💗Chapter 3💗

145 11 7
                                    

Dedicated to Jeanney_Kay

Nagising si Kyla dahil sa pagkalabit ni Carla sakanya.

"Ano ba?" inis na tanong ni Kyla.

"Hoy babae, may utang ka pa sakin" sabi ni Carla at nagindian-sit.

"Anong utang?" naguguluhang tanong ni Kyla.

Nakasimangot namang tinignan ni Carla si Kyla.

Natawa naman si Kyla sa mukha ni Carla.

"Oo na di na mabiro" sabi ni Kyla at ginaya din si Carla at nag-indian sit.

Kweninto lahat-lahat ni Kyla ang nangyari mula sa simula hanggang katapusan. Pagkatapos ay tumili si Carla dahil sa kilig.

Umalis na si Carla sa kama ni Kyla at inayos ang kanyang hinigaan.

"Oy Carla, tapos ka na kumain?" tanong ni Kyla.

Umiling si Carla bilang sagot. Pagkatapos mag-ayos ay sabay na lumabas ang dalawa.

Maaliwalas na umaga ang sumalubong sa kanila. At preskong hangin. Nagtungo sila sa Cafeteria upang kumain..

Pagkatapos ay namaalam si Carla kay Kyla na mag-eensayo daw para sa Power Exam.

Pumunta naman si Kyla sa library upang libangin ang sarili. Matagal na rin mula nong nakabasa siya ng libro kaya excited siyang pumunta doon.

Nang marating niya ang library , gaya ng inaasahan ay wala masyadong tao at tulog pa ang librarian.

Pinatunog ni Kyla bell sa tabi ng ulo ng librarian na nagpagising nito.

Napahikab si Mrs. Cruz habang tintignan lang siya ni Kyla.

"Hi Miss, I am Mrs. Cruz the librarian" saad ni Mrs. Cruz.

"Hello, ako nga pala si Kyla" sabi ni Kyla.

"You can read every book you want here." sabi ni Mrs. Cruz at lumabas mula sa library dahil pinapatawag daw siya ni Mr. Stone.

Umakyat si Kyla sa second floor at pumunta sa dulo dahil pakiramdam niya'y mag kung ano doong tinatawag siya.

*
Tinawag ni Mr. Stone si Mrs. Cruz para ibalita ang tungkol sa code na nakita niya sa likod ng librong ibinigay sakanya ni Mrs. Cruz.

"Bakit Mr. Stone.?" tanong ni Mrs. Cruz nang makapasok sa loob.

"May alam kaba rito?" sabi ni Mr. Stone at ipinakita ang code sa likod ng libro na ibinigay ni Mrs. Cruz.

"A-ah... wala po P-pres." utal na sabi ni Mrs. Cruz at umiwas ng tingin.

" Nagsisunungaling ka"saad ni Mr. Stone.

"Care to explain?" sabi ni Mr. Stone at pinaupo si Mrs. Cruz At pinalibutan ng mga maliliit na mga bato kaya hindi ito nakagalaw at bumuntong hininga

"....
*

Nang malapitan ni Kyla ang shelf na iyon ay biglang umilaw ang pulsuhan niya ng kulay ginto tapos may simbolong unti unti nabubuo. Mahapdi iyon dahil gawa sa apoy ang mga hugis sa simbolo.

Sumigaw ng sumigaw si Kyla pero walang nakakarinig sakanya dahil siya lang ang naroon. Hindi niya kung saan ibabaling ang ulo sa sakit ng kanyang pulsuhan.

Nang matapos ang simbolo ay may librong lumipad sakanya. Binasa niya ang Title ng libro.

"The Mystery of Creation" saad ng isang tinig sa likod niya..

MAGICEA: Destiny Starts#PHTimes2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon