13

6.1K 136 5
                                    

Gaya ng nakagawian ay sabay sabay ulit kaming kumain pagkatapos nun ay bumalik na ulit sa kanya kanya naming trabaho. Saktong alas singko ay natapos ko na ang mga gawain. Niligpit ko na ang mga panglinis na ginamit ko at pinunasan ang pawis ko gamit ang mga kamay habang naglalakad sa hallway. Nakakapagod parang mas dumami kasi mga gawin ngayon. Nagulat ako ng may humila sa akin sa akin akmang sumigaw palang ako ng takpan nya ang bibig ko at hinila ako papuntang storage room. Tinanggal nya na ang kamay nya sa bibig ko pero hawak nya pa din ang dalawa kong kamay, di ko makita ang mukha nya dahil napakadilim ng paligid.

"S..si.. sino ka? Ano.. anong ka.. kai..langan mo sakin? " Kinakakabahan kong tanong. Ramdam ko ang malalim nyang paghinga sa leeg ko at ang amoy nya parang pamilyar.

"You smell the same" Bulong nito sa tenga ko agad na nagtindigan ang mga balahibo ko sa batok at parang malakinga ako ng maluwag ng malamang si Kanvin lang pala iyon. Pinilit ko syang itulak pero parang wala lang iyon at mas nilapit nanaman nya ang sarili nya saakin.

"Ano nanaman ba to Kanvin? " Pagod kong sabi at di na nagpumiglas pa wala din namang mangyayari isa pa pagod at gutom na ako wala na akong lakas idagdag mo pa ang panlalambot ng mga tuhod dahil sa sensasyon na hatid ng pagkakalapit namin ni Kanvin.

"Let's talk" Sabi nito.

"Naguusap na tayo" Walang gana kong sabi.

"No. What I mean is I want to talk to you properly" Sabi nya naramdaman kong lumuwag na ang kapit nya sa akin.

"Ano pa ba ang dapat nating pagusapan? Gusto mong makita si Ciro? Sige payag ako pero wag muna ngayon hahanap muna ako ng tyempo para masabi ko to sa kanya" Sabi ko sabay tulak sa kanya. Napalayo sya ng kaunti sa akin.

"I want the full custody of my son" Matigas nyang sabi na ikinanganga ko. Sandali kaming natahimik. Lumapit ako sa kanya at malakas ko syang sinampal.

"Ang kapal talaga ng mukha mo! " Nagngingit ngit na sigaw ko di ko na pinansin ang pamamanhid ng kamay ko sa lakas ng sampal ko sa kanya. "Walang hiya ka! Baka nakakalimutan mo nga ginawa mo sa kanya! Ang kapal kapal talaga ng mukha mo. Wala kang karapatan sa kanya! " Nanggigigil na sigaw ko.

"I remember all of it. I know what I've done was unforgivable, that's why I'm here to recoup my mistakes. I want to give him what a Monteverde deserve and that will only happened if he is in my custody. I can give him all what he needs, what he wants, I can even give the world if he wish to. Let me ask you what else can you give aside of you're always stay by his side with this job of yours?" Sabi nya naikinatahimik at nanaliit. Alam ko yun bukod sa pagmamahal ay wala na akong maibibigay pa sa kanya na sa murang edad ay nagtratrabaho na sya para makatulong sa akin. Masakit ang makitang di ko man lang maibigay ang lahat ng mga pangangailangan ng mga anak ko kahit anong pagsisikap ko at wala akong magagawa dahil wala akong natapos. Pero mas masakit ang ipamukha sayo mga pagkukulang mo.

"Tapos ka na?" Garalgal ang boses kong sabi. "Pwede na ba akong umalis? Pagod na ako" Sabi ko at di ko na sya inintay na magsalita pa agad na akong lumabas at tumakbo di ko alam kung saan ako dinala ng mga paa ko. Napasandal nalang ako sa may pader at doon umiyak.

Ewan ko kung ilang oras ako doon. Nang mahimas masan ako ay napagpasyahan ko ng umuwi.

Pagkadating ko sa bahay ay madilim tanging kandila lang ang nagsisilbing liwanag.

"Anong nangyari? Bakit parang tayo lang ang walang Ilaw? " Tanong ko.

"Naputulan tayo anak. Tatlong buwan na tayong di nakakapagbayad. Kumain ka na kaya tapos na kami ayaw sumama saamin ng mga anak mo hihintayin ka daw nila" Sagot ni Nanay.

"Nanay! " Sabay sabay nilang sigaw at nag-unahang yumakap sa akin. Natawa naman ako saka niyakap at hinalikan ko sila isa isa.

"Nanay! Nanay! Naglatag at kinabit na po amin ang kulambo para di nyo na po gawin yun sabi ni Kuya" Pagmamalaki ni Klave.

Being Mrs. MonteverdeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon