Naguguluhan na ko sa mga nangyayare ha, andito si kuya Renz na inimbita ako sa cotillion at nagbigay ng KFC, andito naman si Kiyel na naobsessed na ata at andito rin si RJ na super nagbago na..
Andito ako ngayon sa bahay ng kaklase ko, kasi gagawa kami ng music video. Mga 10 kaming magkakagrupo at isa na dun si RJ. Umagang umaga andun na ako kaagad na bahay ni Adya, kaso mamaya pa naman talagang hapon ung meeting namin. Pero nagulat ako kasi pagdating ko dun sa bahay nila andun si RJ hawak nanaman ang dakila nyang cellphone, tumingin lang siya nung dumating ako tapos nagconcentrate ulit sa cellphone niya. Anung oras palang, 8 : 50 mamaya pa silang lahat dadating mga 12. Well malaki ung bahay nung kaklase ko at nandito kami ngayon sa sala, soundtrip lang. Ung kaklase ko naman lakas ng trip.
"ariel, rj teka lang ah maliligo lang ako. Haha. aga aga kasi andito na kaagad eh"
"sorry naman diba, mamaya kana kaya maligo, natatake ko pa namn ung amoy mo eh"
"ah gnon, hindi pede. cge na babush." (tapos pumunta siya dun sa radyo at pumindot pindot.)
"eh! adya!"
"enjoy..." tapos sinarado niya ung pinto and guess what bago siya lumabas pinatugtog niya ung you and me. Ay bwiset. Ok ang awkward. Andun si RJ sa tabi ng radyo kaya wala akong gana pumunta dun. Alam ko na, lalabas nalang ako ayoko ng gantong moment.
lakad
lakad
lakad
Ahhh, i lock ba naman ung pintuan nako lagot ka saken mamaya adya, wala na kong nagawa kung hindi bumalik sa upuan. Anu bayan, nanahimik nalang ako duon habang si RJ ay wala paring pake.
"Cause it's YOU and ME and all of the people with nothing to do
Nothing to lose
And it's YOU and ME and all of the people
And I don't know why, I can't keep my eyes off of YOU"
Ayan kumanta nalang ako at sinabayan ung music, every time na may "you" and "me" na word nilalakasan ko. Haha para naman matauhan ung isa dun
"What day is it?
And in what month?
This clock never seemed so alive"
"so alive, so alive, wala atang alive dito! ay buhay! you and me pala ah!" Tapos nung narinig niya un, tumigil siya sa pagtatype
tapos
tapos
tapos
wala lang, hahaha. tapos ayun nag type ulet. Hanggang dumating na din si Adya after centuries.
"hoy, anu ba kayong dalawa pagkaalis at pagkabalik ko nandyan parin kayo sa pwesto nyo. Hello pedeng kayang gumalaw at magsalita."
"hello, angtagal mo kasing maligo."
"Connection, atleast mabango"
"whatever, hoy adya hindi pa tayo tapos, kala mo !"
"takutin ba ko, anu meron sa inyong dalawa ni RJ"
"wala!"
"weh, eh baket silent mode ata kayo ngayon, LQ ? LQ?"
"hinde!"
"ahh, alam ko na. dahil dun kay kuyaa.." (tapos tumakbo ako sakanya tapos tinakpan ung bibig niya tapos tiningnan siya ng masama)
RJ " sinong kuya" aba nagsalita den.
"wala"
Adya "si kuya renz"
"adyaa....!"
RJ "anu meron dun!"
"uh wala."
Adya "binigyan si" (tinakpan ko ulet ung bibig niya, ang daldal bwiset)
RJ " ano?! " hala ang highblood neto
"adya tumahik kananga, ganto kasi un... hm. uh, kasi."
Adya "ang bagal naman neto, ganto talga un, si kuya renz inaya si ariel"
"adya! sinabing tumahimik ka eh, ano kasi si kuya renz ung magiging partner ko sa cotillion, tapos binigyan niya ko ng kfc nung wednesday un lang." (tapos biglang nag iba ung expression niya) hindi siya nakapag salita ng mga 5 secs. tapos
"so? anu ngayon?"
"wala, sinasabe lang eh" (tapos nag walk out siya) saket nun ah, bakit wala na siyang pake saken, sino nga ba ko sakanya! naiines den ako kay adya kasi ang dal dal sinabing tumahimik na eh.
adya "uhm, oh ow."
"ewan ko sayo"
"sorry ariel"
"ok, pede bang dun muna ko sa kwarto mo?"
"ok cge"
"thanks"
Nakakabwiset tung araw na toh, makatulog na nga lang.
Pagkagising ko, andun na ung mga kaklase ko tapos ginawa akong paparazzi, puro picture wah nakakahiya. Si RJ naman biglang umalis tapos bumalik sa sa sala ata.
"ariel, ang cute mo matulog."
"ok?!?!"
"si RJ kanina pa nagbabantay sayo dito, haha puro titig"
"maniwala, tigilang niyo na nga ako"
Ayun nag umpisa na kaming gumawa ng MV...