9

6.3K 156 8
                                    

"Did you already find them?" He said in dangerous.

"Negative Sir" May kaba sa boses na ani nito.

"Fuck!You idiot. It's been four years, yet you don't have any lead on where part of this goodamn country are they. I thought you're  the most prominent and most skilled private investigator that's why I choose the you" Galit nitong turan at hinagis ang mga gamit na nasa mesa nito.

"I'm sorry Sir I'm almost there. Just give me two more weeks to complete the information"

"Make it a week. I'm running out of time. I need an heir. You can go now" Sabi nito habang nakaharap sa floor to ceiling na glass at kitang-kita ang kabuoan ng Manila.

"You will be mine again my sweet Helaina" Mahinang sabi ng lalaki habang nakatanaw sa nagliliwanag na lungsod.

-------------------

Lena's POV

"Nay tara na bilis!" Atat na sabi ni Ciro.

"Teka binibihisan ko pa si Kate!" Balik kong sigaw kay Ciro nasa labas kasi ito at kanina pa inip na inip.

"Ano ba naman yan. Naginarte nanaman ba si Kuting. Di ka naman mag fa-fashion show doon eh magsisimba lang tayo" Yamot nitong sabi at pumasok na sa kwarto kasunod si Klave na nakasimangot na din. Kaya naman natawa kami ni Kate magkamukhang magkamukha talaga sila. Ito kasing si Kate sinadyang tagalan ang pagpili ng damit at inuurat nanaman nya mga Kuya niya.

"Ito na po mga Sir" Natatawa kong sabi saka nagapply ng kaunting lipstick. Mapula ito bigay lang ito sa akin ni Ana. Pulbo at lip bam lang kasi ang ginagamit ko pagpapasok.

"Kyaaaahhh~ Nanay ang pletty mo po" Matinis ang boses na sabi ni Kate. Pero ang dalawang lalaki ay nakasimangot.

"Sino pinapagandahan mo nay. Yung payatot ba na Tony" May himig ng inis sa boses nito.

"Huh?" Naguguluhan kong sabi.

"Wala po. Tara na po naghihintay na sila Lolo Tatay at Lola Nanay" Nakasimangot na nagmartsa ang dalawa palabas napailing nalang ako. Di naman sa pagmamayabang ay may nagpaparamdam at tahasang sinasabing gusto nila akong ligawan at tanggap nila ang mga anak ko na kahit tinanggihan ko na ay di pa din sumusuko. Pero pag makita na sila ng mga anak ko di pa magiisang linggo ay di na sila nagpapakita si Tony lang talaga ang tumagal  ilang beses ko na itong tinanggihan pero sige pa din sya.

Palabas na kami ng simbahan ng mamataan namin si Tony.

"Babes!" Sigaw nito at tumakbo palapit sa amin.

"Oh Tony. Di ka pumasok? Bukas pa day off mo ahh?" Nagtatakang sabi ko dito.

"Nakaleave ako ng tatlong araw eh may sakit si nanay walang magbabantay. Ito nga at sinamahan kong magsimba" Nakangiti nitong sabi saka sila nanay at tatay at magalang na nagmano. Nakipag- aper pa ito kay Ling at Andy. Huling binalingan ang tatlo nakasimangot lang si Ciro at inirapan pa ito si Klave naman ay nakatingin lang sa kuya nya saka ginaya ang ginawa nito si Kate naman ay ngumiti lang sa kanya. Ngumiti nalang ako ng alanganin sa kanya at nginitian nya lang ako na parang sinasabing okay lang. "May pupuntahan pa ba kayo? Gusto nyo kumain muna? Libre ko" Aya nito. Sasagot palang sana ako ng magsalita agad si Ciro.

"No. Hindi po kami gutom at family bonding namin to. No suitors allowed" Nakasimangot pa rin nitong sabi.

"Yeah. No suitors allowed" Sigunda ni Klave.

"Tama hihihi" Hirit pa ni Kate. Napailing nalang ako sa tatlo.

"Pasensya ka na sa tatlo Tony. Naku wag ka ng magabala puntahan mo na si Aleng Tina baka naiinip na yun. Nakakaabala na kami sa inyo masyado. Tsaka may ibang lagad kami" Alanganing sabi ko dito.

Being Mrs. MonteverdeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon