'Every story has an end, but in life every ending, is just a new beginning'
-Uptown Girls======
"Goddess hindi po namin napalakas ang mga pillars dahil mabilis itong nanghihina" balita ni Venta na may halong pag-aalala.
"Handa nadin po ang ating hukbo upang labanan ang mga kalaban sa oras na manghina ang mist na inilagay mo" sabi ni Aquo. Tumango si Mystia na naiintindihan ang mga balita nila.
"Ang babaeng iyon kaya ang dahilan kung bakit mabilis na nanghihina ang mga pillars?" tanong ni Solum.
"Kung siya nga, talaga ngang malakas ang batang iyon" sabi ni Ignis.
"Tigilan niyo na ang pagpapalakas sa pillars. Mukhang haharap tayo sa ating pinakamadilim na yugto." sabi ni Mystia. Naguguluhang tinignan nina Aquo si Mystia.
"Ano pong inyong ibig sabihin?" tanong ni Solum.
"Wala lang iyon. Ngayon ay kailangan natin ang tulong ng Earth at iba pang mga planetang pwede mag-supply ng buhay. Sabihan niyo ang mga pinuno ng bawat dimensyon na ipadala ang kanilang mga tao sa Earth at doon manirahan pero hindi ang lahat. Ang ibang hindi makakasama ay sa iba pang planeta na pwedeng matirhan." utos ni Mystia na ikinalaki ng mga mata ng mga beings.
"Ganoon po ba kadilim ang hinaharap?" tanong ni Venta.
"Mas madilim pa sa inaasahan niyo kaya magsilakad na kayo at bilisan niyo. Pilit kong ililihis ang atensyon ni Darkia." sabi ni Mystia at tumayo na at lumabas mula sa throne room at nagtungo sa veranda.
'Hinding-hindi ko hahayaang masira mo ang pinaghirapan ko Darkia' sabi niya sa isip niya at nagbikas ng spell.
*
Naglalakad si Hiro ng may mapansing tao sa isang puno.
"Sino ka?!" sigaw niya.
"Nakalimutan mo agad ako Hiro? How sad" sabi ng babaeng nagkukubli.
"A-ate?" nabitawan ni Hiro ang sandata niya at tinakbo ang kanyang kapatid at niyakap ito.
"Hahaha hindi ka parin nagbabago ang pangit mo padin" sabi ng kanyang ate.
"Hahahah palabiro ka padin" sabi ni Hiro at naiyak na.
"Alam mo nakakabakla iyan" sabi ng kanyang kapatid.
And then realization hit him. Agad siyang tumalon palayo.
"My sister is long dead! you can't fool me! you're just her illusion!" sigaw ni Hiro at kinuha muli ang sandata at naghanda.
"Hahahhaha nalaman mo agad!" sigaw ng kanyang kapatid at pumalakpak.
Humakbang ito sa daylight at ngumisi na parang demonyo.
"Tignan natin kung masasaktan mo ko"sabi ng kanyang kapatid.
*
Nagpapahinga sa itaas ng puno si Shiro ng may narinig siyang nagpapatalas ng sandata.
Pinaliit niya ang kanyang mata pero hindi niya parin maaninag ang mukha.Tumalon si Shiro mula sa puno at tinignan ang tao at nakilala niya agad ito.
"Kyla?" tanong niya. Napataas ng tingin si Kyla at nakita niya si Shiro na may ngiti sa labi.
BINABASA MO ANG
MAGICEA: Destiny Starts#PHTimes2019
FantasyImpressive Rank Achieved: 188 in academy -(5/11/18) Impressive Rank Achieved-673 out of 971 stories in academy (1/11/19) Impressive rank achieved : 92 out of 238 stories in new Magicea. A world with purpose A world hidden from Fate A world full of...