🌲Chapter 23🌲

91 3 0
                                    

'You're only here for a short visit. Don't hurry, don't worry. And be sure to smell the flowers along the way'
-Walter Hagen

====
M A K A L A W A
(The Day After Tomorrow)

"Handa naba lahat?" pang-apat na beses na sabi ni Shiro sa kanyang mga kasama.

"Shiro pang-apat na iyan. Oo handa na" sabi ni Hiro.

Nagulat si Kyla nang hawakan ni Shiro ang balikat niya.

"Ang malaking baul!!... Shiro!!" sigaw ni Kyla.

"Hahahah tayo na aalis na tayo" sabi niya at iniwan si Kyla. Napabuntong-hininga si Kyla at sumunod kay Shiro. Kanina pa siya hindi mapakali at laging pre-occupied. Habang naglalakad palabas ay nilapitan siya ni Tiara.

"Ayos ka lang ba?" tanong ni Tiara. Tumango si Kyla at ngumiti bilang sagot.

"Eh ikaw kamusta na kayo ni Harold?" tanong ni Kyla. Napabuntong hininga si Tiara bago nagsalita.

"Ahmm ayos lang pero hindi kasi ako komportable sa sitwasyon namin" sagot ni Tiara at napabuntong hininga.

"Ayos lang iyan pero ayusin niyo na iyan. Balita ko may babae daw na nag-aaligid kay Harold" balita ni Kyla.

"Umaasa lang sa wala ang babaeng iyon" sabi ni Tiara at nag-flip hair bago humabol sa kanilang mga kasama.

Napatawa habang umiiling si Kyla habang patakbong hinabol sila.

"Shiro ba't di nalang tayo mag-portal ang layo kaya ng lalakarin natin" reklamo ni Greg.

"Hindi gumagana ang portal don ungak." sagot ni Shiro.

"Kaloka" sabi pa niya.

"Bakla kaba?" tanong ni Sunny.

"Huh? hindi noh!" pag-dedeny ni Greg.

"Defensive" bulong ni Faye.

"Uy hindi ah!!! Mahal ko nga itong si Sunny eh" sabi niya at inakbayan si Sunny.

Nagulat silang lahat sa sinabi ni Greg.

"Uy nakakahiya ka talaga" sabi ni Sunny at hinampas ang dibdib ni Greg.

"Mamaya na iyan loverbirds may misyon pa tayong dapat tapusin" sabi ni Faye at bumalik ang lahat sa normal. Kinakabahan na naman si Kyla patungkol sa kanilang misyon. Feeling niya may mangyayaring masama pero hindi niya mawari kung ano.

*

"Ano po ang inyong utos mahal na hari?" sabi ng kaharap ni Darkia.

"Fria, ikaw ang pinakatitiwalaan ko sa aking hukbo. Gusto kong bantayan mo ang mga batang iyon at obserbahan ang mangyayari. At pigilan mo silang magtagumpay" sabi ni Darkia.

"Ngunit papaano ko iyon gagawin?" sabi ni Fria.

"Kailangan mong hadlangan ang mga batang iyon sa pagdating sa Pillars. Dapat matuloy ang plano sa pagsira sa Magicea" sabi ni Darkia.

"Masusunod po" sabi ni Fria at tumayo. Nagulat ang dalawa ng pumasok bigla si Rhea.

"Mahal na hari hindi po makatawid ang ating mga tauhan, may mist na nabuo roon" balita niya. Napakuyom ang kanyang kamao.

"Huwag mo nang ituloy ang plano sa ngayon ay maghanda ang lahat ng kawal pati na ang mga estudyante natin." utos niya. Nag-bow si Rhea at lumabas na.

MAGICEA: Destiny Starts#PHTimes2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon