21

6.2K 141 6
                                    

"Te halika kulutin muna natin buhok mo bilis" Excited nitong sabi habang pinapaupo ako sa harap ng salamin.

"Huh? Teka kala ko ba magsusukat lang? " Tanong ko.

"Dress rehearsal na to try natin kung anong bagay sa damit mo. Sa sabado na yun excited na ako girl, tiyak na kayo pinakamaganda doon" Masaya nyang sabi. Naiilang na ngumiti nalang ako. "Baby girl dito ka muna dali tulungan mo si Mamita, hayaan mo muna yang mga kuya mo" Tawag nya kay Kate.

"Nay hindi ba yan magugulo?" Nakakunot noong tanong ni Klave. Natigilan kaming lahat sa tanong nya out of the blue at talagang seryoso pa ang mukha na unang nakabawi si Gina at tiwanan si Klave pati kami ay natawa na din. Ginulo ni Ciro ang buhok nya. "Anong nakakatawa? Kuya bakit kailangang ganyanin ng mga girls?" Curious na tanong ulit ni Klave.

"Para gumanda sila. Maybe? " Kibit-balikat nyang sagot sabay balik ulit sa binabasa nya.

"Bakit kailangan pa ng ganyan ni Nanay? Maganda na sya ah. Mas kailangan yan ni Mamita para mapansin na sya ni Kuya Ando" Pagdadaldal pa nito sa Kuya.

"Narinig ko yun, batang to" Kunwari ay inis na a sabi ni Gina.

"I didn't mean to hide it just so you know po" Walang pakealam na sagot din ni Klave.

"Wala talagang filter ang bibig nyang anak mo. Naku! Nanggigigil ako" Pagsuko ni Gina. Natawa nalang ako. Lagi kasi silang nagtatalo ni Klave pero sa huli ay sya din ang sumusuko.

"Kuya is the moon really made of cheese?" Bigla nanamang tanong ni Klave habang nakatingin sa tom and jerry na palabas. Alam kong bored na sya kaya nagdadaldal. Si Kate naman ay tahimik lang sa tabi ko at pinaglalaruan ang mga pangkulot.

"No. But it has holes in it so they compare it with cheese" Simpleng sagot lang ni Ciro.

"But cheese doesn't have holes" Nakakunot noo nitong tanong.

"They used the musty cheese"

"Eww. So Jerry's eating a musty cheese but he didn't even get a diarrhea" Sabi pa nito na may kasama pang facial expression.

"Pfft. " Pagpipigil ng tawa ni Gina. Napapailing nalang ako laking pasasalamat ko na di ako ang tinatanong nya. Naku minsan nai-stress na ako sa mga tanong nya. Tanging si Ciro lang talaga nagtiya-tiyaga na sagutin lahat ng tanong nya kasi maging sila nanay, tatay, Andy at Ling ay umiiwas agad pag magsimula na itong magtanong. Dahil panigurado ay di ka nya tatantanan hangat sya nakukuntinto sa sagot mo.

"Don't believe what you've watch in television because some of them aren't true" Bored na sabi ni Ciro. Tumango tango si Klave.

"Kuya one more question. Where does the sun go when it gets dark?" Tanong ulit nito.

"To the bottom of the ocean. You see the horizon when the sun goes up, it's time for the moon to hide and vice versa" Bored pa ding sagot ni Ciro. Tumango-tango naman si Klave at paniwalang paniwala tagala sa sagot ng Kuya, nakita ko ang lihim na pagngisi ni Ciro sa expression ng kapatid. Doon na natawa si Gina.

"Hahaha. Ang brainy talaga ng mga anak mo. Swerte nila di sila nagmana sayo" Pangaasar nito, Inirapan ko lang sya bilang tugon. Ako din minsan ay nahihiwagan kung saan nila nakukuha ang mga salitang di ko aakalain na sasabihin nila.

Makalipas pa ang ilang oras ay natapos na din sya sunod nyang pinagkaabalahan ang mukha ko light make up lang ang ginawa nya, maging si Kate ay inayusan din nya.

"Ayan perfect. Dali bihis na kayo" Nananabik nitong sabi. Napabuntong hininga nalang ako at tumalima na.

Pagtingin ko sa mga damit ay agad akong napangiwi it's too sexy for my liking, Marian I mean masyado syang hapit sa katawan ko.

Being Mrs. MonteverdeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon