28

6.2K 152 31
                                    

Third Person's POV

Nasa isang coffee shop hindi mapakaling titingin tingin si Andy sa paligid nakitaintimidate kasi ang dating asawa ng kanyang ate alam nyang hindi ito basta bastang tao lang nya pa nung maliit pa sya ay idolo na nya ito dahil sa edad na disenwebe ay tanyag na itong inhinyero at nakapagpatayo ng sarili nitong kompanya na walang kahit na anong tulong sa mga magulang at hindi lang iyon naging kilala sa Pilipinas maging sa buong asya at lihim syang natutuwa sa tuwing bumibisita sila ng mga magulang sa dating bahay nito nagsasama pa sila nung Ate nya kahit na laging malamig ang tingin nito sa kanila nakakatakot. Kahit Kinakakabahan ay napagpasyahan nyang magsalita nalang mukhang inaantay lang syang magsalita ng lalaki.

"Ahh. Mr. Monteverde mas mabuti pa po kung kay ate na manggagaling lahat ang masasabi ko lang po ay pumunta sya doon dahil may natanggap syang trabaho" Utal utal nyang sabi nakita nya na lalong pagkunot ng noo nito.

"How about Ciro? Why is he here? " Tanong nito.

"Ahh..nagaaral pa kasi sya di sya masama ni Ate pagkatapos ng pasukan ay susunod din kami agad doon" Sagot ni Andy. Tumango nalang si Kanvin saka tumayo. Habang naiwan si Andy na naguguluhan at di alam ang gagawin.

"Come on" Aya dito ni Kanvin ng makitang di ito umalis sa pwesto. Agad namang napatayo ng tuwid. "Relax. And you can call me Kuya " Walang ka ngiti ngiting sabi nito saka inilagay ang kamay nito sa braso bago naglakad patungong kotse. Lihim na napangiti si Andy pero agad nya ring inalis at pinaalalahanan ang sarili na galit sya dito.

Nagulat si Andy ng huminto ang kotse sa tapat ng paaralan ng pamangkin. Lahat ng tao na nandoon ay napatigil at napatingin sa kanila sino ba naman ang hindi ang gara ng kotse nito at hindi ito bagay sa gantong lugar.

"This is Ciro's school" Nakangiwi nitong sabi.

"Oo. Lagi nga syang naa-accelerate kaya ngayon kahit eight years old palang grade four. Dapat nga grade six na pero di na pumayag si Ate" Nagmamalaking kwento ni Andy dito. Nakita nila si Ciro na nakayukong magisa habang naglalakad.

"Let him be" Sabi ni Kanvin habang nakatitig kay Ciro nung akmang tatawagin ito ni Andy.

Nakita nilang may lumapit na tatlong bata dito at sa tingin nila classmate nito ang mga iyon. Napakunot noo si Kanvin ng makita nyang nakakuyom ang kamao nito at parang sumama ang timpla nung may sabihin ang nasa gitna. At sa hindi inaasahan ay bigla iyong sinuntok Ciro at pinaibabawan saka kwinelyuhan at saka sinapak ulit. Agad na napatakbo si Kanvin at Andy sa dereksyon nito. At agad na inawat ni Andy si Ciro ngunit nagpupumiglas lang ito at masamang ang tingin na ipinupukol sa kaklase na umiiyak na ngayon.

"Isusumbong kita sa Papa ko!" Umiiyak na sigaw nito.

"Go ahead coward" Madilim ang mukha na sabi ni Ciro namula naman sa inis ang sinapak nito at akmang susugod pa ay itinago na ni Andy sa likod si Ciro. Inis na itinulak ni Ciro si Andy saka mabibigat ang paa na naglakad palabas. Napahilamos nalang ng mukha si Andy.

'Punyemas bat ba kasi nagmana yung batang yun sa pinagmanahan nito? Ang tigas ng ulo at akala mo binata na kung umakto' Naiiling na sabi ni Andy sa isip.

Agad na tumakbo si Andy para sundan si Ciro habang si Kanvin naman ay naiwan at tinignan muna ang batang sinapak nito. Saka sinundan ang magtiyuhin. Nakita nyang nagtatalo ang dalawa at pilit na pinapaharap ni Andy si Ciro sa kanya.

