabay batok kay Kulaw.
"Aray!"
"Talagang nag-e-enjoy ka sa ginagawa mo ngayon," inagaw ni Carmencita ang remote control ng telebisyon at inilipat niya sa balita.
"Aba swempre, mahal na prinsesa. Mula nang bumalik ka sa siyudad at sumama kami sa 'yo. Kailangan kong mamuhay bilang isang tao. Ayaw kong sayangin ang pagkakataon na 'to. May sariling bahay. May sariling kumpanya. Mayaman. Marami akong natutunan. 'Wag mo na akong pansinin ano na lang ang gusto mo, ipagluluto kita!" Paliwanag ni Kulaw.
"Aba, marunong ka na rin magluto ngayon..."
"Swempre, ako ang matapat niyong alagad ng mahal na prinsipe, kaya kaila—-" hindi naituloy ni Kulaw ang kanyang sasabihin nang biglang nasa gitna na lang nila si Lucid. Nagulat si Carmencita at napatayo.
"I—ikaw. Ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo na 'wag mong basta gagamitin ang kapangyarihan mo dito sa loob ng bahay. Kailangan niyong gawin ang normal na galaw ng mga tao," panenermon ng dalaga. Wala pa ring imik si Lucid. Nagkatinginan si Kulaw at Carmencita. Tutok na tutok kasi si Lucid sa telebisyon. Sinundan nina Kulaw at Carmencita ang mga mata ni Lucid kung saan ito nakatitig.
"Ayon sa binibini, isang taong grasa daw ang nagligtas sa kanya mula sa mga masasamang tao. At ang taong grasa na ito ay hindi daw pangkaraniwan. Kausapin natin ang dalaga." Isang reporter ang nagsasalita sa loob ng telebisyon. Umupo si Carmencita sa tabi ni Lucid. Nanood na rin silang dalawa ni Kulaw.
"Totoo bang taong grasa ang nagligtas sa 'yo?" Tanong ng reporter sa dalaga.
"Opo. Naglalakad ako sa madilim na eskinita na 'to nang biglang harangin ako ng tatlong kalalakihan. Nang una gusto lang nilang kunin ang lahat ng kagamitan ko. Pero dumating sa punto na gusto nila akong halayin. Dumating ang isang lalaking taong grasa, hindi man lang kumurap ang aking mga mata nakahiga na sa daan ang mga lalaking gustong manakit sa akin." Paliwanag ng dalaga.
"Nasaan na ang sinasabi mong taong grasa?"
"Nang iligtas niya ako. Tiningnan lang niya ako at bigla na lang siyang nawala na parang bula. Para siyang isang ninja na ang bilis kumilos."
Biglang namatay ang telebisyon. Tumayo si Lucid.
"T—teka..." pigil ni Kulaw, ngunit kaagad gumana ang utak nito.
"Alam ko na kung ano ang nasa isipan mo mahal na prinsipe," ngumiti si Kulaw.
"Siya na ba ang hinahanap natin?" Tanong naman ni Carmencita. Hindi naman din manhid o tanga ang pakiramdam ng dalaga.
"Bukas na bukas din mag-iikot tayo sa siyudad Kulaw at suriin ang lahat ng mga taong grasa na makikita natin."
SAMANTALA, ang hindi alam ni Lucid at Carmencita. Nasa siyudad na rin si Serpentino. Nasa loob siya ng katawan ni Romuel. Ginagamit ni Serpentino ang pagmamahal ni Romuel kay Carmencita.
Katulad ni Lucid, ang pamumuhay din ni Romuel ay angat sa lipunan dahil sa tulong ni Serpentino. Tuluyan ng nagkaisa ang dalawa at bumuo ng plano. Inutusan din ng ama ng kadiliman si Serpentino na hanapin ang imortal na ito upang sumanib sa kanila.
"Mahal kong kapatid na Lucid, darating ang araw na magkikita na tayong dalawa. Alam kong hinahanap mo rin ang imortal na ito. Hindi ako papayag na sa inyo siya sumama. Kung itinakwil mo kami, hahanap ako ng bagong kaanib para pagharian ang mundong ito." Humalakhak ng malakas si Romuel na nasa loob ng katawan niya si Serpentino.
******
Kunot ang noo ni Carmencita. Magkadikit ang kanyang dalawang kilay. Naka-krus ang kanyang dalawang kamay sa ibaba ng kanyang mga dibdib. Masama ang tingin niya kay Lucid. Kulang na lang bumuga siya ng apoy sa sobrang galit. Nakatago naman si Kulaw sa likuran ni Lucid.
"Kahit magalit ka sa akin, hindi kita maaaring isama sa paghahanap sa imortal na ito." Mahinahon na sabi ni Lucid kay Carmencita.
"Ayoko, gusto kong sumama. Mas alam ko ang mga tao kaysa sa inyong dalawa. Atsaka kasama naman ako sa misyon na ito!" Padabog na umupo si Carmencita sa sofa. Umupo si Lucid sa tabi ni Carmencita at hinawakan niya ang kamay nito. Humarap si Carmencita.
"Paano kung may mangyari sa 'yo. Sa inyo ni Kulaw. Maiiwan na naman akong mag-isa," reklamo ni Carmencita. Napangiti si Lucid. Isinandal ng prinsipe ng kadiliman ang ulo ni Carmencita sa dibdib nito. Hinaplos-haplos ni Lucid ang buhok ni Carmencita. Niyakap siya ng dalaga.
"Mas hindi ko matatangap kung may mangyari sa 'yo. Hindi pa natin alam kung ano ang tunay na pagkatao ng nilalang na ito. Baka isa rin siya sa mga imortal na gusto kang makuha. Sana naiinitindihan mo ang nararamdaman ko, Carmencita."
"Basta, kaagad kayo bumalik ni Kulaw ha! Ayoko na ang nag-iisa." Tumulo ang luha ng dalaga. Hinarap siya ni Lucid sa kanya. Pinahid ng binata ang luha na nasa pisngi ni Carmencita.
"Babalik ako ng ligtas. Pangako 'yan sa 'yo." Hinalikan ni Lucid ang noo ni Carmencita.
"Ang hirap talaga ng walang ka-partner," biglang sabat ni Kulaw. Sabay siyang tiningnan ng masama ni Lucid at Carmencita.
"Ang dami mong nalalaman," seryosong sabi ni Lucid at nag-alab ang mga mata nito.
"Dahil 'yan sa sobrang panonood niyang telebisyon," gigil naman sabi ni Carmencita.
"Nagbibiro lang ako. Mauna na ako sa labas 'yun ang sabi ko mahal na prinsipe at mahal na prinsesa." Mabilis nawala si Kulaw sa kanilang harapan.
"Aalis na kami. Huwag kang lalabas ng bahay." Tumango si Carmencita at niyakap niya nang mahigpit si Lucid.
Itutuloy....
Written by: MysteriousCharm27
All rights reserved - Copyright
Photos credit to the owner.
No edit. No proofread. Read at your own risk.Thank you!
BINABASA MO ANG
Immortals - CARMENCITA (Season 1)
FantasyImmortals Season 1 - Ang babaeng ipinanganak na may kasamang sumpa at kamalasan. Tuklasin ang misteryong bumabalot sa kanyang katauhan at mga nilalang na nakapaligid sa kanya. [Completed] Immortals Season 2 - Isang panibagong nilalang ang susubok sa...