14

6.1K 133 7
                                    

Di na ako nakatulog kakaisip kay Ciro napagpasyahan kong lumabas nalang sinilip ko ang kwarto nila nanay ngunit wala sya doon pati sa kwarto nila Ling at Andy ay wala siya doon maging sa Cr. Nilibot ko na ang buong bahay pati sa labas ay wala din sya doon. Kinakabahan at naiiyak na ako ginising ko sila nanay at tatay maging si Andy at Ling.

"Si Ciro. Si Ciro nawawala" Di mapakaling sabi ko habang umiiyak paro't parito ako di ko alam kung saan maghahanap. Feeling ko mababaliw ako pag di sya na hanap ang daming senaryo ang naglalaro sa isip ko.

"Teka. Huminahon ka nga ano bang nangyari? " Tanong ni Tatay.

"May pinagtalunan kami. Akala ko okay lang tatakbo lang sya sa inyo kaya di ko agad sya sinundan pero pagkalabas ko ng hanapin ko sya sa buong bahay ay di ko sya makita" Umiiyak kong sabi niyakap ako ni Ling.

"Diyos ko! " Pati si nanay ay natatakot na din mukha na din syang maiiyak. Inalalayan sya ni Tatay.

"Dito lang kayo kami na ni Andy maghahanap sa kanya" Sabi ni Tatay habang inuupo si Nanay.

"Sasama ako Tay" Sabi ko saka pumasok sa kwarto at kumuha ng jacket di na ako nagabalang magbihis isang sando manipis at cotton short na maikli lang ang suot ko na pinutungan ng jacket di ko na yun pinagtuunan ng pansin, maging ang itsura ko ay di ko na pinag kaabalahang ayusin ang nasa isip ko nalang ay mahanap agad si Ciro.

Pagkalabas ko ay nasa tricycle na sila tatay tumakbo na ako palapit sa kanila. Lahat ng pwedeng puntahan ni Ciro ay pinuntahan na namin maging school nya sa ng guard doon ay wala daw syang napansin.

Maguumaga pero di pa din namin sya mahanap di pa kami matulungan ng tanod at pulis dahil di pa lumilipas ang benta kwatro oras. Nanghihina na ako, sa kaba. Nang maalala ko si Kanvin.

"Tay sa resort po tayo" Sabi ko.

"Huh? Di sya makakapasok don. Mahigpit ang siguridan doon" Sabi ni tatay.

"Basta po doon tayo" Nagmamadaling sabi ko. Agad na pinaharurot ni Tatay ang tricycle papunta sa Resort. Pagkarating namin doon ay agad akong bumaba.

"Uyy Lena bakit nakaganyan ka lang? " Gulat nyang tanong ni Mang Lino ang guard. Di ko sya pinansin at gad akong pumasok. "Uyy teka" Di ko sya pinansin tuloy tuloy langa ako sa paglalakad. Nakita kong pinagtitinginan na ako ng mga katrabaho ko pero wala akong pakialam.

"Lena!" Gulat na sabi ni Ana ng makasalubong nya ako kasama nya sila Tony at Ando. "Uyy! " Tawag nya ng di ko sya pinansin.

"Anong problema nun? " Rinig kong tanong ni Ando.

Nang makarating ako sa floor nila Kanvin ay tinakbo ko na yun at malakas kong kinatok.

"Fuck! Wait up! " Inis nitong sabi at halatang kakagising lang. Marahas nyang binuksan ang pinto.

"Heleina! " Nawala nag inis sa ekspresyon nito at napalitan ng pagkagulat. Pinadasahan ng tingin ang katawan ko at nakita ko syang napalunok.

"Kanvin si Ciro" Umiiyak kong sabi.

"What happened? " This time ay nakakunot na ito ng noo.

"Si Ciro, si Ciro" Paulit ulit kong sabi at manginginig na ako sa takot.

"Hey relax. Tell me what happened " Sabi nito at matuyo nya akong giniya papasok.

"Si.. sinabi ko sa kan..ya yung a.. bout sayo. Nagalit sya uma.. lis sya akala ko okay lang na kaila nanay lang sya pu.. pupunta pero nung hana..pin ko sya doon pa.. ti sa buong ba.. hay di ko sya maha..mahanap" Pautal utal na sabi dahil sa paghikbi ko. "Hanapin natin sya please. Tulungan mo ko. Lahat ng gusto mo gagawin ko ibalik mo lang sya sakin. Please please baka kung ano mangyari sa kanya" Pagmamakawa ko. Habang mahigpit ang hawak sa kanya.

Being Mrs. MonteverdeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon