4

6.4K 141 1
                                    

Helaina's POV

Nagulat ako nang may maliit na kamay na yumapos sa bewang ko. Natapon pa yung sauce na nasa kutsara na titikman ko sana.

"Ano ka ba naman Ciro.Jusko! Aatakihin ako sayo" eksahirada Kong sabi , naikinatawa lang ng bubwit.

"Nay ano po niluto niyo? " Tanong niya sakin habang nakayakap pa din sa bewang ko at nakatingala.

"Hulaan mo favorite mo at kulay orange" nakita kong nanlaki ang mata niya saka sumigaw ng

"Kwek-kwek! " Dali-dali siyang tumakbo para kumuha ng upuan, nang makatungtong na siya at agad niya kumuha ng tinidok. Tutusok na sana siya ng bigla kong paluin ang kamay niya.

"Mamayang meryenda na. Kumain ka muna ng kanin, katapos matutulog ka muna at pagkagising mo pwede ka ng kumain" nasimangot siya sa sinabi ko.

"Nay isa lang naman eh titikman ko lang please po, please po" sabi pa niya habang makalapat ang dalawang palad at nakapuppy eyes pa.

"Sige pero isa lang huh" sabi ko pa sakanya. At sa sobrang tuwa at niyakap niya ako at hinalikan sa pisnge. Hayy makita ko lang masaya ang anak ko kuntento na ko. Makita ko lang siyang nakangiti nawawala ang bigat na nararamdaman ko. Saka ko sya pinakain ng tanghalian.

-----------------------------

Alas tres na nasa kusina pa din ako naghuhugas ng mga pinagkainan naming magina at mga ginamit kong utensils, di ko kasi naasikaso kanina nakipagkulitan pa kasi si Ciro hanggang sa di ko namalayan nakatulog na din pala ako.

Matapos kong maghugas ay ininit ko na yung kwek-kwek maya maya kasi magigising na si Ciro.

"What's that? "

"Ay kabayong panot! " Nasabi ko nalang dahil sa gulat.

"What? Do I look like a horse? " Nilingon ko siya at nakita kong naka king salubong nanaman ang dalawalang kilay niya. Anong ginagawa niya dito? Pinasadahan ko ang kabuoan niya at nakita kong nakapangbahay lang Ito at magulo ang buhok at mukhang kakagising lang.Di siya pumasok?Aba himala.

"Huh? Ah hindi. Sorry na gulat lang talaga ako" parang tanga kong sabi, di pa din kasi ako makapaniwalang nandito siya, I mean halos di yan umuwi ng bahay uuwi lang yan pag gustong maglabas ng init ng katawan at kung may kukunin.

"Tss" parang bagot nitong sabi at kumuha ng tubig sa ref, tsaka umupo sa dining. Agad ko namang pinatay ang kalan at Dali daling kumuha ng plato, baso, kutsara at tinidor, ngayon palang kasi ito maghahapunan. Hinanda ko na din ang kakainin niya ganon siya eh kailangan siyang pagsilbihan pag kakainin ayaw niyang siya ang tatayo para sa sarili niya. Nung kumakain na siya at agad king sinara yung iniinit kong kwek kwek at nilagay sa mangkok at hinanda ko na din ang sauce.

Maya maya lang ay bumaba na si Ciro tanaw na tanaw ko ang malalawak niyang ngiti at ang biglang pagkawala nito ng masilayan ang amang natigilan sa pagkain dahil sa ingay niya. Nakatingin ito sa kay Ciro ngunit di lang pinansin ng huli at agad na lumapit saakin ay yumakap. Nahagip ko namang sinundan ng tingin ni Kanvin ang anak. Ramdam kong nakatingin na ito sa amin ngayon.

"Oh magmeryenda ka na, ayan na" nakangiti kong sabi sakanya habang hinihimas himas yung pisnge niya habang nakayakap pa din ito sa bewang ko.

"Oo nga pala!Yehey!" sigaw nito at Dali daling bumitaw saakin at kumuha ng upuan para tumungtong saka nilantakan ang kwek kwek, napailing nalang ako sakanya ang dungis na agad.

Nilingon ko si Kanvin at nakita kong nakatingin ito sa anak namin at napatingin sa akin.

"Ah... Eh.. Gusto mo? " Di makatinging alok ko sakanya ng kwek kwek sa taranta ko bigla kasi akong nahiya nung magtama ang mga mata namin.

Akala ko ay aalis na siya nung bigla siya tumayo tapos na din kasi siyang kumain. Pero nagulat ako nung bigla siya lumapit sa amin sabay tanong ng...

"What's that? " Parang nandidiri pa itong nakatingin doon.

"Kwek kwek. Try mo masarap to promise" sabi ko sakanya at dali daling kumuha ng platito at tinidor saka nilagyan ng tatlong piraso at inabot sa kanya "Sawsaw mo sa sauce para mas masarap" nahihiya ko siya nginitian.

"Nay ayaw niya po wag niyo ng pilitin, kaya ko naman po tong ubusin eh" nakasimangot na sabi Ciro saka inungusan ang ama. Tiningnan ko siya na parang sinasabing tumahimik na ito, mukhang naintindihan naman kaya bumalik na ito sa pagkain.

"Ah kung ayaw m---" di natapos sasabihin ko ng bigla niyang kunin sakin yung platito, tinignan niya munang kung pano kainin ni Ciro nung nalaman na niya ay saka siya tumusok ng isa at sinawsaw sa sauce. Nakatingin lang kaming magina sa kanya. Napanganga kami nang kumuha pa siya ng isa pa at isa pa at isa pa hanggang sa di na namin mabilang.

Napatigil ito sa pagsubo at napatingin sa amin ng makitang nakatanga lang kami sakanya "What? " Nakakunot noong tanong nito samin.

Nang marealize niyang andami na niyang kinain ay napaiwas ito ng tingin at biglang binitawan ang tinidor "I'm done" sabi niya saka tumayo na.

Nagkatinginan kami ni Ciro at napahagikgik nalang.

"Tama na yan andami na ng nakain mo, sabi mo tutulungan mo akong maglaba" mas lalo akong natawa nung sumimangot siya kamukhang kamukha niya kasi talaga tatay niya.

-------

"Nay hahaha you look like the friend of George, the gorilla haha" sabi niya nilagyan niya kasi ng bula yung ilong ko. Kasalukuyan kasi kaming naglalaba nagayon at ayun nga and bubwit imbis na mapadali trabaho ko at mas lalo lang pinatagal dahil sa maglalaro. Napailing nalang ako ng makitang basang-basa na sya.

"Hubarin mo na damit mo at ipasok mo na sa washing machine. Halika dito paliguan kita, basang-basa ka na oh, baka magkasakit ka" sabi ko sa kanya na ikinasimangot nya.

"Nay kaya ko na pong maligo magisa.Big boy na po ako. Tapos pag maging successful business man na ako magpapagawa ako ng malaking-malaking bahay mas malaki dito at mas maganda kaysa dito na may madaming-madami na maid, di nyo na po kailangang maglaba,maglinis kasi mukhang pagod na pagod po kayo maglinis ng buong bahay sa sobrang laki at lagi pa kayong puyat. Ayoko ng ganon, ayukong napapagod ang pinakamagandang nanay sa buong mundo" mahabang sabi nito na may kasamang action na parang nanghihikayat talaga na magagawa nya yun. Napatawa nalang ako sakanya.

"Mr. Kalev Ciro Romero Moteverde future CEO. Please proceed to the bathroom and take your bath already kasi ang asim mo na" natatawa pa ding sabi ko.

"I'm not a Monteverde. RO-ME-RO is my surname. Bye nay" sabi nito sabay nagtatakbo papuntang cr. Napabuntong hininga nalang ako.Alam ko namang may galit sya sa ama nya at di ko sya masisisi, niminsan kasi di manlang sya hinawakan o tinignan man lang ng ama nya.

EDITED 12/17/2020

Being Mrs. MonteverdeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon