🔷Chapter 2🔷

228 9 9
                                    

Dedicated to ccapayor

Nagising si Kyla dahil sa ingay sa labas ng room niya. Nang imulat niya ang mga mata niya, nakita niyang dumidilim niya kaya bumangon siya at nag-ayos para pumunta ng Cafeteria upang kumain ng hapunan.

Natigil si Kyla sa ginagawa ng may kumatok sa kanyang pinto ng tatlong beses. Nang buksan niya ito ay may isang babae na kaedad niya maputi at maganda , may itim na buhok at asul na mata na bagay na bagay sa kanya.

"Umm... yes?" tanong ni Kyla.

"Dito po ba ang Room 23?" tanong niya.

Tumango si Kyla bilang tugon.

"Bakit?" tanong ni Kyla.

"Ako iyong makakasama mo dito sa room mo so bali roommate mo ako" sabi ng babae.

"Okay. Halika pasok ka, pasenya na sa kalat hindi pa ako nakapaglinis at nakapag-arrange ng gamit ko eh" sa bi ni Kyla

"Sus! Okay lang" sabi ng kanyang roommate.

"San nga pala ako rito?" tanong ng babae.

" Ikaw sa kanan ka ako kasi sa kaliwa eh" sabi ni Kyla. Napatango naman ang babae

"Ano nga pala pangalan mo?" tanong ni Kyla

"Carla. Ikaw?" sabi ng babae

"Ako naman si Kyla. Nice to meet you" sabi ni Kyla at nakipagkamay kay Carla.

"Nga pala kumain ka na?" sabi ni Carla

" Hindi pa eh. Tara sabay na tayo pumunta ng Cafeteria" sabi ni Kyla.

"Oo ba... teka lang mag bibihis lang muna ako" sabi ni Carla.

"Hihintayin nalang kita sa labas." sabi ni Kyla at lumabas ng room nila.

Matapos ang limang minuto, lumabas na rin si Carla at sabay silang pumunta ng Cafeteria.

"Nga pala san ka nakatira Carla?" tanong sakanya ni Kyla

"Nasa 2nd District ako ng Twin District" sabi niya.

" So Air Mage ka?" sabi ni Kyla. Nagkibit balikat naman si Carla bilang tugon.

"Malay natin" sabi ni Carla.

Nag-uusap lang sila hanggang sa matapos na silang kumain. Nagsibalikan naman lahat sa kani-kanilang mga rooms ng Tumunog ang bell hudyat na huling 10 minuto nalang at curfew na.

Sumabay naman silang dalawa sa iba pang mga estudyante hanggang makarating sa kanilang room at natulog.

*

Mag-aala una na ng madaling araw pero hindi parin makatulog si Kyla kaya umupo siya sa kama at nag-isip kung ano ang mga mangyayari bukas sa Power Exam ngunit hindi parin siya dinadalaw ng antok. Kaya palihim siyang lumabas at nagtungo sa garden sa eastern part ng Academy.

Madilim na ang paligid at ang tanging ilaw lamang ay ang mga torches at lamps na nakasabit at ang tanging maririnig mo lang ay ang tunog ng sapatos ni Kyla sa hallway.

Nang marating ang Garden naglalakad siya habang tinitignan ang mga halaman. Ang garden ng academy ay parang isang maze na gawa sa bulaklak. Iba-iba rin ang pagkakaayos ng mga bulaklak. Napakaganda nilang tignan lalo na dahil ang mga bulaklak na iyon ay glow in the dark kaya napakaganda.

Nanigas si Kyla ng may narinig na nagsalita.

"Ang ganda diba?" sabi ng tinig at sa pagkakarinig niya'y tinig ng isang lalake iyon.

MAGICEA: Destiny Starts#PHTimes2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon