11

5.9K 137 2
                                    

Agad kong pinahid ang luha ko bago pa mapansin ng iba huminga ako ng malalim at pilit na kong pinapakalma ang sarili ko. Alam kong wala na syang pakialam sa amin ni di nya nga kami hinanap sa sobrang yaman nya ay mahahanap at mahahanap nya kami kung ginusto nya man. Pero alam ko naman na wala talaga syang pakialam sa amin kaya di na sya nagabala pa baka nga tuwang tuwa pa sya na umalis kami wala ng pabigat sa kanya tignan mo nga kung gaano pa sya naging successful ngayon. Napangiti nalang ako ng mapait. Walang emosyon habang nililibot nya ang tingin sa paligid hanggang sa napasinghap ako nang makita kong napatitig din sa dereksyon ko.

Those familiar grey eyes, those cold stare that can make everyone chill just by looking at it.

Nakita ko ang gulat na rumihistro sa mukha nya. Napaiwas at nakayuko nalang ako di ko sya kayang titigan. Kinakausap sya ni Sir Charles habang ramdam ko ang matatalim nyang tingin.

Isa isang pinakilala ni Sir Charles ang mga empleyado umabot sa pwesto namin.

"And this, this the head of utility team Rob Santiago. This is Karding, Marta, Ana, Ando, Tony and Lena" Pakilala samin ni Sir Charles isa isa. Umuko lang ako at di pa din sya tinitignan.

"Lena? " Nagangat ako ng tingin nung bigkasin nya ang pangalan ko. Naguguluhang nakatingin ito kay Sir Charles.

"Yes Sir Lena Romero" Nawe weirduhang sagot ni Sir dito. Nakita kong napatiim bagang ito at ng titingin na sya sa akin ay agad akong yumoko.

"That explains" Madiin nitong sabi.

"Pardon Sir" Naguguluhang sabi ni Sir Charles.

"Nothing. By the wa----" Di natuloy ang sasabihin nito ng biglang nagtatakbo ang batang babae kanina palapit dito.

"Dad! Dad! " Masayang sigaw nito.

"Yes baby?" Malambing na tanong nito at lumuhod pa para mapantayan ang bata. Ngayon ko lang napansin na may kaunting pagkakahawig sila ng bata pareho sila ng labi at pilikmata ang ibang features nito ay kay Sheena na. Napangiti ako ng mapait sila nga bandang huli ang nagkatuluyan at makikita kong gaano nya kamahal ang anak nya kay Sheena base sa kung paano nya ito kausapin at halatang tuwang tuwa sya dito napangiti nalang ako ng mapait.

"Okay guys. You all did a great job. Let's call it a day" Masayang sabi ni Sir Charles. Doon ko lang ako nagising sa malalim kong pagiisip at doon ko lang napansin na dumidilim na, agad kong naalala ang mga bata. Dali dali akong nanakbo sa may dalampasigan.

"Hoy Lena hintay! " Rinig kong sigaw ni Ando kaya huminto muna ako.

"Ano? Bilis! " Atat kong sigaw dito.

"Oh nalalaglag mo" Inabot nya ang panali ko.

"Sus yun lang pala" Sabi ko. Sabay takbo ulit.

"Teka. Bakit ka ba nagmamadali?" Tanong nya at malumanay na din sa pagtakbo ko.

"Yung kambal maggagabi na baka hinahanap na ako nun" Sabi ko dito habang tuloy padin sa pagtakbo.

"Teka" Huminto sya sa pagtakbo at hinawakan ako sa braso para pigilan.

"Ano ba Ando. Hindi ngayon ang oras para makipagbiruan" May pagbabanta sa tunong sabi ko dito.

"'To naman ang sama ng tingin mo sakin. Sila yun diba" Sabi nito sabay turo sa dereksyon di kalayuan sa amin nakita ko yung kambal kasama si Ciro nagtatawanan sila. Si Kate ay nagtatago sa likod ni si Ciro habang hinahabol sya ni Klave si Ciro naman ay nakataas lang ang kamay habang tumatawa sa dalawa. Napangiti nalang ako. Nakakatawa silang pagmasdan. Naunang lumapit si Ando.

"Uyy! Mga tiyanak. Pre. " Bati ni Ando sa tatlo. Sinamaan sya ng tingin ng kambal at nakipagapir naman sa kanya si Ciro.

