34

5.6K 157 27
                                    

Pagkapasok nila Kanvin at Kate natigalgal si Kanvin sa eksenang naabutan nya sa loob ng kanyang opisina. Nadatnan nyang hinahabol ni Kathlain si Klave na tawang-tawa na tumatakbo at may hawak na papel. Di naman magkandaugaga ang yaya ni Kathlain kakasaway sa kanila habang katulong nito ang sekretaya nya sa pamumulot ng papel na nagkalat sa sahig. Si Ciro naman ay tahimik lang na nasa table nya at nakaupo sa swivel chair habang may kung anong kinakalikot sa loptop niya.

"Shit! The documents! " Bulalas ni Kanvin at napapikit nalang para maiwasang sumigaw.

"Sali ako! " Sigaw ni Kate saka bumitaw sa hawak nya at nagtatakbo sa may sofa nandoon na kasi ngayon ang dalawa at nagpapatentero.

"Oh~ Fuck! " Nasabi nalang ni Kanvin sa isip. Napakamot nalang sya sa kanyang batok habang pinagmamasdan ang tatlo na tumatakbo palibot habang nagbabatuhan at nagtititila, dagdag pa sa nakakahapdi ang mata nya ang pangungutingting ni Ciro sa laptop niya. Nandoon lahat ang mga pinaka importanteng files and documents. Gustuhin man nyang sumigaw pero inisip nya na baka matrauma ang mga bata at lalong mas mahirapan syang kunin ang loob nito.

Pikit matang nyang pinayuhan ang sarili uulitin nalang ulit lahat ng napinsala ayos lang yun madali lang. Sobrang dali lang naman nun, ilang araw lang naman sya magpupuyat at mago-overtime. Napabuntong hininga nalang sya.

Humahangos na lumapit sa kanya ang yaya ni Kathlaine, kasunod ang secretarya nya na isang sagi nalang paiyak na. Magsasalita palang sana ito ng pigilan nya at sininyasan niyang umalis na.

"Daddy!" Sigaw ni Kathlaine at saka tumakbo palapit kay Kanvin at agad na yumakap sa binti nito. Nakita nyang tumigil sa kanya kanyang ginagawa ang tatlo at napatingin sa kanila.

Agad syang inirapan ni Klave na nakasimangot na tinapon ang papel na hawak nito at upo sa sofa.

Napatingin sya kay Ciro na ngayon ay nakatingin din sa kanya. Baliwalang nagiwas lang ito ng tingin at saka bumababa sa upuan at saka hiwakan at giniya paupo sa sofa kung saan naroon si Klave. Ngayon pinagigitnaan si Kate ng dalawa. Nabaling lang ang atensyon nya kay Kathlaine nung magsalita ulit ito.

"Daddy! Kuya Klave is making fun of me. He said I'm pangit daw and may buhok daw is parang sa manananggal. Para daw po akong kalahi ng aswang. That's not true dad right? I'm not a monster" Sumbong nito na halos paiyak na.

"Shhhh. Hush now baby. Your Kuya is just teasing you" Hinawakan nito ang kamay ni Kathlaine at iginiya paupo sa sala kung nasaan naroon ang tatlo. "Hey, bored already? Do you want to go shopping? There's a mall near by. I'll buy you all you want" Nakangiting at may malambing na boses na yaya ni Kanvin sa mga anak.

"It would be better kung doon malapit kay nanay" Masungit na sabi ni Klave habang inaamoy amoy ang buhok ni Kate.

"Deal. Come on" Nakangiti pa ring sabi ni Kanvin.

"Diba po may pipirmahan pa kayo?" Kunot noong tanong ni Kate mas lalong ikinalaki ng ngiti ni Kanvin. In his eyes his daughter look really so adorable.

"Don't mind it. It's not that important. Come here sweetheart" Malambing na aya nito kay Kate dali dali naman lumapit si Kate sa ama at humawak sa kamay nito kasunod nya lang ang nakasimangot na Klave na nahila ni Kate dahil magkahawak sila ng kamay.

"Kuya tara na po! " Masigla sabi ni Kate sa Kuya Ciro nya na masama ang tingin kay Kanvin habang nakaupo pa rin sa sofa.

•----------•

Hawak ni Kanvin si Kathlaine at Kate sa magkabilang kamay habang nasa likod lang si Ciro at Klave. Nakaakbay si Ciro kay Klave na pareho seryoso ang mukha. Kanina pa sila agaw pansin pagbaba na pagbaba palang nila bukod sa limited edition na sasakyan ay may isa pang van na nakasunod at lulan doon ang apat na bodyguard na kasabay nilang bumaba. Agaw atensyon rin ang kigaganda at gwapong mga bata na hindi maipagkakailang carbon copy lang ni Kanvin.

Being Mrs. MonteverdeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon