31

5K 118 8
                                    

Helaina's POV

Pagkabukas ko ng pinto Literal na nalaglag ang panga ko nang makita ko kung sino yung bisita. Magsasalita palang sana ako ng may biglang yumakap sa bewang ko.

"Nanay! " Tuwang-tuwa na sabi ni Ciro habang nakayakap sa akin. Napakurap kurap muna ako para siguraduhing hindi ako dinadaya ng paningin ko. Nang magsink-in na sa akin ang lahat ay lumuhod ako at niyakap ng mahigpit si Ciro. "Nanay miss na miss na miss na miss na miss kita" Nakangiti nitong sabi habang pinaghahalikhalikan ang buong mukha ko.

"Miss na miss na miss na miss din kita anak" Sabi ko dito at sya naman ang hinahalik halikan ko.

"Kuya! " Sabay na sigaw nina Klave at Kate habang tumatakbo palapit at naguunahan pa. Agad akong tumayo ay gumilid. Agad na dinamba ni Kate at Klave ng yakap si Ciro.

"Kuya sobrang miss na miss na miss na miss na miss kita" Pacute na sabi ni Kate habang minumulestra pa ang kamay.

"Ako din Kuya miss na miss na miss na miss kita" Sabi naman ni Klave natatawang kiniliti ni Ciro ang dalawa.

"Tumigil na kayo. Dali pasok na sa kusina magalmusal na kayo" Sabi ko sa kanila. Nagunahan naman silang tumakbo papuntang kusina.

Binalingan ko si Kanvin na nasa pinto habang hawak si Kath pareho silang nakangiti habang nakatingin sa tatlo.

"Pasok kayo" Nahihiyang yaya ko sakanila.

"Dad I wanna play with them too" Nakatingalang sabi ni Kathlaine kay Kanvin at hinihilahila pa ang damit nito.

"Yes. You will but later" Sagot naman ni Kanvin dito.

"Come here baby" Aya ko kay Kathlaine. Tumingin muna ito sa Daddy nya na parang nagpapaalam nakuha naman agad iyon ni Kanvin at tinanguan ito. Nakangiting humawak ito sa kamay ko.

Pagkarating namin sa kusina nakita kong agawan sa pagsisilbi sina Klave at Kate kay Ciro napailing nalang ako namiss talaga nila ang isa't isa. Inalalayan ko paupo si Kathlaine sa tabi ni Ciro habang si Kanvin ay pinaupo ko sa tabi nito saka ko kinuha yung singag ko kanina. At ipinagtimpla si Kath at Ciro ng gatas habang si Kanvin ay kape.

Sa buong durasyon ng pagkain namin ay walang ibang nagsasalita kundi si Kate at Klave lang nagtatalo nanaman sila. Napapailing nalang ako ganon naman sila lagi eh. Ang unang maasar talo na madalas naman ay si Kate ang natatalo kaya nagsusumbong ito kay Ciro kaya sa huli si Klave ang unang tatahimik. Kita ko ang tuwa at lungkot na mababakas sa mga mata ni Kanvin habang nakatingin sa kambal na nagtatalo. Simula ng pagpasok nya kasi para lang syang hangin at di man lang sya tinignan o pinansin ng tatlo. Tanging si Kathlaine lang ang kumakausap sa kanya.

"Kate, Klave tumahimik na kayo, bilisan ng kumain. Sasabay pa kayo sa aking maligo" Saway ko sakanila. Agad naman silang tumahimik at nagkaingusan nalang tinulungan ko ng kumain si Kate dahil baka mahuli na kami.

"You're going out?" Tanong ni Kanvin. Tinanguan ko lang sya nagluluto Hindi tumitingin sa kanya dahil sa pinapakain ko si Kate. "Where are you going? " Napakunot-noo ako at napatingin sa kanya saglit kita kong matamaan lang syang nakatingin sa pagkain nya. Binalik ko rin agad ang tingin ko kay Kate.

"Sa kompanya na pagtratrabahuan ko" Sagot ko nalang.

"The modeling? " Kita ko ang pagtiimbagang nya. "Why didn't you tell me that? " Seryosong tanong nya habang mataamaang nakatingin sa akin.

"Pwede ba mamaya nalang natin 'to pagusapan" Mahinahon at pabulong na sabi ko. Kita ko na pilit nyang pinapakalma ang sarili nyang at itinuon nalang ang atensyon sa pagkain.

Pagkatapos ni Kate ay tinapoa ko nalang din lang ang pagkain ko. Ni hindi ako nakakain ng maayos dahil sa pagaasikaso kay Kate at Klave. Agad akong tumayo at inayos ang pinagkainan naming tatlo.

"Kate, Klave pumasok na kayo sa Cr. Ciro iakyat mo nalang mga gamit mo sa taas pagkatapos mong kumain. Sasama ka ba sa amin o magpapahinga ka lang muna?" Tanong ko habang inaayos ang bag na parang Kate at Klave.

"Sama ako Nay" Sagot nito. Tumango nalang ako.

"Sige magbihis ka nalang" Bilin ko dito. Tinignan ko si Kanvin na sinusubuan ngayon si Kathlaine. "Sundan ko na sila Kate at Klave lagay nyo nalang muna dyan pinagkainan nyo" Sabi ko naman kay Kanvin. Tinanguan lang ako nito.

Pagkatapos kong silang paliguan at bihisan ay naligo na din ako. Pagbababa ko ay nakita kong sinuklayan ni Ciro si Kate habang ginugulo naman ni Klave ang bangs ni Kate. Kita kong nakasimangot na si Kate habang humahagikhik naman si Klave sa pangaasar dito. Si Kanvin at Kathlaine naman ay nasa kabilang upuan at pinapanood ang tatlo. Kita kong napapangiti si Kanvin habang si Kathlaine ay natatawa.

"Kuya si Kuya Kleb oh epal" Nakasimangot na sumbong nito sa Kuya Ciro nya.

"Inaano kita dyan?" Patay malisyang bwelta ni Klave.

"Maang-maang ka pa! Iaanaano mo buhok ko" Mataray nitong sabi.

"Iaanaano ko? Bulol nyenye" Pangaasar ni Klave.

"Kuya oh" Kunot noo at nakanguso nitong sumbong.

"Tigilan mo na yan Klave" Kunwaring istrektong sabi ni Ciro pero kita mo ang mapaglarong ngisi sa knayang mga labi.

Napailing nalang ako minsan na aawa ako kay Kate dahil sya lang ang laging asararin ng dalawa at iyakin din kaya palihim lang si Ciro kung mangasar dito.

"Come on, I'll drive you off" Biglang sabi ni Kanvin kaya napatingin ako sa kanya.

"Sigurado ka? Baka out of the way" Nagaalangang sabi ko dito.

"So what? It's more convenient than a cab, you have three kids" Sabi nito. Tama naman siya kahit naiilang ako ay pumayag nalang ako.

"Sige teka kunin ko lang gamit nila"
Saktong tapos na sa pagsusuklay ng buhok ni Kate si Ciro. Dalawang malaking bag lagi kong dala pagumaalis kami isa ay para sa akin at kayna Klave at Ciro ang isa naman ay kay Kate dahil dumedede pa sya kaya magastos din dahil apat na beses sya kung magpatimpla ng gatas at kung misan nga ay lima pa, habang si Klave at Ciro naman ay dalawang beses lang umaga at gabi lang kaya halos tatlong araw lang ang gatas nila at yung pinakamalaki pa yun. Kaya kahit lima kaming kumakayud ay kulang talaga idagdag pa ang utang na binabayaran namin.

Kita kong tinutulungan ni Ciro si Kate sa pagsusuot ng bag nya. Pwera pa sa mga dala ko ay lagi lang syang maywdalang extrang damit at bimpo, maging mga gamot may asthma kasi si Kate at allergy sa Mani na namana nya kay Kanvin.

•••

Itutuloy...

Being Mrs. MonteverdeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon