17

5.9K 149 9
                                    

Kinabukasan ay sinamahan kami ni Gina magparehistro. Ang kambal lang ang kasama ko si Ciro kasi ay sumama kay Andy. Nakasabayan pa namin sila Cheska at ang anak nito na si Chelsae na magparehestro. Si Cheska ay anak ng Mayor maraming naiinis sa kanya dahil bali-balitang mapagmataas at masama daw ang ugali nito. Nakita kong napayuko si Kate nung mapadaan ito sa amin.

"Mom wait. She's the one that I kwento the bulol and tomboy girl" Malakas na sabi ni Chelsae habang nakaturo kay Kate. Mas lalong napayuko si Kate sa tinuran nito. Agad na pumunta si Klave sa harap nito.

"At least di bungi. Wag ka nga ding magenglish kung di ka marunong" Inis na sabi ni Klave.

"Klave!" Saway ko dito.

"Eh nay naiinis na po ako sa bunging yan. Lagi nya pong tinutukso si Kate di ko nalang pinapatulan kasi pinipigilan ako ni Kate tapos nalaman ko nalang kanina may sugat si Kate sa siko dahil tinulak sya ng babaeng yan"  Inis na sabi ni Klave saka masamang tinignan si Chealsae. Agad kong hinawi ang damit ni Kate at tinignan at totoo nga may sugat sya.

"Anak totoo ba? " Tanong ko kay Kate tumango lang ito. Tumayo ako at hinarap sila. Hindi ako makakapayag pag anak ko na nasaktan. Di ko nga sila sinasaktan eh.

"How dare you! You ugly dog! I'm not bungi! " Sigaw nito.

"Pangit na bungi kaya mo siguro laging inaaway si Kate kasi naiinggit ka" Pangaasar ni Klave. Nako ang lakas pa namang mangasar nito. Di na makapagsalita si Chealsae at mangiyak ngiyak itong yumakap sa mommy nya.

"Baby stop crying. Hey shut up! How dare you bully my daughter. Siguro di ka talaga tinuruan ng Nanay mo ng mabuting asal di man lang marunong pangaralan ang anak kaya lumalaking bastos" Pagpaparinig nito at tinaasan pa ako ng kilay. Parang nagpantig ang tenga ko don ah.

"Excuse me lang huh? Nung nilalait ba ng anak mo ang anak ko may sinabi ka ba? Wala diba? So di mi din sya tinuturuan ng magandang asal" Nanguuyam na bwelta ko dito at tinaasan din sya nang kilay. Nanggigigil ako sa maginang to. Tumayo ako ng tuwid. Stomach in, cheast out, chin up. Mas matangkad sya sakin dahil sa heels, walang wala din ang suot ko sa mamahalin syang damit pero may boobs akong maipagmamalaki at mas maputi at makinis ako. Nilapitan ko sya at tinaasan ng kilay. Lumapit din sya.

"How dare you! Di mo ba ako kilala? " Nanggigigil na tanong nito.

"Bakit ako ba kilala mo? Hmmp" Pairap kong sabi sabay flip hair.

"Come on kids may contest pa tayong dapat paghandaan. Di hamak na mas maganda at mas maputi tayo kaysa sa iba dyan" Maarte kong sabi sabay pakendeng kendeng na naglakad.

"Arggg! " Rinig kong inis na sigaw nung Bruha.

"Ang galing mo don Mars. Pak na pak" Proud na proud naman sabi ni Gina at nakipagapir pa.

"Hmmp. Lait-laitin na nila ako wag lang nila papakialamanan mga anak ko tiyak na lalabas ang pagkagabriella ko. Pairap kong sabi.

"Ayy. Taray. Ibigsabihin ba nyan willing ka na sumali sa contest? " Tanong nito.

"Of course tatalunin ko yung bruhildang yun tsaka sayang din yung prize doon ang laki pa naman" Sagot ko dito.

"So saan na tayo? "

"Sa parlor mo lilinisin ko sugat ni Kate" Sabi ko nalang.

•••

Pagkarating namin sa parlor nya ay agad kong kinuha ang first aid kit saka sinimulang linisan ang sugat ni Kate.

"Baby ano ba kasing nangyari?" Tanong ko.

"Nitatanong ko lang po tila kung pwede akong tumali ta lalaro nila. Pelo bigla akong nitulak" Nakayukong pagkwekwento nito habang kinakalikot ang kamay nya. Ganyan sya pagkinakabahan, may tinatago at nagpipigil ng iyak.

"Sabi mo nun uupo ka lang dahil pagod ka na. Diba sabi ko wag ka na ulit lalapit sa kanila. Naglie ka pa" Inis na sabi ni Klave. Sabay sumimangot at sumandal sa sila habang nakacross arms at nakakunot ang noo. Tampo nanaman sya mahaba habang suyuan nanaman. Napabuntong hininga nalang ako at pinabayaan na muna sila alam ko naman magkakasundo din yan agad di naman kayang tiisin ni Klave yung kakambal nya.

"Kuya tuli na please" Mangiyak ngiyak na sabi ni Kate habang nakayuko at hawak ang manggas ng damit ni Klave. "Kuya lab ka ni Kayt plamis di na sya la-lie" Pagpapaawa habang nakataas ang kaliwang kamay sabay halik sa pisnge ni Klave.

Napabuntong hininga nalang si Klave naman animo ay binata na. Napatawa ako ng mahina ang cute nila. Niyakap ni Klave si Kate.

"Pinapatawad na kita basta wag ka ng magla-lie ulit" Pangangaral nito na akala mo ay ama na pinapangaralan ang anak. Pareho silang ngumiti sa isa't-isa. Binulungan ni Klave si Kate kita ko na nanlaki ang mga mata ni Kate saka ngumiti ng malapad at sabay silang tumakbo papunta sa harap ko.

"Nay maglalaro lang po kami sa may park please" Sabi ni Klave. Sasagot palang sana ako ng unahan na ako ni Gina.

"Payagan mo na sila Mars dito nalang din kayo maghapunan. Ikaw magluto namimiss ko na kumain ng lutong bahay may karne dyan sa Ref" Sabat ni Gina.

"Sige na nga basta uwi kayo bago madilim huh" Kunwari ay estriktang sabi ko.

"Opo. Bye Nay, Mamita" Masaya nilang sabi at hinalikan muna kami sa pisnge.

Agad silang nagtatakbo palabas habang magkahawak ang kamay.

"Klave yung kapatid mo bantayan mo ah. Teka yung bimpo nyo dala nyo ba?!" Pahabol na sigaw ko.

"Opo!" Sigaw ni Klave pabalik habang tumatakbo palabas.

"Ang swerte mo sa mga anak mo Mars. Napalaki mo talaga sila ng maayos" Komento ni Gina. Ngumiti lang ako dahil di ko alam ang isasagot. "Ayy nga pala halika treatment day mo ngayon. Pagagandahin kita Mars" Excited nitong sabi.

"Huh? Wala akong pambayad" Tanggi ko habang umiiling pa.

"Ano ka ba libre ko na" Sabi nito. Sabay pinaupo ako sa harap ng salamin at kumuha na sya mga gamit na gagamitin nya.

"Sigurado ka ba dito Mars? " Tanong ko. Di ko na maalala kung kailan ang huling pagpapaayos ko nagpapagupit ako ay kay Ling lang saka minsan naman ay ako lang. Siguro yung huli ay nung kasal namin ni Kanvin yun na ata yung huli. Napailing nalang ako nang maalala ko yun.

"Oo nga ano ka ba. Ang ganda mo kaya, kulang lang talaga sa ayos. Tsaka ang linis at ang puti puti mo ano ginagamit mong sabon? " Nakakunot noo nitong tanong habang sinusuklay ang buhok ko.

"Safeguard" Tipid na sagot ko. Nagulat ako ng sabunutan nya ako.

"Wow? Nangiinsulto ka ba? Ako nga nagpainjection na at lahat lahat ganto pa din ang kulay ko tapos ikaw effortless " Pairap nitong sabi. Napatawa naman ako.

"Totoo nga baliw wala akong pera para bumili pa ng beauty soap" Sagot ko sa kanya napakibit balikat nalang sya.

"Anong shampoo mo Mars ang ganda ng buhok mo straight na straight? Tsaka nagdadiet ka ba bakit ganon parang pandalaga pa dina ang katawan mo? " Tanong ulit nito.

"Kung anu-ano lang at wala akong oras para sa diet-diet na yan. Ano ba naman yang mga tanong mo" Kunwari ay inis kong sabi dahil naiilang na ako sa mga tanong nya.

"Wow kaw na talaga ang pinagpala sa lahat" Sarkastiko nitong sabi at ipinagpatuloy na ang ginagawa. Madami pa kaming pinagusapan gaya ng mga ginawa nya sa kabilang baryo. Habang hinihintay naman ang buhok ko na sini-cellophane nya muna dahil kinulot nya ay kamay ko naman pinagdiskitahan nya.

•••

Itutuloy...

Being Mrs. MonteverdeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon