Unlucky part 41

137 4 0
                                    

"BEEAAAAA!"

"oh? anung nangyare sayo?"

"beaa....basahin mo"

Un nalang ung nasabi ko, hindi ko na din napigilan un luha ko. Ang babaw ko no? parang un lang iyak na kaagad, kasi naman bakit kaylangan lumipat ng school? baket??

"what the hell! panu.....oh! baket umiiyak ka na..."

"panu yan?"

"gurl, ok lang yan. Madami pang paraan para magkita kayo. Eto oh, kausapin mo muna. handa ko lang ung food natin. Usap tayo mamaya"

Lumabas na siya at sinarado ung pinto

"hm, sure na yan?"

"ou eh..."

"panu yan?"

"hindi ko nga alam eh, partner hindi na kita makikita.."

"mamimiss kita :("

"mamimiss din kita, ngayon palang miss na kita...pero yaan mo gagawa ko ng paraan para makapasok bukas"

"aw, ok lang.."

"partner, wait lang ah. ingat ka.."

OFFLINE

Pagtapos nun, kumain kami ni Bea, naglaro, soundtrip, sumigaw, tumakbo hanggang sa napagod na kami at pumunta sa kwarto niya. Andito ko ngayon sa kama niya nakahiga habang siya andun sa harap ng internet.

"gurl, bisita ka lagi sa school ah.."

"ou naman"

"anu na nga palang status niyo ni papa Renz?"

"tlga to, may papa parin tlga. Hahaha!"

"sagutin mo nalang kaya"

"hm, MU."

"aw, swerte ka dun"

"haha, buti nga kayo ng dakila mong boyfriend mag kasama parin next school year"

"bleh!"

"ahh ganon"

Tumayo ako dahan dahan at sinimulan siyang kilitiin.

"arieeel!!! Hahahaha! tamaa na!! Hahahahah!"

Hanggang naawa na ko at tumigil. Haha.

"musta naman un buhok mo? mahangin sa labas? Hahahahah!"

"heh! sino kaya maykasalanan"

"sino kaya?"

"lam mo, mamimiss ko tong kabaliwan natin"

"hahaha! ako hindi!"

"ayyy!"

"joookkee! syempre ako din noh!"

"wag ka na kasing lmipat"

"hindi pede, nako parents ko pa"

"tsk."

Pagtapos nun, wala parin kaming tigil ni Bea, nag picturan, internet at kung anu anu pa. Mga 9 ng gabi na ko sinundo ng parents ko dito sa bahay nila. Antok na antok na nga ako eh, pero sulit naman. Bago ko matulog syempre nag pray. Pinagpray ko tlga na magkita pa kami ni Kuya Renz bukas...Sana tlga...Lord please... :)

KINABUKASAN

Aga kong nagising, ewan ko ba bakit. Bihira to noh, minsan ko lang maunahan tung alarm clock ko. Nahiga muna ko sa kama tutal maaga pa naman at nagisip ng kung anu anu. Nung naalala kong last day na toh sa aking pinaka mamahal na school nalungkot nanaman ako. Kinuha ko ung teddy bear na bigay ni kuya Renz at niyakap. Hanggang nag ingay na ung alarm clock ko. Hahaha, naligo na ko, kumain at pumasok

Pagpasok ko, ung mga tao nasa labas, may nakita kong barkada ni kuya renz. Ang alam ko hindi kasali toh sa recognition eh. Andun ung isa kong kaklase na hindi naman kasali sa recognition at grad.

"ui, baket kayo nasa labas?"

"hindi na binuksan nung gaurd ung room, kasi pag tapos daw mag practice uwian na"

"ah, kala ko ba hindi pedeng pumasok ung mga hindi kasali sa grad and rec."

"eh gusto ko eh, anu magagawa nila."

"haha! ok"

Talaga tong sa patrick, lalaki kasi eh kaya yabang pero mabait naman siya. Hanggang dumating na si Bea na nakapagpangiti sakin, kahit hindi siya kasali sa practice andito parin siya. Nakita ko ding dumadami na ung barkada ni kuya renz dito sa bench na busy sa paglalaro sa psp, pero wala pa siya...

Andito ko ngayon sa court, nag papractice. Mainet kaya nakakatamad. Nung nagpapractice na kaming mag march, nakita ko si Kuya Renz nangiti sakin kasama ung mga barkada niya nakasandal dun sa door nung canteen.Syempre nung nakita ko siya, nabuhay nanaman tung dugo ko. Kaso nga lang half day lang ngayon. Panu na yan...

Pagtapos mag practice, dumiretso ko dun sa waiting area andun kasi si Bea kasama ung bf niya, hindi ko nakita si kuya Renz, siguro nasa loob ng canteen

"ui, nung oras ka uuwi?"

"hm, maya pa siguro"

"pede, sumabay? pahatid sa bahay"

"sure"

Etong mag bf at gf na toh, malapit nang langgamin. Hahaha! Nakita ko si kuya renz, nakatayo dun sa gitna nung court. Masyadong malayo pero alam kong siya un, ako pa! Palingon lingon ung ulo niya, parang may hinahanap. Nakita ko kinuha niya ung phone niya tapos nilagay sa tenga niya. Sakto naman nag ring ung cp ko, ow! siya ung tumatawag

"hello"

"hm, san ka?"

"umuwi na po"

"huh."

"joke, haha andto po sa waiting area"

Tumingin siya dun sa may bandang waiting area kaya tinaas ko ung kamay ko.

"ayun"

"ahah, kita nyo na po"

"ou, haha punta ko dyan may sasabihn ako"

Ok po

WALK

WALK

WALK

"hm, malapit na kong umalis"

"ha?"

"may pupuntahan kami nung mga barkada ko eh, tyaka nagalit na din si mam miles"

"aw"

"lika lakad lakad muna tayo"

"ok po"

Haii, mamimiss ko talga toh...Kahit nagtitinginan na ung mga tao samin wala kong pake. Last day ko toh, yaan nyo na.. Nakailang pabalik balik kami hanggang..

"Renz, lika na"

"teka, mauna na kayo sa labas"

Naglakad na ung mga barkada niya sa labas at naiwan siya

"hm, panu yan alis na ko"

"ah eh.."

"hmmm" yumuko siya tapos kinamot ung ulo niya

"sige na po, baka magalit pa ung barkada nyo"

tumungo siya at ngumiti ..

"sige..."

pero nakatayo parin siya sa harap ko, pareho kaming nakatingin sa isat isa..

"hm, i...i....iloveyou"

Ngumiti siya for the last time, at tumakbo na palayo sakin.... Naiwan ako dun sa gitna magisa...Kinilig ako ou, kasi first time niyang mag iloveyou ng personal pero un na ung last...wala na. Bago siya lumabas ng gate, tumingin ulet siya saaking at nag wave ng goodbye. Malayo pero kitang kita ko....

Haii....

UnluckyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon