"ikaw, ou ikaw! Ikaw ung mahal ko."
Tpos bigla kung binaba ung phone, haaiii grabe nakakaewan. Haha, nakakatakot tuloy pumasok bukas.
Eto ko ngaun paakyat ng stairs, kinakabahan..
Ayan nasa door knob na ko, bahala na...pag ka open ko, lahat sila bumati ng happy birthday kala mo may fiesta. Haha, tapos nung nakita ko siya sobrang laki ng ngiti, parang wala nang bukas. For the whole day, lagi ko siang nahuhuling nakatingin sakin one time nga napansin siya ng teacher namin, sinabi niya na lng "tinitingnan ko lang po ung oras" kase na likod ung orasan eh, tapos nasa bandang likod din ako kaya ayun. Mamaya may party sa bahay namin, sabi niya naman pupunta siya edi happy!
Nung dismissal na hinihintay ko pa ung parents ko kasi halos lahat sila sasabay lang sakin papunta sa bahay eh, kaya habang hinihintay ko sila umakyat muna ko sa classroom cleaner kasi ung bestfriend ko.. Saktong nakasalubong ko naman si RJ naka civl na siya, tapos nung papasok na ko sa room hinarangan niya ko, punta ko sa right, punta din siya sa right. Punta ko sa left punta din siya sa left, then tumigil na ko tapos nag make face. Tumingin ako sakanya tapos nag smile siya, ayun binati ako ng happy birthday tpos pinadaan na din ako, ang bangoo niya. Haha. Pag pasok ko sa room, nagtatanung si Bea baket daw ako nakatawa, at namumula, sabi ko nalng mainet kasi..
After mga 10 minutes, tumawag na ung parents ko, andun na daw sila sa labas, tapos tinawag ko na ung mga classmates ko.
Sumakay na kami sa kotse, grabe parang field trip ang ingay tapos siksikan, pero masaya...
Nung nakadating na kami sountrip na pagkalakas lakas, chismisan at kainan. Pagkatapos kumain sempre may blow ng candle tapos open ng gift. Haha, alam ko matanda na ko para dun. yaan niyo na last na un...
Then isa isa na nilang binigay ung gift nila with matching message, si Kiyel ang nangunang nag bigay..
"hm, ayun happy happy birthday goodluck sa studies mo and ingat palagi"
After nun sempre andyan nanaman sila classmate na "ayieeeee"
Inopen ko ung gift, ang laki nung stufftoy, ang cute. Hehe.
Tapos ayun sumunod na ung best friends ko, tapos si RJ.
Binigay niya sakin tapos ang nasabi na niya lang "happy birthday" ayun lang, hinintay ko pa naman ung message niya, pero ayus na narin un, inopen ko ung gift niya pillow na may design na Winnie the pooh, haha favorite ko kasi un,..Ok, ou na ang childish ko. Hahaha. Hangang natapos na lahat magbigay, kanya kanya na kami..
Ung iba nag hahabulan sa labas, ung iba todo kain parin, ung iba chismisan..
Ako kasama ko ung bestfriends ko si RJ tiaka ung bakla kong kaklase, andun kami sa hallway naguusap, tapos mag nilabas ung parents ko na glowing stick ata un, bsta ung stick na nag gglow pag nakaoff ung ilaw, kumuha kami nun, tapos pinatay namin ung ilaw, para kaming bata nag sasayawsayaw..
Si RJ lumabas may kinuha ata sa bag, tapos pag balik niya may hawak siyang scissors, tapos ginupit niya ung stick, anu naman kaya balak nung lalaking un. Ang lakas ng trip.
Then ung lumalabas na tubig dun sa stick ginawa niyang pangsulat sa kamay niya tapos lumapit siya sakin, since nakapatay ung ilaw sempre nag goglow un, pinakita niya ung palad may nakasulat na.
I
<3
U
Grabe, sobrang kinikilig na ko nun, buti nalang naka off ung light. tinabig ko na ung kamay niya kasi baka may makakita..
After nun, napagod na kami isa isa na silang nag uwian.
Hangang nakauwi na silang lahat, hay grabe nakakapagod pero masaya.
Since February 10 ngaun, naalala ko Feb 14 ung valentines day malapit na din pala..
Feb 14 2010,
Pag ka dating ko may nakalagay na rose sa desk ko, hindi ko alam kung kanino galing un kasi wala namang letter or something.
Tapos maya maya lumapit sakin si RJ binigyan niya ko ng rose, so hindi pala sakanya gaing ung isang rose dito kanina, kanino kaya toh galing..
Un lang naman ung nangyari nung day na un, hindi ko rin napakita sa parents ko ung rose kasi alam ko namang magagalit sila.
Ganun parin kami ni RJ, pero ngaun level up na sia, haha. kasi ganto un..
Ung bestfriend ko magtatanung sakin
"ano mas gusto mo, tobleron or hersheys"
"hersheys"
Ayun, kinabukasan may hersheys na ko galing kay RJ, ang sweet noh.
Basta laging ganun, kaya nga minsna pag tinatanung ako ng bestfriend ko, wala nalng akong sinasagot kasi masyado nang madaming binigay saking si RJ.
Tapos eto pa, ang sweet den, its march 5
Umuulan, tapos wala kaming klase, kasi nag eexam ung ibang level, graduating students kasi kami kaya mas naunang mag exam.
Nakaupo ako sa isang sulok ang lamig kasi, tapos tumabi si RJ sakin..
Ung mga klasmate ko naman, finoforce si RJ na akbayan ako.
After how many years, naakbayan niya din ako, sobrang nanginginig ako nung time na yun hindi dahil sa lamig kundi dahil sa kaba, tapos pag paakbay niya nilapit niya ung muka niya sa tenga ko, tapos binulungan niya ko ng
"mahal na mahal kita..."
actually hindi bulong un eh, kasi narinig laht ng kaklase ko, after nun hindi ko na nakayanan tumayo na ko at nag walk out, grabe nakakakilig. Haha.
Pagkabalik ko, ung ibang lalake sinasabihan ako ng
"lagot ka ariel"
"lagot ka!!"
tapos tinanung ko naman kung baket, sbe nila.
"tingnan mo si Kiyel oh, umiiyak. " hala, andito nga pala siya nung nangyari un, lumapit ako sakanya sabe ko anung nangyari sayo, sabi nia wala masakit lng ung ulo ko, tapos yun tumayo tapos siya naman ung nag walk out..
Wala na din naman akong nagawa, hindi ko na sia hinabol kasi baka naman magselos tong si RJ.
Sa chat room..
Pag ka onine ko, ung status ni RJ umiiyak na emoticon.
Syempre piniem ko, tinanung ko kung bakit.
"ui, anu problema?"
"kasi..."
"anu?"
"lilipat ako ng school next school year.."
"hala, hindi pede.."
"sabi ng mom ko eh.."
"bakit dw?"
"kasi lilipat sia ng office, eh masyado nang malayo ung school natin dun, kaya lilipat nalang daw ako."
"ehh.."
"teka lang ah, brb"
Haii, nung nalaman ko un, halos mangiyak iyak na ko...
Kinabukasan, dala niya ung classpicture namin, tapos pinapasign niya, tapos pinapalagyan niya ng message..
Hindi ako nagsulat, kasi ayoko...
ayokong mawala siya....