"Bakit mo ginawa yun? " Kunot-noong tanong ni Andy.

"Because he deserves it" Salubong ang kilay na sabi ni Ciro. Habang sa kabilang banda ay nakapamulsa lang si Kanvin habang pinapakinggan at pinapanood ang dalawa.

"Sa tingin mo ba tama iyon Kalev? Paano pagmalaman 'to ni Ate? " Sermon ni Andy dito.

"She wouldn't, unless you tell her" Walang emosyong sabi nito. Inis naman na namewang si Andy.

"Kilala mo ba tatay nun? Wala tayong laban doon. Paano pag mag sumbong nga talaga yun. Kalev naman" Inis na sabi nito.

"I don't care" Sabi lang nito saka nagpatuloy sa paglalakad. Inis na napasabot nalang si Andy sa sarili.

'Di mo talaga maintindihan ang bubwit na yun' Inis na anang nito sa sarili. Saka sinundan si Ciro at ikinulong sa braso saka ginulo ang buhok. Asar na bumitaw si Ciro sa hawak nito saka natawa si Andy ng makitang mamula ang mukha nito.

"Immature. Isusumbong kita kay lola" Sabi ni Ciro saka tumakbo.

"Ano? Hoy bubwit bumalik ka dito! " Kunwari ay galit na sabi ni Andy saka hinabol ang pamangkin natatawa namang tumakbo din si Ciro palayo dito.

Hindi namalayan ni Kanvin na napangiti na sya habang nakatingin sa dalawang magtiyuhin na naghahabulan ngayon. Some how he felt contented and happy just by seeing and hearing Ciro's laughed and god knows how he badly wish that he was the one on Andy's place, he can even exchange all his assets just for that moment.

How he wish that it was him.

•••

Helaina's POV

Pagkababa namin ng eroplano ay agad kaming sinalubong ni Stephanie ihahatid nya daw kami sa tutuluyan namin para makapagpahinga na kami at bukas ay maaga syang pupunta para aayusan daw ako para pumunta sa Company. Puro tango lang ang naisagot ko sa mga bilin nito.

Pagkarating na pagkarating namin sa bahay ay lupaypay na nahiga ang dalawa sa sofa. Iiling-iling na inayos ko nalang ang higa nila pagod na pagod ang dalawa dahil sa panay suka ang mga ito. Tinatagan ko na nga lang ang sarili ko kahit na first time ko lang din makasakay ng eroplano. Naalala si Ciro agad kong dial ang number ni Andy pinahiram kasi ako ni Gina ng cellphone para may contact ako sa kanila. Unang tawag ay di ito sumagot. Baka may ginagawa lang. Sa pangalawang tawag na ito sumagot.

"Hello Andy? Nandito na kami kakarating lang namin. Si Ciro tulog na ba? " Sabi ko. Wala akong narinig sa kabila kundi ang malalalim na paghinga nito. "Andy Hoy! " Tawag ko ulit. Pero wala pa ding sumasagot. Kinakabahan na ko baka kung may kung anong nangyari. "Magsalita ka naman oh kinakabahan na 'ko. May nangyari ba? Si Ciro? " Nanginginig ang boses na sabi ko. Ilang minuto na wala pa ring nagsasalita. Parang umurong ang luha ko at nanigas ako ng marinig ang boses na yun.

"Helaina" Malalim ang boses na sabi nito di ko matukoy kung galit ba sya o ano.

"Kanvin. Ahh.. ehh. I'm sorry di ko nasabi sayo agad nandito na kami sa Manila. Wala ka kasi di ko alam kung paano ka kokontakin" Kinakabahan na sabi ko.

"I'll see you tomorrow give me your address to the number that I'll send you" Kalmado ang tuno nitong sabi.

"Si Ciro? " Tanong ko.

"He's okay. He's with me and he's already fast asleep don't worry" Sabi nito.

"Okay salamat. Good night " Sabi ko nalang saka binaba ang tawag.

•••

Itutuloy...

Being Mrs. MonteverdeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon