🔅Chapter 18🔅

83 5 0
                                    

'The best and the most beautiful things in the world cannot be seen or even touched-it must be felt by the heart'
                            -Helen Keller

======

Kinakabahang tinignan ni Kyla si Shiro.

"Kyla I need to tell you something. Meet me at the greenhouse tonight 10:00pm." sabi ni Shiro at binitawan ang kamay ni Kyla at lumabas sa kwarto. Napatingin siya sa pinto ng pumasok sa loob ang nurse.

"Miss Kyla makakalabas kana dalawang oras nalang Miss" paalala ng nurse kay Kyla. Tumango si Kyla at bumangon at nag-impake.

'Bat andami nilang dinala dito hindi naman ako dito titira' inis na saad ni Kyla sa kanyang isip.

*

"Your Grace I hereby suggest for nth time that you should expel that woman from the academy." sabi ni Mr. Stien.

"And for the nth time we cannot make decision for this we already made the voting and the result was fair so the leader will make the decision for this" sabi ng Isang miyembro ng Korte.

Biglang may taong pumasok sa room at may ibinulong sa lider ng Korte. Tumango-tango ang lider habang nakikinig sa sinasabi ng bagong dating.

Nagshake hands ang dalawa at lumabas na ito.

"Leader Rufius had made his decision. Before he will make the final decision he wants to have the side of the girl here tomorrow" sabi ng lider na ikinadismaya ni Mr. Stien.

"So Stien bring her here tomorrow" sabi nito at tumango si Mr. Stien na tila naiintindihan ang sinasabi nito.

"Yes your grace" sabi nito at nagbow tsaka lumabas ng room.

"So anong kinalabasan ng pulong?" tanong agad ng kanyang assistant.

"Hindi parin nila ipapaexpel si Kyla hanggang hindi nila nakukuha ang pahayag sa panig ni Kyla" sabi ni Mr. Stien na medyo naiinis pa.

"Bakit parang pinapatagal nila ang pagdesisyon?" sabi ng kanyang assistant.

"Wala akong pakealam kung papatagalin nila ang kanilang pagbigay ng desisyon basta ang akin lang ay mapaalis ang babaeng iyon!" napaatras ang kanyang assistant sa pagtaas ng kanyang boses ng sinabi niya iyon.

"Tayo na umuwi na tayo" utos ni Mr. Stien at naunang maglakad. Sumunod agad ang kanyang assistant sa kanyang likod.

*

Sinalubong nina Faye at Jared si Kyla ng makalabas ito.

"Ba't ba andami niyong dinalang damit ko doon?" inis na tanong ni Kyla.

"Sorry Kyla akala kasi namin ay matatagalan ka pa kaya dinamihan na namin" sabi ni Faye.

"Ako na ang magdadala" sabi ni Jared at kinuha kay Kyla ang mga bag.

"Salamat" sabi ni Kyla at sumunod kay Jared na naunang naglakad. Bago siya naglakad napalingon siya sa gawi sa Garden malapit kasi ang clinic sa Garden ng may mapansin ito doon.

Napakunot ang noo ni Kyla habang nakatingin doon.

"Kyla halika na!" tawag sakanya ni Faye.

MAGICEA: Destiny Starts#PHTimes2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon