16: Ang Kuwento sa Likod ng Sumpa

811 37 0
                                    

CARMENCITA
KABANATA 16: ANG KUWENTO SA LIKOD NG SUMPA

TINALIKURAN ni Lucid si Carmencita. Imbes na sagutin ng binata ang naging katanungan ni Carmencita sa kanya, itutuloy na lang niya ang kanyang pagbubunyag sa katauhan ng dalaga.

"Alam mo ba kung saan nagmula ang iyong sumpa?"

Nabura kaagad sa isipan ni Carmencita ang tungkol sa kanyang tanong kay Lucid. Mas inaasam-asam niyang malaman ang lahat ng katotohanan tungkol sa kanyang buhay. Sa dami ng kanyang katanungan sa lahat ng nangyayari sa kanya, si Lucid lamang ang kanyang susi sa lahat. Hindi kumibo ang dalaga. Napansin ni Lucid ang pananahimik ni Carmencita. Hinarap muli ni Lucid ang dalaga. Kitang-kita sa mga mata ni Carmencita ang pag-aabang sa kung ano man ang lalabas na salita sa bibig ni Lucid.

"Sa iyong Lola," matipid na sabi ni Lucid kay Carmencita, habang titig na titig siya sa mga mata ng dalaga. Pilit niyang pinapasok ang loob ng isipan ni Carmencita, upang kanyang mabasa ang kung ano man ang tumatakbo sa isip ng dalaga. Ngunit hindi pa sapat ang kanyang kapangyarihan dahil maski siya ay kailangan niyang mabuo ang kanyang tunay na kapangyarihan.

"L—lola? M—may lola ako?" kitang-kita ni Lucid ang pagtataka sa mukha ni Carmencita. Na may halong pagkasabik. Iniwas ni Lucid ang kanyang mga mata sa dalaga. Tumingin siya sa lupang tinutuntungan ng kanilang mga paa.

"Siya ang Reyna ng mga mangkukulam," paliwanag ni Lucid.

"Reyna ng mangkukulam?" bigkas ng bibig ni Carmencita. 'Saka niya naalala ang kanyang tinuring at kinilalang ama na si Renato. Bago nawala si Renato, nai-kuwento niya kay Carmencita ang tungkol sa kanyang Ina.

"Oo. Isang reyna na makapangyarihan at walang ginawa kung hindi sakupin ang mga mortal," dugtong muli ni Lucid. Hindi makapagsalita si Carmencita dahil sa sinabi ni Lucid. Kaagad pumasok sa kanyang isipan na isang masamang nilalang ang kanyang lola.

"Gusto mo bang malaman ang buong kuwento?" paalam ni Lucid kay Carmencita at tumango lang ang dalaga. Nagsimulang ibahagi ni Lucid ang pangyayari daan-daang taon na ang nakalipas.

*****

HINDI gusto ni Miranda ang kanyang angkan— mangkukulam. Kaya nagdesisyon siyang lisanin ang kanilang kaharian. Nakisalamuha siya sa mga tao at tinago niya ang kanyang totoong pagkatao. Siya ang kahuli-huliang mangkukulam na tatanggap sa ritwal upang ipagpatuloy ang kanilang lahi. Ang kanilang kapangyarihan.

Sa kanyang paglaya sa kanilang madilim na silong. Si Miranda ay nagsikap sa kanyang buhay. Sabay niyang ginawa ang pagtatrabaho at pag-aaral. Mahilig si Miranda sa halaman. Kaya ang pinag-aralan niya ay ang paggawa ng mga gamot. Hanggang siya ay makilala bilang isang manggagamot.

Bagamat napabuti ang buhay ni Miranda nang talikuran niya ang kanyang totoong buhay, ang kanyang angkan. May katangi-tangi siyang iniiwasan. Ang umibig ang kanyang puso. Alam niya, kahit itago pa niya sa mga tao ang kanyang totoong katauhan, dumadaloy pa rin sa kanyang dugo ang pagiging mangkukulam.

Subalit, nang dagsaan ang mga naging pasyente na mga sundalong mula sa giyera. Kahit ano ang iwas ni Miranda sa pag-ibig, hindi niya nakayanan na labanan ang kanyang puso. Isang mabait at makisig na sundalong binata ang nagpatibok sa kanyang nag-iisa at nangungulilang puso. Hindi naman nabigo si Miranda. Ang pagmamahal na naramdaman niya sa binata ay nasuklian ng maganda at payapang pag-ibig. Nagsama silang dalawa. Naging masaya ang kanilang buhay kahit simple lang ang kanilang pamamalakad. Hanggang sa nagkaroon sila ng isang magandang sanggol. At pinangalanan nilang Mina, hango sa pangalan ni Miranda.

Lumipas ang maraming taon. Naging dalaga na si Mina. Hindi alam ni Miranda sa kanyang pag-alis sa kanilang lugar, isang matinik na mangkukulam ang itinalaga para siya ay subaybayan. Lahat ng nangyayari sa buhay ni Miranda ay alam sa kanilang kaharian. Hanggang sa nagdesisyon ang pinaka-ninuno ng mga mangkukulam sa kanilang kaharian na patayin ang asawa ni Miranda.

Immortals - CARMENCITA (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon