💙Chapter 5💙

127 5 2
                                    

Dedicated to -lovelymisszap-

'Everything happens for a reason'

===

Nagbago ng kulay ang buhok at mata ni Kyla mula sa kulay itim ay naging hazel nut ito at bagay na bagay iyon sakanya.

Napuno nang takot ang buong arena sa nangyayari ngayon. Mukhang sinagad talaga nila ang inosenteng si Kyla.

Itinuro niya gamit ang index finger niya ang mga halimaw at may naramdaman siyang isang sensasyon na ngayon lang niya naramdaman. at unti-unting may maliit na bola na kulay puti na may halong dilaw sa hintuturo at nabalot lahat ng matinding liwanag. Unti-unting nasisira ang mga upuan dahil sa lakas ng aura na pinapalabas niya at sa isang iglap ay nawala bigla ang mga halimaw at lumingon si Kyla sa mga estudyante. Pati ang mga head ng house ay ngayon lang nakaramdam ng ganoon kalakas na enerhiya.

"Try to mess with and you will face your death" diing saad ni Kyla. Lumitaw sa tabi niya si Destiny at binatukan ito at nawalan ng malay nawala nalang bigla silang dalawa. Natahimik ang buong arena ng ilang mga minuto at tumutok sa monitor kung saan lalabas ang level.

Nagulat sila ng sumabog ang monitor.

Pagkatapos ng naganap ay ipinagpaliban muna ang selebrasyon at inutusan ang iilang malakas na Earth Mage na ayusin ang arenang nasira at inutusan rin silang mas pagtibayin ang pag-aayos sa pagkakagawa ng arena para hindi na maulit ang nangyari

Habang ang mga estudyante na nakakita sa naganap ay kumain sa Cafeteria pero halata na natrauma sila sa ginawa ni Kyla sa arena at lahat sila ay pinag-uusapan iyon.

Agad na nagpatawag ng emergency meeting si Mr. Stone sa lahat ng Faculty members non-prof o prof.

Habang si Kyla ay mahimbing na natutulog sa kanyang kama at nag-iipon ng lakas.

Ramdam ang aura ni Kyla hanggang sa mga distrito. At bahagyang nagimbala ang pagkakabalanse ng mga dimensyon.

*

Halatang nahihirapan ang Presidenti sa pagpili ng desisyon tungkol sa magiging hantungan ni Kyla

"Hindi pwedeng manatili ang batang iyon dito!" galit na sabi ng isang guro

"Oo nga" sang-ayon ng ibang mga guro at pati na ang mga non-prof na mga members.

"Pero kaya nga nandito siya dahil dito niya lang matututunan ang pagkontrol sa kanyang kapangyarihan." saad ng isang propesor

"Pero magdudulot lang siya ng panganib saatin at sa mga estudyante!" katwiran ng isang guro. habang ang iba ay nanahimik at nag-iisip ng malalim.

"Kaya nga naipatayo ang akademyang ito upang tulungan ang mga katulad nating kontrolin ang kanilang mga kapangyarihan." banat ng isa pang guro.

"But our facilities can't handle her!" sabat ng isa pang guro. Napahilot ng sentido si Mr. Stone at patuloy na nakikinig sa mga nagsasalita.

Natigilan ang lahat nang yumanig bigla ang lupa. napahawak ang lahat ng guro sa mesa upang manatiling nakaupo habang ang iba ay nakatago sa ibaba.

Tumagal ng ilang minuto ang lindol na naramdaman hindi lang sa kanilang lugar pati na rin sa iba pa.

Pagkatapos ng lindol ay umupo muli ang lahat at ngayon si Mr. Stone na ang nagsalita.

" I've had enough, idaan nalang natin ito sa isang botohan" anunsiyo niya.

"Kung sino ang pabor na paaalisin si Kyla sa paaralang ito itaas ang kamay" sabi ni Mr. Stone at nagsimulang magtaasan ang kamay. Karamihan sa boto ay galing sa mga guro sa House of Water at binilang ang mga boto ng isang guro .

MAGICEA: Destiny Starts#PHTimes2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon