☀Chapter 10☀

114 4 0
                                    

Dedicated to MissReadeerr

'Work and serve others, leave the world a little better than you found it'
-David Sarnoff

======

Pagkatapos nilang kumain ay agad na kumilos ang lahat para sa imbestigasyon. Ibinilin muna ni Kyla kay Charm si baby Hera at mukhang nagustuhan naman ni baby Hera.

Pumunta agad si Kyla sa cctv room. Hindi halata na may cctvs sa buong academy dahil nakablend ito sa wall kung saan ito nakakabit.

Nang marating niya ang room ay nakita niya ang isang guard na nakatulog at sa harap niya ay mga screen kung saan nakikita ang mga paggalaw ng mga estudyante.

Nang gisingin niya ito ay sinabihan niya na may titignan lang siya sa cam na malapit sa gate at humingi ng mga tapes sa buong linggo na nakuha ng cam. Pagkatapos ay nagtungo pabalik si Kyla sa dorm at pumunta sa room niya at tinignan ang computer na nandoon. Ngayon niya lang napansin na may computer na nandoon.

Nang tignan niya ang mga cams ay wala namang nakitang kakaiba araw at gabi hanggang sa may napansin siyang isang lalakeng naka-hood na hinawakan ang gate. Nagulat siya ng may itim na usok na lumabas dito at biglang may butas sa gate tsaka siya pumasok tapos ay ibinalik niya uli ito sa dati at tinignan niya ang gawi ng cam. Tinigil niya ang clip at picturan ang mukha.

Pagkatapos noon ay nagtungo na siya sa training room upang simulan ang training nila Shiro.

Pagpasok niya ay ang una niyang nakita ay ang long table at may mga weapons na nandoon tsaka nakuta niya si Shiro tumitingin sa mga weapons at kumuha at inihagis kay Kyla.

Mabuti nalang at nakailag agad sji Kyla bago lumapat sa kanyang mukha ang sandata.

"Ganyan kaba magwelcome?" tanong ni Kyla.

"I'm just testing your reflexes wifey." sabi ni Shiro at pinagtuloy ang pagbato ng mga dagger kay Kyla si Kyla naman ay puro ilag lang ang ginagawa upang hindi matamaan ng mga dagger.

Nang tumigil si Shiro ay umatras at sinugod si Kyla si Kyla ay nakakasabay na rin sa mga galawan ni Shiro. Patuloy pa rin sila sa pagsugod sa isa't isa. Tumigil bigla si Shiro at tumayo ng maigi.

"Magaling akala ko tuturuan pa kita ng tamang gawin pero mukhang hindi na." saad ni Shiro na nakangiti.

"Ano nang gagawin natin?" tanong ni Kyla.

"Tumakbo ka ng 4 na beses sa buong training room at 60 push-ups at bow shooting ngayon NA!!" sabi ni Shiro at agad na tumakbo si Kyla.

'Ang laki kaya nito. Parang apat na basketball court width at length. Tapos hindi manlang ako pinasalita!'sabi ni Kyla sa isip.

Matapos ay umupo muna si Kyla habang hinihingal.

"What are you doing?! Do it again!!! No stopping not unless I say now!!" sigaw ni Shiro. Tumayo ulit si Kyla at tunakbo paikot sa buong room.

"PUSH-UPS NOW!!!"sigaw ni Shiro nang matapos ang pagtakbo ni Kyla.

Agad na ginawa ni Kyla ang sinabi si Shiro.

MAGICEA: Destiny Starts#PHTimes2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon