41

6.1K 95 35
                                    

Nagising si Kanvin dahil sa mga kaluskos at mahihinang hagikhikan at bulungan na naririnig.

"Tutulog siya Kuya" Rinig niyang mahinang sabi ni Kate.

"Kaya wag kang maingay" Sabi naman ni Klave.

"Baka hungry na kasi siya tapos na si Nanay magluto hungry na din ako" Nakangusong reklamo ni Kate.

"Ako din" Sigunda ni Klave. Doon na binuksan ni Kanvin ang mga mata saka umupo sa sofa na hinigaan niya, kita niya na bahagyang nanlaki ang mga mata ni Kate.

"Nanay gising na siya!" Sigaw ni Kate

"Ginising niyo kasi!" Paratang na Helaina sa dalawa na agad na inilingan ng dalawa.

"Indi ah!" Mabilis na tanggi Kate at Klave.

"Tara kain na nandito na si Kathlaine, Sorry sa dalawang 'to kung nagising ka sa ingay nila" Hinging paumanhin ni Helaina.

"No it's okay" Tipid na ngiti lang ang binigay ni Kanvin.

"Ako na nga pala ang maghahatid sa kanila wala kasi akong pasok ngayon" Imporma pa ni Helaina na tinanguan lang ulit ni Kanvin nagtatakang tinitigan niya ito saka niya lang napansin na namumungay ang mga mata nito at namumutla din ito.

"Asyos ka lang?" Tanong ni Helaina at akmang lalapitan niya na ito nung maunahan siya ni Ciro.

"Here water" Casual na sabi lang nito binigyan ito ni Kanvin ng tipid na ngiti saka inabot ni Kanvin ang baso at agad na ininom yun wala sa sariling napahawak siya sa ulo niya at hinilot iyon nanghihina kasi ang buong katawan niya gusto niyang hindi ipakita iyon pero hindi talaga kaya ng katawan niya.

Doon bahagyang lumamlam ang mga mata ni Ciro habang nakatingin sa ama nakita niya kung paano ito mamilipit sa sakit sa edad niya kahit wala pa siyang naiintindihan at oo galit siya sa ama pero nung makita niya ito kagabi sa ganong estado ay bigla siyang nilukob ng takot na hindi niya maintindihan.

Habang si Helaina, Klave at Kate ay pare-pareho nagtataka sa inaakto ni Ciro dahil hindi lingid sa kaalaman nila na galit si Ciro sa ama. Pormal man ang mukha nito at hindi kababakasan ng emosyon mukhang inaalalayan ni Ciro si Kanvin lalo na nung tumayo ito matamaang nakatingin lang ito sa ama habang nakasunod lang dito nagtataka man ay ipinagkibit balikat nalang iyon ni Helaina baka medyo napapatawad na ni Ciro ang ama.

Pagkatapos nilang magalmusal ay kita at halata ang pangangalum mata ni Kanvin at habang naghuhugas si Helaina at nasa sala ang mga bata maging si Kanvin ay nagulat nalang siya nung may narinig siyang malakas na kalabog kasabay ang hiyaw ni Kathlaine at Kate, agad na napatakbo si Helaina sa sala at gulat na napatakip nalang siya sa bibig nung makita na nakahandusay na si Kanvin sa sahig at namumutla, natauhan lang siya nung makita na lumapit si Kathlaine at Kate dito at pilit itong ginigising.

"Ci..Ciro tumawag ka ng ambulansya bilis! " Utal niyang utos kay Ciro na agad na tinalima ng bata, buti nalang nataruan niya si Ciro ng gagawin pag ganitong emergency, agad niyang dinaluhan si Kanvin saka pinakiramdaman kung humihinga pa ito at nakahinga siya ng maluwag nung naramdaman niyang tumitibok pa ang pulso nito agad nalang niyang dinaluhan ang dalawang bata na umiiyak at malambing na pinatahan.

Kinakabahan at natatakot na din siya ang daming senaryong naglalaro sa utak niya pero pilit siyang nagpapakatatag dahil sa apat na bata lang ang kasama niya.

Mga ilang minuto pa ang nakaraan nung sa wakas ay dumating na din ang ambulansya, ibinilin niya kay Ciro ang mga bata at siya nalang ang sumama.

Nung makarating sila sa ospital ay agad na inasikaso ng doctor at nurses si Kanvin at pinagintay nalang siya sa labas ng emergency room.

Kabadong-kabado siya at di na siya mapakali parang sa oras na iyon ay siya ang unang mababawian ng buhay. Hindi niya alam kung ano ang meron dito at kung may karamdaman ba ito, wala talaga siyang ideya kaya ang nagawa niya nalang sa mga oras na iyon ay ipagdasal ito na sana hindi iyon malubha at pagod lang dahilan kung bakit ito hinimatay.

Nung lumabas na ang Doktor ay agad siyang lumapit dito puno ng tanong at antisipasyon ang mga mata niya.

"Helaina. Helaina Monteverde, a...asawa po ako nung pasyente" Agad na pakilala ni Helaina nung maintindihan niya ang nagtatanong na tingin ng doktor na kung kaanu-ano niya ba ang pasyente.

"Mrs. Monteverde, I have already contacted Mr. Monteverde's personal doctor, you'll just have to wait for him to clearly explain the condition of Mr. Monteverde" Malamlam ang boses na sabi nito sa akin kaya kinutuban na ako.

"Bakit malala po ba ang lagay niya? May sakit ba siya? " Naguguluhan kong tanong bahagya pang nabasag ang boses ko sa kaba.

"I can't say any further please just wait for your husband's Doctor" Sabi nito na siya naman ang pagdating ng humahangos na may katandaan na Doctor.

Nung mapatingin ito sa akin ay nakita ko ang bahagyang paglaki ng mga mata nito dahil sa gulat.

Pamilyar siya sa akin dahil lagi siyang pumupunta sa bahay noong unang taon palang na kasal kami ni Kanvin pero hindi ko siya kilala dahil hindi kami pormal na naipakilala sa isa't-isa.

"Thank you Doctor Santos, i'll handle everything now" Sabi nito sa doktor na kausap ko lang kanina.

Pumasok agad ito sa emergency room at mga ilang minuto lang ay lumabas din agad kaya napatayo ako at hinarap ito.

"Mrs. Monteverde, your husband is stable now let's just wait for him to wake up. I know you have a lot of questions and I think you deserve to know his condition especially now that you are the only family that he had now" Mahabang sabi nito na ikinakunot ng noo ko.

"Po? Yung lola niya po? " Nung umalis ako ay wala na akong naging balita na lola nito ang huling kita ko sa kanya ay nung 8 months palang si Ciro at nagmigrate na ito sa Spain dahil sa business na inaasikaso nito doon, bukod sa lola niya wala na nga akong kilalang kamaganak ni Kanvin.

"Let's talk in my office" Sabi nito kaya naguguluhan man ay sumunod nalang ako dito.

•••

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 28, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Being Mrs. MonteverdeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon