40

6.5K 168 64
                                    

P L U G

"Lazarus! Patayin mo na yung tubig! " Nagtitimping sabi ko.

"Mama, ligo pa po" Matamis ang ngiting sabi niya habang nagtatampisaw sa shower area.

"Magtigil ka, tapusin mo na yan ang dami dami mo nang nasasayang na tubig" Inis na sabi ko at pinandilatan pa siya ng mata para di na magsalita, mas napanguso at pinatay na nga yung tubig.

"Towel po Mama" Mahinang sabi nito at malamlam pa ang mata habang nakatingin sa akin, alam niyang galit ako sakanya kaya nagpapaawa siya. Kinuha ko na ang Spiderman towel niya at pinasan na siya, ako na rin ang nagsuot ng damit niya.

Nung maayos na siya ay binuhat ko na siya palabas ng kwarto.

"Good morning po!" Nakangiting bati nito  kay Ate Hilda.

"Good morning din Laz" Bati ni Ate Hilda pabalik. "Ang kyot kyot at ang pogi talaga ng anak mo Mari pero wala atang nakuha sayo" Malawak ang ngiti na bulong ni Ate Hilda sa akin, siniguro niya talagang hindi rinig ni Laz.

Sa tatlong taon simula nung bumalik ako hindi pa bumisita si Donya Esperanza at Senyorito Zacharias na labis kong pinagpasalamat. Hindi pa ako handa na makaharap sila lalo na si Senyorito Zacharias.

"Mama baba po aku" Ungot ni Laz pakatapos nitong kumain.

"Mamaya na upo ka muna diyan mamaya maglililikot ka nanaman sasakit nanaman ang tummy mo" Pangaral ko.

"Bad ka po Mama di kita friend" Nakasimangot na ani nito. Hinarap ko ito ng nakapameywang.

"At bakit? " Tanong ko.

"Una di mo ako paliligo tapos ngayon di mo ko papalaru bad ka po, bata pa po aku dapat lalaro aku" Parang matanda na pangaral nito at nilahad pa ang kamay para ipamukha sa akin ang mga naging kasalanan ko sa kanya.

"Aba Lazarus magtigil ka, di mo ako madadaan sa ganyan. Isang oras ka diyan!"

"Ang tagal naman, 15 minutes Mama ku"

"Isang oras Lazarus"

"Mama 20 minutes"

"40 minutes"

"Sige 30 minutes last na yun Mama" Hindi na maipinta ang mukha nito.

"Sige 30 minutes" Pinilit kong itago ang ngiti ko dahil sa nakabusangot nitong mukha.

Agad na akong naghugas ng gatambak na hugasin habang tinignan tignan si Laz na mga prutas na yung kinakalikot ngayon center island.

Matapos kong maghugas ay hindi na nakatiis ang bubwit at nagpapabuhat na pababa nagalburuto pa nga ito at inaway ako nung hindi ko siya pinagbibigyan sa gusto niya. At dahil sa kaingayan niya at sulsul ni Ate Hilda ay pinagbigyan ko din.

"Si baby Laz! Mukhang naligo na ah" Rinig ko ang boses ni Amboy siya yung regular na nagdedeliver ng bigas at tubig inumim sa mansyon.

"Hindi na nga aku Baby!" Bakas ang pagkaasar sa tuno ni Laz, siguradong ang sama na ng tingin nito sa kausap. Rinig na rinig ang malakas na tawa ni Amboy dahil sa naging tugon ni Laz.

"Aray! " Rinig kong sigaw niya kalaunan paglingon ko sa pwesto nila ay namimilipit na si Amboy habang hawak ang hita.

"Lazarus!!!" Malakas na sigaw ko hindi ako nito nilingon at nagtatakbo lang palabas. Agad kong nilapitan si Amboy. "Naku ayos ka lang? " Tagaalalang tanong ko dito.

"Ang lakas talagang manuntok nung anak mo pwede na sa boxing" Ani nito habang nakangiti, mahinang sinuntok ko siya sa braso.

"Sira, ikaw naman kasi sabing wag mo na siyang tatawagin na Baby alam mo na ngang nanununtok sige ka pa rin"

"Ang kyot nung anak mo eh naaalala ko sa kanya si Senyorito lalo na pagnaaasar" Natameme ako sa sinabi niya, pekeng tumikhim.

•••

Title of The Story:
Beautiful Mistake

Just check my Profile
Thanks!

Being Mrs. MonteverdeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon