Chat room again..
"baket hindi ka sumulat dun sa likod nung class picture?"
"ayoko.."
"bket?"
"wala.."
"hindi mo na ko mahal no, o baka naman wala ka ng paki saakin.."
"anu kaba, hindi un.."
"eh anu.."
"ayokong umalis ka, ok? Ayokong iwan mo ko kasi mahal na mahal kita.." tapos naglagay ako ng umiiyak na emoticon..
"w8 tatawagan kita.."
"wag na" too late nagriring na ung phone.
Phone convo.
"hello.."
"oh, umiiiyak kaba."
"hindi, may sipon lang."
"hindi nga.."
"ou nga.."
"kantahan nalang kita, gusto mo?"
"kaw bahala"
Ayun, kumanta nga siya...
"Cause it's you and me and all of the people with nothing to do
Nothing to prove
And it's you and me and all of the people
And I don't know why, I can't keep my eyes off of you"
Yan lang ung kinanta niya, pero ok na ko dun..
"salamat."
"ok lng, basta ikaw, ayan ha you and me."
"hehe, yeaa.. you and me"
"ou nga pala may sasabhin ako sayo.."
"anu un."
"Hindi totoong lilipat ako ng school."
"huh? Nde nga."
"joke lang un, gusto ko lang makita ung reaction mo.."
"angsama mo talga, nakoo kung hindi lang kita....."
"anu, kung hindi mo lang ako ano."
"wala, dyan kana nga, bad ka!"
"hep hep, remember, you and me..."
"heh. Bye na nga muna.."
"ok, iloveyou YOU!"
"iloveyou mo yang muka mo ME! Haha cge na bye"
Simula nun you and me na ung naging tawagan namin, naines ako sakanya, kasi joke lang pala yun, umiyak iyak pa ko. Haha. Pero sempre masaya.
Malapit na din ung graduation, ngayon hinde naman required na pumasok kaming graduates kasi mag papratice ung mga kasali sa recognition, pero pumasok parin kami. Haha. Wala pa yung teacher naming nun, tapos si Bea kasama yung bf niya nagpunta sa thirfloor eh ung floor na un, walang mga estudyante wala lang parang lalagyan lng ng mga kalat extra tables gnun gnun, may war kasi sila.ng bf niya kaya sila pumunta dun para mag usap..After ilang minutes tinawag ako ni bea, akyat din daw ako dun, pag akyat ko andun si RJ, bali kami lang apat dun, sakto naman pagdating ng teacher namin, grabe pagkakita niya samin nanlaki ung mata tapos pinapunta kami sa faculty..
Ayun sobrang nagalit, na disappoint lalo na sakin kasi ang alam niya daw iba ko sakanila ung simple lang at puro pagaaral lang ang inaatupag.
Inexplain ko naman na nandun lang kami para mag usap, at wala kaming ginagawang masama.
Sabe niya naman, bakit dun pa kailangan mag usap sa walang tao pede naman sa classroom.
Grabe galit na galit sia, tapos kami naman dalawa ng bestfriend ko sobrang umiiyak na..
Pagkatapos ng isang mahabang sermunan, sinabi niya sa isa naming kaklase na wag daw papalapitin si RJ samin pati ung boyfriend ni Bea, natatakot ako kase baka makarating un sa parents namin.
Graduation day.
Kinakabahan talaga ko,siyempre andun ung parents ko baka sabihin ng teacher ko, pero natapos ung day na ok naman, walang sinabe. Haaay. Nakahinga din..
Masaya naman ung graduation, masaya kasi sa aming mag bebestfriends walang lilipat nang school.
After nun, vacation. Yey! Umuwi kaming pilipinas, pero si RJ hindi, kaya matagal ko din siyan hindi nakausap, mga 2 months ata un. Pag balik ko sa States, dami ding nagbago sakin.
Umitim, pumayat lalo tapos nag pagupit pa ko ng buhok. !st year na, kaya dapt new look. Haha, connection.?!