"Asan si Nanay?" Masungit na tanong ni Klave.

"Secret" Tumatawang sagot ni Ando sabay gulo ng buhok ni Klave na mas lalong ikinasimangot nito. Inis nitong tinanggal ang kamay ni Ando.

"Wag--" Di na tuloy ang sasabihin ni Klave ng magsisigaw si Kate.

"Nanay! Nanay! " Sigaw nito sabay takbo sa pwesto ko at niyakap ang bewang ko.

"Nanay! " Sigaw din ni Klave sabay takbo at yakap din sa bewang ko.

"Nagpakabait ba kayo? " Tanong ko. Na masaya naman nilang tinanguan. Tinignan ko si Ciro napapalapit sa amin. Inilahad ko palad ko na para lumapit sa akin si Ciro at yakapin ako.

"Alis na kami" Sabi ko kay Ando na tanging ngiti lang ang tinugon nya "Magbabye na kayo" Baling ko sa tatlo. Iningusan lang sya ng kambal na ikinatawa nya. Gaya kanina ay apir lang ang ginawa nila ni Ciro. Tapos nun ay lumakad na kami pauwi.

Pagrating namin sa bahay ay nandon na sila nanay at tatay pati si Ling at Andy.

"Kainan na!" Sigaw ni Andy pagkakita sa amin. Nagtatakbo naman sa kanya ang kambal at kumuha din ng plato at kutsara at pinaingay iyon.

"Kainan na~ kainan na~ " Kanta nila habang nagpapalibot libot sila sa may lamesa at minamakmak ang kutsara sa plano. Natatawang napapailing nalang ako sa kanilang tatlo. Nanonood lang kami ni Ciro ng biglang lumapit di Ling at batukan si Andy.

"Ang tanda tanda mo na ikaw pa prumotor" Singhal nito. Naikinasimangot ni Andy.

"Kj" Parang batang sabi ni Andy sabay upo.

"Kj" Panggagaya ng kambal at ginaya pa ang pagupo ni Andy.

Pagkatapos maghanda nila Nanay ay kumain na kami. Puro tawanan dahil sa kakulitan ng kambal ako naman ay ngumingiti lang napansin ata iyon ni Ciro kaya hinawakan nya ang kamay ko at nagtatanong ang mata na tinignan ako. Nginitian ko lang sya para sabihing okay lang ako. Pagkatapos naming kumain ay pinaglabar ko muna ang mga bata bago ko pinatulog. Nang masiguro kong nakatulog  na sila ay inalis ko muna ang pagkakayakap sa akin ni Klave at dahan dahang lumabas ng kwarto. Nandoon si nanay at Tatay sa sala agad akong lumapit sa kanila.

"Nay " Tawag ko dito. Agad itong lumingon.

"O anak. Bakit di ka pa natutulog? Maaga ka pa bukas ah" Sabi ni nanay.

"Nay gusto ko lang pong ipaalam kung pwede sainyo muna ang kambal bukas" Sabi ko.

"Sige ba. Makikisuyo ako kay Manang Elsa na kung pwede ay sakanya matulog ang dalawa balita ko kasi ay nasa Maynila pa ata ang dalawa nyang apo. Sa makalawa ang dating" Sabi ni nanay.

"Sige Nay salamat ah. Madami kasi kaming ginagawa sa resort nagyon EH dumating na ang bagong may ari" Sabi ko naikinabigla nila.

"Iba na may ari nun? " Tanong ni tatay. Tanging tango lang ang naging tugon ko.

"Sino daw ba? " Tanong ni Nanay. Agad akong napaiwas ng tingin.

"Di ko po alam" sabi ko sabay tayo na. Pagkapasok ko sa kwarto ay sunod sunod nanaman ang pagupo ng luha ko napaupo nalang ako sa kapag habang nakayakap sa may pinto. Tinakpan ko ang bibig ko para hindi makalikha ng ingay.

Di ko alam kong ilang minuto o oras akong umiyak napatayo lang ako ng magsimulang maglilibot ang kamay ni Klave at parang may hinahanap kaya tinabihan ko na sya at di ko napansing nakatulog na pala ako.

•••••

Itutuloy...

Edited 12/18/2020

Being Mrs. MonteverdeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon