12

6.1K 154 4
                                    

Kinabukasan ay alas singko palang nasa trabaho na ako ngayon kasi ang labas ng bagong schedule. Mabuti at maaga ding nagising si Ciro sinabi ko sa kanya na sabihin nalang sa kambal ang napagusapan namin ni Nanay kagabi. Sinadya ko rin dahil alam kong magmamaktol ang dalawa di kasi sila makapaglaro pag nasa palengke sila di tulad dito sa resort tiyak mapipilit nanaman nila ako dahil sa pagmamakawa nila. Di pa ako handang makita sila ng ama nila kaya hanggat kaya pang itago ay itatago ko muna sila kung maaari nga lang ay di na magtagpo ang landas nila maging kay Ciro ayoko ng masaktan sya ulit tiyak kong saglit lang sila dito.

Nang makita ko ang sched ko halos mapatalon ako sa tuwa ng ganon pa din ito biglang lumapit si Sir Rob.

"Lena sa top floor ka" Sabi nito na ikinagulat ko.

"Po? Diba po kay Mang Karding yun? " Naguguluhang tanong ko dito.

"Oo nga ewan ko din kay Sir Charles yun lang sabi nya sakin" Sabi nya bago bumaling Ana.

Kinakabahang napabuntong hininga ako. Alam ko kung sino ngayon ang namamalagi doon.

Nagdadalawang isip ako habang nasa tapat ng pinto ng penthouse kung papasok ba ako o hindi napahinga nalang ako ng malalim at inalis ang kaba ko at inisip nalang na trabaho ito dapat professional. Dahan dahan kong pinindot ang buzzer.

"Come in! " Sigaw ng maliit na tinig. Pumasok na ako at nakita ko si Kanvin na masayang sinusubuan ang anak nya. Napatingin sya saakin kaya bigla akong napaiwas ng tingin.

"Good morning Sir. I'm Lena from housekeeping department" Nagpapasalamat ako ng hindi ako nautal. Ganon kasi lagi ang sasabihin namin at yuyuko bago magsimulang maglinis. Tinanguan lang ako nito at yun na ang hudyat ko na para magsimula na.

"Dad I want to swim! " Biglang sigaw ng bata.

"Go to yaya. She'll help you to change your clothes " Malambing nitong sabi.

"Yehey!" Sigaw nito bago pumasok sa isang pinto. Ang cute nya mukha syang prinsesa halatang spoiled at alagang alaga din ito. Siguro ay kaedad lang ito ni Kate at Klave napangiti nalang ako ng mapait.

Nabigla ako ng may malalaking kamay na humawak sa braso ko at pabalibag akong sinandal sa may pader. Napaigik ako sa sakit nung tumama ang ulo ko sa pader.

"Nice to see you again" Madilim ang mukha nitong sabi sabay sandal ng isang kamay nito sa kaliwa ko.

"Sir excuse me po" Kinakabahan kong sabi at akmang kakawala na ako ng ilagay nya naman ang isa nya pang kamay sa kanan ko. "Sir may trabaho pa ako" Di makatingin kong sabi. Ayoko syang tignan ramdam ko kasi ang matatalim nyang tingin na di ko alam kung para saan. Di ba dapat ako ang galit dito?

"Playing dumb are we?" May panguuyam sa boses nito at sinabayan pa ng tawang nakakakilabot. Pilit ko syang itinutulak pero parang pader lang ang itinutulak ko dahil di man lang sya matalaw sa pwesto nya.

"Ano ba?!" Sigaw ko dito ng mainis ako.

"Wow the kitten knows how to fight back now" May ngiting malademonyo nitong sabi. Sinamaan ko sya ng tingin. Ano bang problema nya? Bored nanaman sya? Pwes wala akong oras sa mga kalokohan nya.

"Ano bang problema mo?!" Galit kong tanong sakanya. Nakita ko ang pagseseryoso nito at bumalik nanaman ang nakakatakot nyang tingin.

"Where is my son? " Cold noting takong sa akin. Natawa ako ng pagak sa tanong nya.

"Son? O bakit sakin mo hinahanap. Sir? " Umaarte kong sabi na parang di ko alam ang sinasabi nya ipinagdiinan ko pa ang salitang Sir.

"Bullshit Heleina! Where is my son? How dare you take him away from me!" Galit nitong sigaw sabay suntok sa pader. Bahagya akong napapikit sa kaba at gulat. Pero agad ko ding minulat at matapang syang hinarap.

Being Mrs. MonteverdeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon